FORTY
"Do we really have to go?" Tanong ni Belle nang nag-eempake na kami. Ng dadalhin para sa outing na hinanda nila Phoebe. Maaga ang call time, ngunit ngayong madaling araw lamang kami naghanda dahil sa pagdadalawang isip.
"Yep, we might not know what may happen after this." Sagot ni Manager. Hindi pa nga pala kami nakakapag-usap. At hindi pa rin naman tumatawag ang mga magulang na'min. Saglit kaming natahimik.
"Ano ba ang plano na'tin?" Tanong ni Flynn. Kinuha ko na ang tyansang ilathala ang nasaisip ko.
"I want to end this," Sambit ko. Lahat sila ay napatigil, hinihintay ang susunod kong sasabihin. "May hangganan rin naman ito. Isa pa, I've had enough. Naranasan ko na 'yong gusto ko," Pagpapaliwanag ko at bahagyang ngumiti. Tumangu-tango si Manager.
"I think that's a good idea," Komento ni Trix. Isa pa, ayokong lumala ang lahat. Ayokong mamili kay Kent at Alex. Ayokong magkaroon ng gulo. Ayokong mamili ng wala sa pwesto. Dahil hindi naman ako ang nagustuhan nila. O baka pinaglalaruan nila.
"Good morning!" Bati ni Geraldine at kinawayan kami sa hindi kalayuan. We've arrived into our chosen rendezvous. Isa itong café kaya naisipan ko munang bumili ng coffee.
"Kumpleto na tayo?" Tanong ni Chris. Kasama rin na'min sina Kent. Naging magkaibigan na rin kasi ang dalawang grupo sa halip na magkagulo, baka nagkasundo sa plano. Ayoko silang pag-isipan ng masama. Pero hindi ko mapigilan. Isa pa, ako o kami rin naman ang masama dito. Kasi kami ang nagsisinungaling. Sa ibang aspeto, maayos kami. Sa ibang aspeto, mabait kaming lahat. Ngunit hindi dito. Dahil hindi rin naman kami perpekto.
"Akin na 'yan," Marahang sambit ni Kent at kinuha ang bag ko. Hindi na ako umangal pa at ayoko ng magtagal ang usapan. "May problema ba?" Tanong niya nang mapansin ang pagtitig ko. Agad akong umiling, Kent was nothing but good to me.
Nang matapos magligpit ay nagtawag na sina na sumakay na. Pinili ko sa likod ng van para tahimik ang byahe. Napapagitnaan ako nina Alex at Kent. Ba-byahe kami papuntang probinsya para sa magandang dagat. We also grabbed this opportunity to visit some awesome places here in Philippines. At narinig ko na sa Baler, Aurora kami pupunta.
Maingay ang lahat dahil na rin siguro sa excitement na nadarama. Wala rin namang ingay na dapat pigilan. Umandar na ang sasakyan at agad akong nagsalpak ng earphones sa tenga. Nilagyan naman ako agad ni Kent ng neck pillow.
Habang nasa byahe ay nagkakantahan sila. Nag-eenjoy at tawanan sila habang kumakanta. Inalis ko na rin ang earphones ko at wala namang saysay sa sobrang ingay nila. Ang dala ko namang katabi ay hindi mapakali sa pag-asikaso sa'kin.
Nang makarating kami sa probinsya ay binaba na nila ang mga bintana ng can at pinatay ang aircon dahil sariwa daw ang hangin dito. Warm breeze welcomed me and relaxed my senses.
"Suotin mo," Utas ni Alex at pinatong ang sunglasses sa eyeglass na suot ko, however, ang eyeglass ko ay awtomatikong nagdidilim tuwing maliwanag kaya hindi ko na kailangan ng wayfarer. Humagalpak ito ng tawa nang mapagtanto kung ano ang ginawa.
"Alisin mo muna eyeglasses mo," Utos niya ngunit umuling ako at inalis ang wayfarer niya.
"I don't need that," Sambit ko. I shifted into more comfortable place at napansin ata ito ni Kent kaya agad ako nitong tinanong.
BINABASA MO ANG
Damsel in Disguise
FanfictionIf you realized that your world isn't like any other and that the way people walk and move into their lives wasn't the same way as yours, what would you like to do? To finally open our own eyes and see what reality is, just made us do something we...