~~~ Chapter 11 ~~~

6K 109 17
                                    

ELEVEN

The cold breeze of Korea welcomed us. Bumalik kami para sa isang shooting and I suddenly felt like I was homesick!

Agad kaming dumiretso sa mansion at binati ng mga maids.

"Hwangyong hamnida, Agassi." Wika ng mga ito at yumuko. Dumiretso kami sa kwarto para magpahinga st makapagreserve ng energy para sa shooting mamaya. I think tama lang ito para naman ma-relax kami ng konti. What we've experienced in the Philippines shook us.

Siguro'y akala nina Chris o kung sino man ang may gawa no'n ay nagtagumpay silang paalisin kami sa school. Isang linggo lang kaming mawawala, babalik rin kami. Kapag nahanap ang mga 'yon, I'll make sure na makick out sila! Kidding. I'll never use my power para lang sa mga bagay na gusto ko. Hayaan na lang na'min ang nangyari at kalilimutan ito.

Our week here in Korea has been busy. Shooting dito, shooting doon. Sa isang linggo na'min dito ay naka-ilang guest kami sa TV shows. Nakakapagod atsobrang puyat na'min pero dito na kami nasanay.

Mayroon na mga artista na may gusto sa'min but all that we can give them is friendship. Paminsan ay hindi rin kasi ito kapani-paniwala dahil ginagamit lamang ang mga love-teams para sumikat. At hindi ako fan nito. Mas gugustuhin kong paghirapan ang sarili kong pangalan kaysa umasa kasama ang iba. I'm fine with these three girls by my side.

Showbiz life was challenging for me, for us. Patuloy kasi itong sumisiksik sa tunay mong buhay kaya kailangan mong mag-ingat kung ayaw mong mahusgahan ng karamihan. Well, for me, I don't mind criticisms. Saan ka man mapunta ay nakadikit talaga ito sa bawat tao. Everyone tend to do that, even me. Kaya naman nakasanayan ko na rin ito dahil hindi rin naman lahat ng tao ay gusto ako bilang artista.

Ngayon ay nasa grocery kami para mamili ng strawberries at chocolates dahil ito ang paborito na'min. We call these as 'strawcolate' for short.

"Damihan na natin for stock," Komento ni Manager habang kumukuha ng sandamakmak na chocolates. Sumang-ayon kami kaya halos 'yon lamang ang dala na'min pauwi sa Pilipinas. Binanatan na'min 'yon sa byahe hanggang sa lumanding na kami sa Pilipinas ng three in the morning. Lunes na ngayon at maaga pa ang pasok mamaya kaya agad kaming nagpahinga pagkauwi.

Nagising ako sa sama ng pakiramdam ko. Saka lamang ako napabalikwas nang maalalang may pasok ngayon at tanghali na! Agad akong pumasok sa comfort room at naligo.

Ang katanungan kong bakit hindi nila ako ginising ay nasagot rin nang makasalubong ko si Trix na nakapantulog pa.

"You aren't going to school?" Tanong ko.

"Oh, yeah. Good morning, too! Maliligo muna ako, sabay na tayo." Wika nito at pumasok sa kwarto. Bumaba na ako at pumuntang dining area. Nando'n na si Harley at nakabihis na.

"Good morning, where's Belle?" Tanong ko.

"School," Sagot nito. Oh, the prim and proper Queen, I remembered! Patapos na kami kumain nang dumating si Trix.

"Your makeup, Miss." Wika nito at naupo sa tabi ko. Napapikit ako ng mariin at nang matapos kumain ay agad akong bumalik sa taas para ibalik ang Trinna.

Pagdating naman na'min a school ay nagbulong-bulungan na naman ang mga estudyante. Alright, if that's what they want. I just wished na hindi sila mapagod kakausap sa buhay ng iba. Pumasok kami sa room at tila ba horror nang makita nila kami.

"Trinna!" Agad na sambit ng seatmate ko nang makalapit ako. Hindi ko ito pinansin at nagdire-diretso sa pag-upo. "Anong nangyari sa inyo? Bakit hindi kayo pumasok last week?" Tanong nito. Iritado ko siyang tinignan.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon