~~~ Chapter 33 ~~~

3.2K 47 3
                                    

THIRTY THREE

Days had passed again at hindi pa rin kami maayos ni Andrew. I don't have to care, right? Hindi ko siya maintindihan kaya maiging ayusin muna niya ang lahat bago kami mag-usap. Madalia rin kaming magkasama ni Nite to talk about the girl he likes and medyo nakakasakit, but maybe I'll move on.

Ngunit dumating ang lunch time at agad naman nila kaming hinila. Nagtataka kaming tumatakbo kasabay nila at huminto kami sa lugar kung saan maraming students.

"Attention, everybody!" Sigaw ni Nite. Kumunot ang noo ko sa balak nilang gawin. Bumaling ang atensyon ng lahat sa amin, mga bulong-bulungan.

"May gusto lamang kaming sabihin, sa inyo," Sambit ni Aaron at tunignan kami nina Flynn, "At gusto na'ming marinig 'yon ng lahat." Aniya. Kinakabahan ako sa nangyayari sa hindi malamang dahilan. Natahimik rin ang lahat, nakikinig at pinagmamasdan ang nangyayari.

"Alright, let's start." Wika ni Nite at hinarap ako, "Patricia Jones, unang-una, I'm sorry. Sorry kung iniwasan kita noong nakaraan. Nasasaktan lang talaga ako tuwing nakikita kang may kasamang iba. Pangalawa, oo, ikaw ang babaeng tinutukoy ko. At ngayon sinusunod ko na ang payo mo, at gusto kong malaman ang sagot mo para maging maayos na ang lahat. Gusto kong marinig ito ng lahat, kasi dapat kang ipagmalaki. Kasi dapat ko itong ipagmalaki at hindi lang ito malaking biro, Patricia, I love you." Pahayag niya at lumuhod sa harapan ko. He's speech was so touching. May kung anong yumakap sa puso ko ngunit hindi ko nagugustuhan ang nangyayari. Hindi ko nagugustuhan ang lahat. Na may dalawang tao ang nagkakagusto sa akin kahit na ganito ang itsura ko. Isa lang ba 'tong malaking laro? Para ba ito ipahiya kami pagkatapos? Na naniwala kami? Bakit? Hindi ko maintindihan.

Ngunit bago pa ako makapagreact ay nagsalita na si Rence.

"Abby, I'm so sorry. Aaminin ko, noong una nagkamali ako. Akala ko si Gail talaga ang gusto ko. Pero noong nakasama kita, tuwing naalala ko ang lahat, napapangiti ako. Cheesy man, pero ito ang totoo. At gusto kong malaman mo na seryoso ako. Salamat sa lahat, salamat sa unpredictable na words mo at natuto ako. Salamat, kasi I love you." Utas ni Rence at lumuhod na rin.

"Inagawan na ako ng sasabihin ng dalawa, pero Trinna, mukha mabg imposible na magkagusto sa madaling panahon, pero believe me, nangyari sa akin. Hindi ko kaya na makita kang may kasamang iba, kaya lalaban ako, para sa'yo. Sana bigyan mo naman ako ng chance para ipakita sa'yo, ilang beses mo na akong napaoangiti kahit na napakataray mo. I wish ako naman ang makapagpangiti sa'yo because I love you, and those three words are the exact reason why my heart is still beating. Because it beats for you," Seryosong saad ni Aaron at hinawakan ang kamay ni Flynn saka lumuhod.

"I maybe quiet, and unable to confess this to you, pero dahil sa tatlong kaibigan ko, nagkaroon ako ng lakas. Una pa lang nagustuhan na kita. Ang bading pakinggan pero hindi ko rin alam kung paano. Maybe it's because of the way you move, or speak, or maybe look. Whatever, I love all of you." Wika nito at lumuhod na rin. Sabay-sabay nilang hinalikan ang kamay na'min.

"Kahit anong sabihin niyo, ipapakita pa rin na'min sa inyo." Sabay-sabay nilang bulong.

And we are all speechless. Pagkatapos nila Andrew, sila naman? Ano ba ang ginawa na'min? Hindi ko nagugustuhan ang nangyari, hindi dahil sa ayaw ko kay Nite. Pero mas lalo na kasing gumugulo ang lahat. Hindi pa nga ako, kami ayos kina Andrew at sa pag-amin nila, nadagdagan pa ng panibago. At para saan ito? Hindi ako makapaniwala sa lahat. Sobrang mali nito. Lalo na't sa isang iglap ay mawawala na lang kami dito. Wala dapat kaming piliin. Ngunit ano? Iiwas ulit kami?

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon