~~~ Chapter 28 ~~~

3.5K 52 4
                                    

TWENTY EIGHT

Weekend ngayon at kailangan kong sumama kay Chris. Sa ngayon ay sisiguraduhin kong hindi kami gaano mag-uusap. Inutusan kami ng kapatid niya na magbihis ng maganda para hindi maulit ang date. Pero syempre, hindi ako anghel na basta na lamang sumusunod sa iba kaya naman nagripped jeans at sleeveless white shirt lang ako.

Napag-usapan na'ming magkita sa tapat ng school kaya naman nagpahatid na ako sa driver na'min ngunit nagpababa rin sa hindi kalayuan para maglakad. Bago umalis ay pinagsabihan muna kami ni Manager. Sangayon siya na talagang hindi na maganda ang nangyayari.

"Naglakad ka lang?" Tanong nito nang makita ako at dumungaw pa sa likod ko ypang tignan kungmay sinakyan ba ako o ano. Tumango lamang ako bilang sagot ngunit hindi naalis ang titig nito sa'kin. "Malapit lang ba bahay mo?" Tanong niya. Tumango lamang muli ako at para bang tinitimbang niya ako sa pamanagitan ng tingin. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kanyang sports car. Hindi ko malaman kung ipinagyayabang niya ito sa akin o sadyang wala lang talaga silang mumurahing kotse para gamitin dahil sobrang yaman nila.

Ngunit sumakay rin naman ako doon ng tahimik at hindi nagtatanong. Sa byahe ay tahimik lamang rin kami kaya binuksan nito ang radyo para naman ay may mag-ingay sa paligid na'min.

"You're surprisingly quiet," Aniya at pinatay ang makina ng sasakyan matapos magpark. Nauna na akong bumaba para hindi na siya mag-atubiling pagbuksan pa ako dahil kaya ko naman.

"Wala naman tayong pag-uusapan," Wika ko at ngumiti. Ngunit tila natigilan siya sa sinabi ko at napakamot sa batok.

"Let's go?" Sambit niya na lamang. Tumango kami at naglakad palapit sa mga bermuda grass at pagkatapak na'min doon ay sumalubong sa amin ang napakaraming bulaklak at mga puno. Nakaramdam ako ng galak sa aking katawan at agad na naglakad at nagtatakbo doon. Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko.

Kunot-noo akong tumingin kay Chris na masaya sa naging reaksyon ko. "Where is this?" Tanong ko at muling iginala ang paningin.

"My Mom's botanical garden," Aniya. Ngumiti ako at bahagyang natawa.

"This place is so beautiful!" Sambit ko at muling tumakbo palapit sa katapat na lake. Mayroon itong mga lotus sa paligid. It's my favorite flower. Mayroon ding bangka sa tabi. I want to ride on it!

Muli kong ginala ang paningin sa paligid at nakita ko ang isang pamilyar na bulaklak at nilapitan ito. Hydrangea looks so beautiful and peaceful in here.

"Do you like that?" Tanong niya sa aking tabi. Umiling ako at ngumiti. "Why don't you pick some?" Aniya. Tumawa ako sa kanyang sinabi.

"You are horrible! Ayokong mamatay sila dahil gusto ko lang silang hawakan," Utas ko at hinimas ang malambot na bulaklak.

"We are selling bouquets, anyway." Utas niya. Napalingon ako sa kanya.

"Ah, dito nagmula iyong binigay niyo." Sambit ko at tumangu-tango naman siya. "Trinna likes hydrangea, by the way." Pahayag ko at nginitian siya.

"Really?" Natunugan ko ang tuwa sa kanyang boses. Tumangu-tango ako at ngumiti. Humakbang ako papunta sa iba pang halaman.

"This is my dream," Bulong ko sa hangin habang ang mga larawan ng aking pangarap ay lumilitaw sa aking isipan.

"What?" Rinig kong tanong ni Chris. Ngumiti ako at muling naglakad palayo.

"To build a beautiful garden and sell bouquet of flowers," Mahinang sabi ko at umikot-ikot habang sinasabi 'yon saka ako naupo sa bench na para bang tuwang-tuwa ako sa mga larawang nasa isipan ko. Funny how peaceful my dreams are when it is actually the antithesis of what I am into right now.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon