~~~ Chapter 26 ~~~

3.9K 68 11
                                    

TWENTY SIX

Science camp na'min ngayon at nasa ibang lugar kami para doon manatili ng panandalian. Large tents were scattered around the field ngunit dalawang magkahilera ang magkatapat. Girls' on the left side, and Men's on the right. Matapos na'min magligpit ng gamit at makahanap ng kumportableng pwesto para pagpahingahan ay agad kaming tinipon para sa panimulang activity. 

Hinati kami sa apat na grupo. At kung sinuswerte nga naman ako, naging kagrupo ko pa ang mga taong iniiwasan ko. Ang unang magiging laro na'min ay medyo delikado. Sa maliit na gubat na ito ay kailangan na'ming hanapin ang flag na'min. Kaya lang, mayroon kaming baril na ang bala ay pintura, kaya pag natamaan ka nito, out ka na. There would be six flags for each group.  You can steal someone's flag para madoble ang points niyo. That is, kung malalabanan mo sila.

The instructor gave us time to huddle for the meantime. Ang grupo na'min ay napagdesisyunan na maghati-hati para sa depensa, opensa, at ang kukuha ng flags ng ibang grupo. Sumama ako sa kukuha ng flags ng ibang grupo at agad namang sumama sa'kin si Andrew at Nite.

"This is fun," Komento ko at ngumiti nang pinalibutan ng maingay na sirena ang gubat.

"This is dangerous, you should stay with me." Sambit sa'kin ni Nite.

"She would stay with me," Mariin namang utas ni Andrew. Huminto ang sirena hudyat na umpisa na ang laban matapos na makahanap ng sari-sariling pwesto. Umalingaw-ngaw ang tunog ng mga baril. Nahihirapan akong kumilos marahil pinalilibutan ako ng dalawa upang iligtas mula sa mga bala. Nang may sumubok na bombahin kami ng bala ay mabilis ko itong inilagan at tumakbo palayo sa dalawa. Mabilis akong umakyat sa puno at nang may makakita sa akin ay agad akong pinaulanan ng bala na agad ko namang inilagan. Nang makaakyat na ako sa tuktok ng puno ay agad kong hinanap ang tumitira sa akin at pinatamaan ito ng isang beses. I chuckled when I exactly hit the target. I traveled within the tree at mula doon ay bumabaril ako ng mga kalaban at nahihirapan naman ang iba sa paghahanap sa'kin dahil sa makakapal na dahon ng puno. I also looked for flags at nang may makitang isa ay agad kong binaril ang mga kalaban na kukuhain na sana ito at tumalon pababa ng puno.

"Out," Utas ko nang barilin ang papalapit na kalaban. Agad kong kinuha ang flag at nagtago sa kalapit na puno saka ito siniksik sa kung saan mang parte ng katawan ko. Muli akong umakyat sa puno at inulit ang bagay na ginagawa ko. I heard Andrew and Nite's voices screaming for my name but of course, I'm more comfortable without the two. I even saw my girlfriends and of course, they saw me too ngunit hindi na'min babarilin ang isa't isa.

Umalingawngaw muli ang maingay na sirena. Ibigsabihin ay tapos na ang laro. Nilagay kong muli ang huling flag ng kalaban na nakuha ko sa aking bulsa at tumalon pababa ng puno. Napigtas ang tali ko kaya gumawayway ang buhok ko pababa sa aking balikat at likod. Oh, please not when I'm sweating.

Dahan-dahan akong naglakad pabalik at naabutan si Andrew na kunot ang noong nakatingin sa akin. Masigla akong ngumiti sa kanya.

"I enjoyed the game! Ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Hey! Saan ka pumunta?" Agad na lumapit si Nite nang makita ako. He immediately scanned my body at binalik ang tingin sa'kin. "Are you hurt?" Tanong niya. Tumawa ako ngunit may humigit sa kamay ko.

"I'm not!" Pasigaw kong sagot habang sumusunod sa humihila sa akin. Agad kong hinihit ang kamay ko at sinalubong naman ako ng masamang tingin ni Andrew at ang mabilis niyang paghinga.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon