~~~ Chapter 9 ~~~

7K 113 13
                                    

NINE

Maaga pa nang magising ako kaya naman balak kong matulog ulit ngunit may kumatok sa kwarto ko.

"Good morning, Young Lady. Pinapatawag po kayo ni Ma'am Kylie," Sambit ng isang maid.

"Okay," I groaned. Narinig ko ang tunog ng pinto, hudyat na umalis na ang maid ngunit nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago tumayo at naligo.
Naka-bistida na naman muli ako. Kailangan ko sigurong mamili ng mga damit.

"What's going on?" Tanong ko nang maabutang nag-uusap sila sa sala habang pababa ako ng hagdanan.

"We're gonna join fun run!" Masiglang sambit ni Trix. Napangiwi ako. Saan ba niya nakukuha ang enerhiya niya? Umupo ako sa tabi ni Manager.

"Dito sa subdivision ang ganap, eight ang umpisa." Ani Manager.

"Seven-thirty na," Sambit ni Belle.

"Oh, c'mon. Let's prep up!" Utas ni Manager at tinapik kami sa balikat. Nagsi-tayo na sila ngunit ngumuso lamang ako.

"Ah, too hot." Komento ni Trix nang makalabas kami. Lahat kami ay naka-short shorts. Nakaracerback sando sina Harley at Belle samantalang naka sports bra kami nina Manager.

May suot naman kaming baseball cap saka hindi naman gano'n kainit. Hindi kami nakamakeup ngayon kaya samu't sari ang kumakaway at nagpapapicture sa'min.

Nag-umpisa ang fun run at marami ng nagtakbuhan at nagbilad sa araw. I just took the advantage para magrelease ng stress. Sumiling kami sandali dahil sobra na ang tirik ng araw. Kaso may lumapit sa'ming bata na mga nasa five years old.

"Hi, pwede po ba magpa-autograph? My lil sis likes you so much, but she's too shy to come over." Aniya habang nakakunot ang noo. Kumunot ang mga noo na'min at nagkatinginan. Pare-pareho kaming natawa o di kaya'y nangiti.

"Sure, where is your lil sis?" Tanong ni Harley dahil ito ang mahilig sa bata. Nagulat ang bata at namula. Natawa naman ako sa reaksyon nito.

"Here's the pen and paper, ayon po siya." Wika nito at tinuro ang kapatid niya sa hindi kalayuan. Ando'n ang isang batang babae na naka dress at rubber shoes. "Ericka!" Tawag ng kapatid niya. Bumaling muli ito sa'min, "Wait a minute, susunduin ko lang po kapatid ko." Sambit nito nang pigilan ni Harley.

"Kami na lang ang lalapit," Ani harley na ikinapula na naman ng bata. How cute! Wala kasi kaming mga kapatid. Although, kapatid naman na ang turi ko kina Harley.

"Look at this girl, pati bata nabibihag." Bulong ni Manager at tumawa.

"Hello! Ikaw ba si Ericka? You're so cute!" Utas ni Trix nang makalapit sa batang babae. Her skin is like pearl at ang mga cheeks naman nito ay bumibilog mayroon din itong dalawang dimples sa magkabilang pisngi. How adorable she could be! Tumangu-tango ito ng marahan dahilan para umalon ang buhok nito.

"Then what's your name?" Tanong ni Belle sa batang lalaki.

"Erick," Tanging sagot nito. Pinasa sa'kin ni Trix ang papel na agad kong pinirmahan.

"Here," Sabi ko at inabot ang papel kay Ericka at ang pen kay Erick.

"Thank you po!" Utas noong Ericka at niyap kami sa paa dahil ito lamang ang abot niya. Agad kaming natawa.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon