~~~ Chapter 10 ~~~

6.1K 104 3
                                    

TEN

Okay? Alam kong ganito lagi ang eksena. Papasok kami at maraming bulung-bulungan pero bakit mas malala ngayon? These people have nothing to do with their lives.

"Gosh, what are these?! Gross," Rinig kong komento ng isang babae na malapit sa bulletin board. Hindi na'min ugaling makisama sa gano'n kaya naman nagpatuloy lamang kami sa paglalakad. Kasi hindi oa kani nakakalayo ay may humablot kay Trix at sinampal ito. Nagulat ako at agad na nainis.

"What does this mean?!" Tanong ng isang babae at pinakita ang isang papel na may picture. Hinablot ko ito sa kanyang kamay at agad na napairap. Nakaramdam ako ng inis pero pinigilan ko. Ambang sasampalin muli ng babae si Belle ngunit hinawakan ni Harley ang kamay nito.

"Touch her and you'll regret your whole life," Wika nito. Nagulat ang babae at nangatog. Agad itong tumakbo palayo habang ang mga tao ay nakapalibot na sa'min. Tinitigan kong muli ang papel at napa-isip na walang iba ang pwedeng gumawa nito. Nilukot ko ito at tinapon sa sahig.

"They did this," Mariing sambit ko. Naunang naglakad si Harley kaya sumunod na kami. Sanay na kami sa ganitong rumors! Pero ibang usapan na ang tiwala!

"Are you sure about this, Flynn?" Tanong ni Belle. Hinarap ko siya at tumigil sa paglalakad. Nanggagalaiti ako.

"Sino ba ang kasama natin that time?" Sarcastic kong tanong. Natigilan ito. Mukhang napaisip sa sinabi ko.

"You think they can do that?" Tanong ni Trix. Napa-iwas na lamang ako ng tingin nang may nagsalita.

"What's going on?" Hinarap ko sina Charles at agad na lumapit kay Christian at sinampal ito. I couldn't believe I got sick of this disguise! But this is our only way!

"Noong nakaraang araw lang sinabi mo na iba kami! Now what is that, huh?!" Singhal ko sa kanya. Litong-lito sila sa ginawa ko o mas tamang sabihin na nagmamaang-maangan sila.

"What are you talking about, Trinna?" Marahang tanong nito at sinubukang lumapit pero umatras agad ako. Trinna! I'm not Trinna!

"I'm just so stupid na maniwala sa'yo! I can't believe this. Maigi ng dito pa lang ay natauhan na kami," Sambit ko at umiling-iling. Mariin ko siyang tinignan at saka tumakbo palayo. Why did I ever believe that man?! Pinunasan ko ang tumakas na luha sa'king mga mata. I thought we've found new friends. Hindi ko naman alam na ganito pala karahas ang tunay na mundo. Maybe our parents only saved us from this. But we are too stupid to even find that out!

I decided to ditch class kaya naman sa mini house ako pumunta at agad na nahiga sa kama. Sumunod sa'kin si Harley at tinabihan ako.

"What are you thinking?" Tanong nito sa'kin.

"Plenty," Tanging sagot ko.

"I, honestly, think they can really do it. Xander treats me good, but I don't really understand why he's doing those kind of things. But maybe, this is the answer." Aniya. To break us? Is this the mission of the world?

"Why can't we trust words?" Tanong ko.

"It may secretly mean another," Tanging sagot ni Harley.

After few hours of overthinking ay saka ko lamang naisip na hindi dapat ako nagkakaganito. So, I tried to relax by taking a dip into our jacuzzi. Good thing na maganda ang view at nakakarelax.

"Aren't you going back to class?" Tanong nito at sumimsim sa apple juice. Tanging paa lamang niya ang nakalubog sa jacuzzi.

"What time is it?" Nakapikit kong tanong.

"Magla-lunch na," Sagot niya. Her voice is really relaxing. Boys would definitely go crazy over her.

"Dito na tayo maglunch, saka tayo pumasok." Wika ko at tumayo na. Nagbihis lamang ako at sumunod na kay Harley sa baba ngunit nando'n na rin ang dalawa.

"They tried to talk to us," Pagsisimula ni Trix. "You know, hindi ako makapaniwalang sila ang may gawa no'n. Pero 'wag na natin isipin 'yon pwede? Hayaan na lang natin sila," Aniya.

"Maybe, kagaya ng umpisa, tayong apat lang talaga." Sambit ni Belle. Ngumiti ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Saktong pagbalik sa klase ay baking ang tinuturo. Easy na lamang ito sa'min dahil gawain na'min ito dati pampalipas ng oras.

"What is that?" Tanong ni Chris. Umakto akong walang narinig. Yeah, this is just easy. It just gives a little pain in my heart but I can take it.

"Want some muffins?" Tanong sa'kin ni Trix. Ngumiti ako at tumango.

"Na-miss ko ito!" Komento ko. Ito ang madalas na'ming kainin sa Korea.

"Ano ang binake mo?" Tanong niya sa'kin.

"Macaroons!" Masiglang sabi ko. Si Chris ay tila nalungkot sa'king tabi at naglakad na lamang palayo. "Ikaw, Abby?" Tanong ko kay Belle.

"Pretzels and doughnuts," Sagot nito. Wow, hindi ako makapaghintay na magshare! Lahat kami'y lumingon kay Harley. Pinakita nito sa'min ang tray ng cookies. That's her favorite!

Matapos ang klase ay nagbigayan kami ng mga niluto na'min. Some even use it para pormahan ang mga gusto nila. At kami? Ito nagfoodtrip nina Belle. Narinig ko pang inalok noong isang kaklase sina Chris ng binake nila. Who cares, right? Kasi mas gusto niya ang magandang babae kaysa sa isang Trinna! There's no Trinna, anyway!

What am I thinking? Maigi ng nangyari na ito kaysa tuluyan kaming magtiwala sa kanila, right?

Uwian na ngunit nawawala 'yong anklet ko. Isinilid ko ito sa bag ko marahil hindi ko ito pwedeng isuot gayong naka-disguise ako at naka engrave dito ang salitang 'Metanoia', ang group name na'min.

Bumalik ako sa classroom habang naghihintay sina Harley sa parking lot. Ngunit habang naghahanap ako ay nahagip ng mata ko ang isang box sa upuan ko. I opened it at tumambad sa'kin ang dalawang cupcakes na may nakalagay na 'I'm Sorry'. Alam ko na agad kung kanino ito galing. I fished the letter at nilagay ito sa bulsa ng palda ko. Kinuha ko ito at paalis na sana nang makita ang anklet ko sa ilalim nito. Finally, I feel relieved. But did he saw it? Darn. Sana hindi niya ito nakita. Itong anklet ay gawa sa diamond. This is exclusive for the members only. Merong ganito ang mga fans ngunit malaki ang pagkakaiba nito. Mariin akong pumikit at lumapit sa trash bin sa room at tinapon ang box. Saka ko binalikan ang anklet at lumabas ng room.

"Did you saw it?" Bungad sa'kin ni Trix nang makapasok sa van. Tumango ako at napatingin sa hawak niyang paper bag. "Andrew handed this to me at humingi ng tawad. Do you think it's sincere?" Tanong nito. Naglabas rin si Belle at Harley ng ganito. Nagkibit-balikat lamang ako.

"I threw mine," I said nonchalantly. Nagulat si Trix sa sinabi ko.

"Sayang naman! That's bad," Aniya.

"What they've done is bad," Tanging sagot ko.

Pagkauwi sa mansion ay agad akong nagbihis. Nahiga ako sa kama at nang maalala ang letter na nilapag ko sa side table ay agad ko itong kinuha at binuklat.

Hi, Trinna.

I wanted to say sorry sa nangyari but believe me, hindi kami ang may gawa no'n. Gusto talaga na'min makipagkaibigan sa inyo, that's the truth. At hindi na'min magagawa 'yon but don't worry, hinahanap na'min ang salarin. I hope na mapatawad mo ako, I hope na mapatawad niyo kami. I'm true to my words, Trinna.
I'm so sorry, I didn't saw that coming. Dapat ay nag-ingat kami.
Please do give me another chance.

Christian Seok

Ayon ang nakalagay sa letter at may kasama pang pirma. Binagsak ko ang mga kamay ko sa kama at tumingala sa kisame. Paano mo ba masusukat kung dapat pagkatiwalaan ang isang tao, gayong makakaloko ang mga salita? 

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon