~~~ Chapter 22 ~~~

5.1K 63 12
                                    

TWENTY TWO

Nakabalik na kami sa hotel at sa ngayo'y naglalakad na sa lobby. I am kind of tired even if I did not exert much force today. Subalit tila ako lamang ang pagod sa aming apat marahil ang mga ngisi at tingin nila sa'kin ay hindi mapawi. I'm suddenly thanking Harley for not caring at all.

Napatigil kami sa paglalakad nang namataan na'min sina Chris na napatayo sa pagkakaupo mula sa sofa. Harley started walking again like she did not saw anything and so, we decided to act the same ngunit hinablot agad ni Chris ang braso ni Flynn dahilan para kami'y mapatigil.

"It's late in the evening," Utas nito. Lumingon si Flynn kanya at sarkastikong tinignan.

"And so?" Sambit ni Flynn at sinubukang alisin ang kamay niyo sa kanyang braso.

"Bakit ngayon lang kayo?" Bahagyang tumaas ang boses nito kaya iritado siyang binalingan ni Flynn kaya agad na namang nagbago ang ekspresyon nito. "Let's talk," Wika nito na tila ba nanunuyo.

"Let go of her arm," Utos ni Harley. Napalingon ang lahat sa kanya at ngayo'y mas lalong tumaas ang tensyon sa paligid. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Chris sa braso ni Flynn at mariin itong pumikit.

"They are tired, let them rest." Utas ni Nite. Agad na tumingin ang apat na lalaki sa kanya, tila ba nanghahamon. How did we get into this, again?

"Please, let's talk." Pagsusumamo ni Chris kay Flynn at hindi pinansin ang narinig mula kay Nite.

"He's right, we are tired. Pagod na ako, pagpahingahin mo na kami." Sambit ni Flynn. Nagkasalubong ang tingin na'min ni Charles at nilipat rin ito sa nasa tabi ko, si Rence. Kumuyom ang kamao nito habang nakatingin sa'min.

"Tomorrow, then?" Ani Chris. Hinawakan ni Rence ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Go upstairs, kami na bahala dito." Bulong niya sa'kin. I felt like standing here is nonsense kaya tumango ako at naglakad na palapit sa elevator. Nakita ko ang matalim na tingin ni Charles nang pinapanood ang bawat galaw ko.

"Let's see," Tanging sagot ni Flynn at nang bumukas ang elevator ay sumunod na sa akin ang tatlo kaya wala na silang nagawa kundi ang panoorin ang pagsara ng elevator doors.

Nakarating kami sa aking suite at agad na nakahinga ng maluwag. "It seems like Belle is the happiest amongst us today," Ngising-aso na wika ni Trix.

"Yeah, and I'm the unlucky one." Sambit ni Flynn. Ngumiwi si Harley.

"Caught you laughing heartily with Aaron," Komento nito. Tumigil si Flynn sa hamba ng pintuan ng comfort room.

"Can't resist his humor, he is fun to be with." She shrugged before entering the room.

"How about you?" Tanong ko kay Trix kahit na mukhang masaya rin naman siya.

"Nite is such a lovely guy, and you?" Pagbaling nito kay Harley na biglaang napaiwas ng tingin.

"Kent is fun to be with," Kumunot ang noo na'min ni Trix.

"Did you two, fought?" Tanong ko na agad naman niyang inilingan.

"No, I just didn't expect that he would be so generous," Aniya at siyang pagdating ng dalawang dalagita. I almost forgot that we are sharing a room with them.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon