~~~ Chapter 27 ~~~

3.9K 66 3
                                    

TWENTY SEVEN

I thought everything would turn nice today. Second day ng science camp and I'm already giving up!

"How would I even do this?" Nagtawanan kami sa narinig mula kay Chris. Sa ngayon ay nagtatanim kami sa gitna ng tirik na araw. Namumula-mula na ang aming kutis dahil sa pagbabad dito. Marunong kaming apat magtanim dahil inaalagaan din na'min ang mga halaman sa mansion. Pero hindi ko naman inaasahan na halos ibilad kami sa araw.

Subalit mas nag-aalala ako para kay Harley. Hindi kasi ito sanay sa initan at nung huling beses na nagbilad ito ay nahimatay siya agad. Ngunit nang lingunin ko ay mukhang maayos naman dahil sa pagsalo ni Alex ng lahat sinag at pagpaypay nito para sa kanya.

"Trinna, pwede mo ba akong turuan?" Rinig kong sambit ni Aaron. Binaba ni Flynn ang gamit na hawak niya at lumapit kay Aaron at pinagtawanan ito nang makita ang ginawa. Tinuruan niya ito ngunit hindi nagtagal ay hinablot ni Chris. Napangiti na lamang ako kahit na alam ko namang mali.

Nagsimula na namang magtalo ang dalawa sa maliit na bagay. Tinuon ko na lamang ang pansin ko sa tanim ko at napangiti nang makitang maganda ang itsura nito.

May biglaang nag-abot ng tubig sa'kin. Nilingon ko ang may-ari at nginitian naman ako nito. "Tirik ang araw, baka gusto mong sumilong muna?" Anyaya ni Nite. Aabutin ko sana ang tubig ngunit nakita ko na madumi ang kamay ko. May kinuha siya sa bulsa at nilagay sa kamay ko ang panyo.

"Madudumihan!" Pag-angal ko ngunit naglabas pa ito ng isang panyo.

"Naisip ko na na baka hindi ka magdala kaya dinamihan ko na," Aniya at lumapit saka pinunasan ang pawis sa noo ko. Napapitlag ako at pinunasan na ang kamay ko.

"Ayos lang ako, sandali." Utas ko at lumapit sa may gripo at naghugas ng kamay. Sumunod sa'kin si Niite at inabot na ang tubig na agad ko namang ininom. "Salamat," Sambit ko at nginitian siya. Humakbang ito palapit sa akin kaya nagulat ako.

''May dumi ka sa mukha," Aniya at pinunasan ang kanang pisngi ko. Sobrang lapit na'min at sobrang seryoso niya habang tinatanggal ang dumi. Nakaramdam ako ng kung ano kaya umiwas ako. "Ayos na," Lumayo siya sa'kin ng konti at tumambad sa'kin ang matalim na tingin ni Andrew sa hindi kalayuan. Nang magkatinginan kami'y umiling ito at naglakad palayo. Kumunot ang noo ko at nakita ko naman ang pagsunod ni Nite sa tingin ko.

"Do you like him?" Nakuha nito ang atensyon ko sa kanyang tanong. Kumunot ang noo ko at lumakas ang kalabog ng puso ko. Nakita ko ang sakit sa mga niyo sa hindi malamang dahilan. Napakurap ako at napaatras.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko ngunit bago pa siya makasagot ay nagpaalam na ako, "Mamaya na tayo mag-usap," Sambit ko at tumakbo. Gusto kong sundan si Andrew dahil tingin ko'y galit ito sa'kin. Ilang beses na niya akong tinitignan ng masama, normal naman ito sa kanyang mga mata pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko galit siya sa'kin tuwing gano'n ang nakikita ko. I also took advantage of it para makatakas kay Nite. Hindi ko alam kung bakit but I felt that I needed it.

"Andrew," Wika ko at hinablot ang braso niya nang maabutan siya. Huminto ito sa paglalakad ngunit hindi ako hinarap. "Galit ka ba sa'kin?" Tanong ko agad sa kanya. Ayokong may umaaktong mali sa'kin ngunit hindi naman dini-diretso. Pakiramdam ko'y may gusto itong ipahiwatig at gustong ako ang pumansin.

"Hindi," Tanging sabi niya. Huminga ako ng malalim. I know it should be 'no strings attached' ngunit ayoko namang may bigat na dalhin ang isang tao sa kanyang damdamin ng dahil lamang sa akin.

"Kung gano'y bakit hindi mo ako harapin?" Nang sabihin ko 'yon ay agad itong kumilos at muntik na akong madulas sa pagkakakapit sa kanya ngunit naramdaman ko ang malapad nitong kamay sa bewang at likod ko. Napigilan ko ang paghinga ko at nanlaki ang mga mata.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon