~~~ Chapter 38 ~~~

2.3K 42 4
                                    

THIRTY EIGHT

Ngayon ay nakasama ko si Alex sa mall na kasalukuyang umaaktong parang bata.

"Pwede bang 'wag ka ng pumansin ng mga lalaki?" Tanong niya na tila talagang problemado. Kumunot ang noo ko ngunit tinalikuran na rin siya. "H-hoy, saan ka pupunta?" Tanong niya at hinila ako pabalik.

"Iiwasan ka," Sagot ko at agad naman siyang napasapo sa noo. Don't tell me na isa itong pag-amin na hindi siya normal na lalaki?

"No, no. I mean ibang mga lalaki, bukod sa'kin." Hindi ako sumagot. Kanina lang ay nag-away sila ni Kent. Dahil ba do'n?

"Bakit?" Tanong ko. Hindi ako gagawa ng kung anu-anong bagay na walang tamang dahilan.

Saglit kaming nagkatitigan. Nang hindi pa siya sumasagot ay gumalaw na ako para humakbang ngunit nagulat ako ng hilahin niya ako at niyakap. "I'm always feeling jealous. And it's crazy," Bulong niya sa'kin. Sinubukan kong punitlag sa yakap ngunit mas lalo lamang niya itong hinigpitan. Ayoko ng ganito kami kalapit. Hindi ko nagugustuhan ang pakiramdam.

"Let go," Mahinang sambit ko ngunit umiling siya.

"Not until you agree," Aniya. "Papasok tayo sa mall ng magkayakap," Sambit niya at dahan-dahang naglakad. Nanlaki ang mga mata ko at sinubukan siyang itulak.

"This is not funny," Utas ko at pinipigilang gumalaw ngunit binuhat niya ako ng konti.

"You smell is familiar," Komento niya at mas inilapit ang mukha sa aking leeg. Pakiramdam ko ay nakikiliti ako kaya nilayo ko ang sarili ko.

"Ibaba mo na ako," Utos ko. Nasa parking lot kami at ang ibang mga bagong dating ay tinitignan na kami.

"Ayoko," Pagmamatigas niya kaya wala na akong nagawa kundi gamitin ang skills ko. Agad kong sinipa ang tyan niya at hinawi ang mga brasong nakayakap sa bewang ko at saka ito pinagsama sa kanyang likod. "What the hell? Assassin ka ba?" Tanong niya at natawa. Nope, just learned self-defense.

"Want to go inside like this?" Tanong ko sa kanya ngunit ngumisi lamang ito sa'kin.

"You can always tie me with you para hindi na tayo magkahiwalay pa. Go on," Aniya kaya agad ko siyang pinakawalan at tinulak ng konti. Ngumiwi ito sa'kin.

"May gusto ka ba kay Kent?" Natigilan alo sa kanyang tanong. Nag-iwas ako ng tingin at nagsimulanh maglakad.

"Where are we? I'm hungry," Tanging sabi ko ngunit hindi ito gumalaw sa pwesto. Nilingon ko siya at malungkot ako nitong nginitian.

"Mall of Asia, saan mo gustong kumain?" Tanong niya. Hindi na kasing sigla ng kanina ang boses niya. Nagkibit balikat ako dahil wala akong alam na kainan dito. Nang kakapasok kami sa mall at nakapaglakad-lakad ay nakita ko ang isang food chain na 'Jollibee' ang nakalagay.

"Gusto mo dyan?" Tanong niya sa'kin. Tumango lamang ako at nauna na itong pumasok sa loob. Sinabihan niya akong maghanap na lamang ng upuan at siya na ang bahala mag-order. Maraming tao dito kaya medyo mahirap humanap ng table. Ngunit may nakita rin ako sa hindi kalayuan na may pang dalawang upuan lang rin. Pumwesto na ako at hinintay si Alex.

Ginala ko ang paningin ko sa gusali. Karamihan dito ay mga magulang na kasama ang kanilang mga batang anak. Napako ang mata ko sa mga batang magkakaibigan. They were all the same. Jolly, playful and happy kid. I guess kids doesn't really like something new, something unique. Kids started being stereotype since they still know a little about this world. But I was young then, too young to realize how this world rotates and revolve.

"Penny for your thoughts?" Nilipat ko ang tingin kay alex na kadarating lang. Nilapag niya ang tray sa maliit na lamesa at naupo sa harap ko. Hindi ako sanay sa ganitong lugar.

Tinignan ko ang mga pagkain at napakunot ang noo nang makitang sobrang dami niyo at halos hindi na magkasya sa table. May tumulong na nga sa kanyang waiter para dalhin ang mga tray.

"May kasama tayo?" Sa wakas ay tanong ko. Napayuko ito ng bahagya at napakamot sa batok.

"Hindi ko kasi alam ang gusto mo," Wika niya at kinagat ang pang-ibabang labi. Tumango ako at muling hinagod ang paningin sa hapag. Nagdagdag na ng isa pang table para pagkasyahin ang mga binili niya. Kinuha ko ang potato fries, at ice cream. Lunch na, actually, pero hindi kasi ako pamilyar sa mga pagkain dito.

"Ano 'yan?" Tanong ko at tinuro ang transparent-colored noodles na may orange sauce. Kumunot ang noo niya at maya-maya'y natawa na. Para namang wala siyang ginawa kundi ang tawanan ako tuwing magkasama kami.

"Sa Pilipinas ka ba talaga nakatira? Palabok 'yan, sikat 'yan dito. Nakikita ko kasi na madalas kang bumili sa school ng mga pasta, baka magustuhan mo rin 'yan." Aniya at ngumiti. Tumango-tango ako at kinuha ito.

"Kainin mo 'yan lahat," Utas ko matapos kuwain ang mga gusto ko. Tinapunan ko siya ng tingin at nakitang nanlaki ang mga mata niya. Hindi ko maiwasang matawa sa itsura niya kaya bahagya akong natawa, ngunit nang mapansin niya ang reaksyon ko'y agad kong pinigilan ang bungisngis at nagpeke ng ubo.

"Sige, sabi mo, eh." Masiglang wika niya at nagsimulang kumain. Their food is not bad, it's actually delicious and addicting. Medyo nagtagal kami doon at naabutan ang isang mascot na kulay pula.

"That's Jollibee," Komento niya at tinuro ang pulang mascot na kaway ng kaway sa mga bata na siyang tuwang-tuwa sa nakita. "Jollibee is a big and fat red bee," Pahayag niya at tumatangu-tango.

"Hindi naman siya mukhang bee," Komento ko at iniwas ang tingin. Tumawa siya at hinila ako patayo. Nagulat ako nang lumapit kami sa mascot.

"Jollibee, inaaway ka ng kasama ko! Pero papicture, ha?" Sambit niya sa mascot ng makalapit kami at hinili ako palapit. Ang mascot naman ay agad na nagpose. May picture rin kami kasama ang mga bata at masaya akong hinihila. Napangiti ako at nakuhaan 'yon sa litrato. Ngunit ahad rin 'yon nabura nang maisip kong, matutuwa kaya sila pag narinig nila akong magsalita?

Pagkatapos na'min kumain sa 'Jollibee' ay lumabas kami para maglakad-lakad. Papalubog na ang araw at masasabi kong ang ganda nitong tignan sa gitna ng dagat. Maalinsangan ang amoy nito ngunit hindi naman kasamaan. Normal lang para sa talagang amoy ng tubig dagat.

"Sakay tayo do'n," Aniya at tinuro ang mataas na ferris wheel. Nakasakay lamang ako doon noong bata pa ako. Noong hindi pa gaano busy ang mundo.

Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako. Sumakay kami doon saktong lumulubog na ang haring araw sa dagat. Naalala ko pa dati, hilig na'min itong panoorin nina Flynn.

"Ganda diba?" Tanong niya nang medyo tanaw na ang dagat. "First time ko lang dito," Sambit niya kaya nakuha nito ang atensyon ko.

"Talaga?" Tanong ko, para hindi gaanong dry ang paligid.

Tumangu-tango ito bago sumagot, "Kaya inaya kita kasi gusto ko ikaw ang kasama ko sa unang beses ko dito," Nakangiti at diretsong titig niya sa mga mata ko. His light brown eyes looked more evident with the rays from the fading sun. It's like his orbs are showing me his whole soul. It's like his orbs are making me believe that everything was real; not just a huge cloudy dream. "Hindi kami nakakapunta sa ganitong lugar noong bata pa ako. My parents are too busy with their businesses. Hindi kami gaano nagkakasama..." The color of his orbs changed depending into his emotions. Like it was the most wonderful creature ever was made.

Is he really opening these things up onto me?

"Salamat..." Aniya at ngumiti. Ngunit agad rin itong nabura at nagseryoso. "Lahat ng sinasabi ko sa'yo totoo... Pero bakit pakiramdam ko may mali sa mga mata mo? Bakit pakiramdam ko may hindi ako nakikita?" Saad niya at kumunod ang noo. Nag-iwas ako ng tingin at pinigtas ang koneksyon ng aming mga mata. Malakas rin pala siyang makiramdam. "Pero kung ano man 'yon, mahal pa rin kita." Sambit niya at ngumiti.

"Bakit?" Tanong ko. Bakit kailangan mo pang magsinungaling? Mahalaga rin ba ang rason mo? Kasi kung hindi, suko na ako.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon