~~~ Chapter 6 ~~~

6.9K 114 10
                                    

SIX

Ganito lagi ang eksena sa room. Kung hindi may nangungulit kay Belle at Harley, maririnig ko ang boses ni Trix na sinusubukang kausapin si Andrew. Trix is very friendly kaya normal na gano'n siya.

"Pabasa ako ng libro mo," Rinig kong sambit ni Charles. "Damot," Aniya nang hindi pahiramin ni Belle. "Earphones mo na lang," Pagbagong-isip nito.

"Ginagamit ko, humanap ka na lang sa iba." Sa wakas ay utas ni Belle.

"Sungit," Komento ni Charles. Sa harapan ko naman ay nangungulit si Xander kay Harley. Ang huli naman ay wala talagang kinakausap bukod sa'min.

"Alam mo, mapapanis na 'yang laway mo kung hindi ka magsasalita," Ani Xander. Natatawa na lamang ako dahil parang hangin na lamang ito kay Harley, "Bakit ayaw mo akong kausapin? Mabait naman ako," Dagdag pa nito na ikinataas ng kilay ko.

"Man, kung katumbas lang pala nito ang wala akong katabi, sana hindi na kita seatmate! Ang sikip, eh," Rinig kong reklamo ni Trix. "Pero okay na rin, at least may nakakausap ako kahit parang multo." Dagdag pa nito at tumawa. Umiling na lamang ako.

At usual, mapuputol ang pakikinig ko marahil may isang mangungulit rin,

"Ang ingay naman nila," Komento ni Chris. "Alam mo sa tingin ko close na sila tapos tayo hindi pa," Wika nito habang pinagmamasdan ang mga kaibigan na'min saka ako binalingan matapos magsalita. Isang tingin ko lang talaga sa isang 'to ay nasisira na ang araw ko.

"Kailangan ba 'yon? Hindi ba't mas magandang hindi tayo nag-uusap?" Sambit ko at tumingin sa bintana. Hindi na ito nakasagot marahil dumating na ang guro.

Sa kahabaan ng klase na'min ay nakakaramdam na ako ng pagod sa pakikinig. Ngunit biglang nagvibrate ang phone ko sa bulsa ng palda. Dahil bored na ako ay patago ko itong kinuha at tinignan.

This is Kylie, punta kayo sa mini house ng lunch. I'll be there,

Napanguso ako sa pagtataka kung bakit siya pumunta dito. O baka gusto lang rin niyang bisitahin ang mini house?

Nagring na ang bell hudyat na lunch break na. Agad akong tumayo at nagtaas ng kamay nang humarap sa'kin si Harley.

"Hindi ako sasabay," Sambit ko ngunit nagulat ako nang kasabay ko si Trix sa pagsabi nito. I guess, tinext kami nito lahat. Pero mukhang may personal assistant issue pa itong dalawa sa harap at sina Belle naman ay nagkukulitan pa kaya nauna na kami ni Trix na tumulak papunta sa napakalayong mini house.

Agad kaming sinalubong ng kagandahan nito pagdating na'min. Ngunit ng pumasok kami ay tila kapangitan na ang sumalubong sa'min.

"Who are you?" Tanong ko sa babaeng nerd.

"Wow, who are you?" Pag-ulit nito sa'kin.

"Bongga, Manager. Ginalingan, ang pangit mo." Komento ni Trix at tumawa. Ay, si Manager pala ito? Dinaig pa kasi disguise na'min, nagmukha siyang lupa.

"Of course, magaling ata 'to. At bakit kulang kayo?" Tanong ni Manager.

"Iyong isa, of course, on duty pa. Ayaw naman na'min iwanan mag-isa, kaya iniwan din na'min si Belle." Pagpapaliwanag ko at naupo sa sofa.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon