~~~ Chapter 7 ~~~

6.7K 120 5
                                    

SEVEN

Napabangon ako sa tunog ng alarm clock ko.

"Gosh, may pasok pa pala!" Patayo na sana ako nang maalala kong saturday pala ngayon kaya nahiga muli ako.

"Tomorrow eight in the morning, goodnight."

Napabalikwas ako nang maalala ang sinabi ni Harley. Tinignan ko ang alam clock sa side table ko at napagtantong seven-thirty na! I'm still sleepy! Bumangon ako at mabilisang naligo at nagbihis ng bistida. Nagulat pa ako ng fifteen minutes lang tapos na ako samantalang two hours ako nag-aayos.

Bumaba agad ako sa dining area at naabutang marami pa ang kulang ngunit nando'n na si Harley at Trix.

"Magandang umaga," Bati ni Belle.

"Morning," Sagot ko at naupo. Tinapunan lamang ako ng tingin ni Harley at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang kumukuha ng pagkain. Ganito ang kinalakihan na'min. Madalas wala ang parents na'min ngunit kahit ganoo'y hindi naman ito nagkulang sa pag-aaruga. Maayos naman kaming lumaki at kung may oras ay nagba-bonding rin kaming pamilya. It's just business is a business. 

"Hindi ko alam," Sagot ni Belle nang hindi sumagot si Harley. Nagkibit-balikat na lamang ako. Maya-maya ri'y dumating na ang iba at binati kami.

"Sorry, I'm late." Ani Trix at nag-umpisang kumain.

"You girls can disagree if you don't want to come," Sambit ni Harley. Nagkatinginan kami nina Belle.

"No, it's okay. Saan ba tayo?" Tanong ni Belle. Nagkibit-balikat si Harley bago sumagot.

"Xander told me to bring you, girls." Tanging sagot nito.

"Magiging personal assistant din kami?" Tanong ni Trix.

"That idea is so disgusting," Komento ko. Hindi naman sumagot si Harley kaya nanahimik na lamang kami. Natapos na kami kumain at aalis na sana nang tinuro nila ang mukha ko.

"You have no makeup," Sambit ni Belle. Napasapo na lanang ako sa noo.

"I'm sorry, sandali lang." Sabi ko at pumuntang elevator. Pagka-akyat ko ay agad akong dumiretso sa powder room ko at naglagay ng mga makeup. Pagkatapos ay agad akong bumaba.

"Woah, haggard much?" Komento ni Trix na inirapan ko na lang. Sumakay kami sa van at bumaba sa pinakamalapit lamang nang makita sina Chris sa hindi kalayuan.

"You're late," Sambit ni Xander nang makita si Harley. Napatingin ako sa wristwatch ko, almost one hour kaming late at mga puyat pa kami. Hinagod kami ng tingin ng apat na lalaki at napakunot ang mga noo nila. Lahat kami ngayon ay naka-long dress. Ganito kami magsuot kapag ka lumalabas kami ng sama-sama.

"What?" Tanong ko kay Chris.

"Nagsu-suot ka ng dress?" Tanong nito. Pinagtaasan ko lamang siya ng kilay. Hindi ko malaman kung insulto o ano, eh.

"Saan niyo gustong pumunta?" Tanong ni Charles na nakapagpalaglag ng panga na'min ni Trix at kunot-noo nila Harley. Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito.

"Nag-aya kayo pero hindi niyo alam kung saan pupunta?" Sambit ni Belle.

"Uwi na lang kami," Utas ko at tumalikod na ngunit hinila ni Chris ang braso ko.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon