~~~ Chapter 39 ~~~~

1.5K 29 0
                                    

THIRTY NINE

Abala ang lahat sa paghahanda para sa nalalapit na okasyon. Nilahad ang mga oras ng klase dito noong mga nakaraang araw, hanggang ngayon dahil ito na ang tinuturing 'final wave' ng school.

Pinagsama ang photography club at ang journalism para sa magazine na ire-release, kasama na rin ang yearbook. Ang dance at glee club naman ay pinagsama rin para sa performance.

Kasalukuyan kami ngayong nag-aayos ng mga gamit para sa event na magsisimula na sa ilang minuto na lamang.

Kaming photographers at journalisms ang nauna para mag-ikot at kumuha ng litrato ay mensahe mula sa mga performers.

"Smile," Wika ni Alex at ambang kukuhaan ako ng liteato sa DSLR. Sumimangot ako at tumalikod.

"Magtino ka nga," Utas ko at nagsimulang maglakad. Kinuhaan ko ng litrato ang mga naghahanda, mga nagsusulat, pati na rin ang mga kapwa-photographers na'min. Lumabas ako ng backstage at kinuhaan ng litrato ang lahat ng manonood. Mayroon ring live ang event at mapapanood sa iba't ibang channels.

Si Alex ay patuloy lamang ang pagsunod sa'kin, hindi ko alam kung ano ba ang kinukuhaan niya ng litrato.

Nagtawag na ang guro na'min, na magsisimula na raw ang event at maghanda na. Lumabas na ang master of ceremonies at saka sinimulan ang okasyon. Nagpanimula ito sa sayawan at kantahan ng iilang miyembro ng glee at dance club. 

Sinumulan kong kuhaan ito ng mga litrato. Naglakad-lakad pa ako para hanapin ang magandang pwesto.

"Please, be careful. Maraming yao, baka hindi kita masundan." Sambit ni Alex at hinila ang bewang ko.  Awtomatikong kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Lumayo ako sa kanya at muling naglakad. Namataan ko rin sina Belle at Charles na magkatabing nagre-record.

Sa hindi kalayuan ay si Kent rin na nagsusulat. Lumapit ako para kuwaan siya ng litrato. Paglingon ko sa kabila ay nasalubong ng mga mata ko ang titig ni Alex. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito ngunit agad itong ngumiti.

Palit-palit ang nagkakantahan at sayawan, iba-iba rin ang tugtog. May sumayaw ng 'Me Too' ni Meghan Trainor at kasama doon si Flynn. Isa siya sa mga nasa gitna at nasa unahan. Probably because she deserves that place. Ang ganda kasi niya kumilos. I took a picture of her at saktong nakuhanan ko ito ng klaro at maganda ang pwesto.

Tumagal ang event at mas lalong nag-enjoy ang mga manonood. Nakapatay na rin ang mga ilaw at tanging makukulay na ilaw at panay kutitap ang mga ito, na sinasabayan naman ng sayaw ng nasa stage, pati na rin ng mga audience. It was such a nice view to take a shot kaya kinuhaan ko ito kung saan kita ang parehong performers at manonood.

Nakakangalay ang pagtayo at pagkuha ng litrato, ngunit dahil maganda rin naman ang nangyayari ay nakaka-engganyo rin. Maya-maya'y natahimik ang lahat, namatay rin ang mga ilaw at napalitan ng spotlight na nakatutok na ngayon sa stage. Andrew's view was clear as crystal. He's standing at the middle of stage, holding a piece of red rose.

He greeted everyone at sa isang segundo ay napuno ang buong lugar ng tilian ng mga kababaihan. Nagpaalam ito sandali at pagbalik sa stage ay kasama na niya si Trix. He gave her the rose at muling nagsalita.

"Listen carefully," Utas niyo at binigay ang high chair kay Trix at siyang tumayo at nagstrum ng guitar. I wasn't familiar with the song, but it started with the lyrics saying, 'Uso pa ba ang harana'. His voice sounds so good. Hindi rin nagtagal ay lumapit siya kay Trix at nakaluhod na nagigitara.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon