FIFTEEN
Nasa quadrangle na kami at naglalakad patungo sa building nang may tumakbo palapit sa amin at nakisabay sa paglalakad.
"Good morning!" Masiglang bati ni Aaron. Ngumiti si Trix at kumaway dito.
"Morning," Tanging sagot ko at nginitian sila. Kumakanta-kanta pa si Nite habang naglalakad kami. I guess he's too happy. Nakapasok na kami sa room at nagulat kami nang tabihan ni Kent si Harley. May gusto ba siya kay Harley? Anyway, it's not my business to ask. Inaliw ko ang sarili ko sa pagbabasa ngunit maya-maya'y naistorbo rin sa narinig.
"Excuse me, that seat is already occupied." Natigilan ang lahat at napatingin kina Alex.
"Sa pagkakatanda ko walang seating arrangement," Sagot ni Kent na tila ba walang pake. Alex smirked.
"Does that mean pwede ka ng mang-agaw ng pwesto?" Sambit nito, naiinis na.
"Wala namang inaagaw sa'yo, dahil hindi naman sa'yo 'to." Sagot naman ni Kent. Harley seems to be disturbed dahil nakakunot na ang noo nito at nagsimulang magligpit ng gamit.
"Ano ba ang gusto mong patunayan?" Tanong ni Alex kay Kent at kinwelyohan ito. Everyone's watching now like it's some kind of sick movie. Samantalang ang magkakaibigan ay naalarma, pati kami. Tumayo si Harley at inalis ang kamay ni Alex kay Kent na napatayo na rin.
"You can sit here," Utas nito at ambang aalis na ngunit hinawakan ni Alex ang wrist nito at hinila.
"No," Sabay na sambit ni Alex at Kent. Nagsukatan ng titig ang dalawa. I can't stand watching the two fight over petty thing kaya magsasalita na sana ako nang maunahan ni Flynn.
"Stop fighting in front of Gail. Please do give her some respect and continue that outside," Malakas na pahayag nito. Tila naging hudyat ito para matigil ang dalawa. Trix slightly chuckled.
Tinaas ni Kent ang kanyang dalawang kamay sa ere at dahan-dahang umatras ng dalawang beses, "Fine," saka umikot paalis. Inayos nito ang kwelyo habang bumalik sa dating upuan.
"Good morning, class!" Karamihan sa estudyante ay naka-hinga na ng maluwag nang dumating ito. Ang klase ngayon ay mas tahimik kaysa sa nakasanayan. Siguro ay nagulat rin sa nangyari kanina.
Lunch break ay nakalabas na ang lahat ng mga kaklase na'min bukod sa grupo na'min, ni Charles at ang mga baguhan. Lumapit ang dalawang grupo sa'min at nang mapansin ang isa't isa'y nagsukatan muli ng paningin.
"Don't start," Bulong ko, sapat para marinig ng lahat. Mukhang hindi maganda ang umpisa ng dalawang grupo. Lumingon sa kanila si Flynn, ngumunguya ng chewing gum.
"H'wag na kayo sumama kung mag-eskandalo lang rin kayo," Utas nito at sinundan si Harley na nauna ng lumabas.
"That's nice! Don't you think they are lesbos?" Komento ni Trix at tumawa. Napailing na lang ako sa pagiging masiyahin niya. Ang nangyari, tahimik na nakasunod sa likod na'min ang dalawang grupo. Makakarinig kami ng mga kaluskos ngunit tuwing lilingon kami ni Trix ay nakabalik na sa ayos ang lahat. Trix sighed at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa.
"Nakakapanibago," Komento niya at ginala ang paningin sa paligid. Dumating kami sa cafeteria ng tahimik. Kumakain na rin kami at walang nagsasalita kundi kami.
BINABASA MO ANG
Damsel in Disguise
FanfictionIf you realized that your world isn't like any other and that the way people walk and move into their lives wasn't the same way as yours, what would you like to do? To finally open our own eyes and see what reality is, just made us do something we...