FOURTEEN
Kinabukasan ay sinalubong kami ng mga estudyanteng nakahilera. Maaga pa lamang at wala pang klase kaya siguro sila nagkaroo ng oras para dito.
"Ano kayang nangyari?" Tanong ni Trix habang tinatanaw ang mga estudyante.
"That's nonsense for sure," Ani Flynn.
"Tara na," Sabi ko na lamang at nagpatuloy na sa paglalakad. Maaga pa kaya sa Garden muna kami nagtungo. Maganda ang garden dito, maraming shrubs at magagandang bulaklak.
"Ganito pala ang schools? Usapan ng isa, usapan ng lahat?" Utas ni Trix habang hinahaplos ang bulaklak sa tabi ng inuupuan na'ming bench. We are always homeschooled. Kaya naman ngayon lang kami naka-experience ng ganito.
"Hindi lang tayo--" Napatigil sa pagsasalita si Flynn nang may kumaluskos. "Sanay?" Pagpatuloy niya at luminga-linga para tignan kung saan nanggaling ang kaluskos. Nagkatinginan sila ni Trix at parehong nanlaki ang mata.
"Frog?" Sabay nilang utas at sabay ring napatayo at tumakbo. Binalikan pa kami nito at hinila kami kaya naman natatawa kami papasok sa room. On the other hand, our classmates were stunned by seeing Harley smiling. Lahat sila'y napatingin sa gawi na'min at napawi rin ang ngiti na'min bukod kay Trix na mas lalong napangiti.
"What's the fuss here?" Napalingon kami sa aming likuran at tumambad ang aming guro na may kasamang mga lalaki. Yumuko kami at bumati at saka dumiretso sa aming upuan.
Natahimik ang lahat nang pumasok ang aming guro na may kasamang apat na lalaki. Tila ba tinatantya kung ano ang ginagawa ng mga ito dito.
"Uhm, Hi! Hwang Aaron here," Sambit ng isang lalaki. Our school is international. Kaya naman iba't iba ang estudyante ngunit karamihan ata ay Korean.
"Knight Gabrielle Hepburn," Utas naman ng katabi noong Aaron at ngumisi. Agad naman ang bulungan ng mga kaklase. Nanatili akong nakatingin at nakikinig sa kanila.
"Clarence Ignacio," Wika naman ng isang sobrang seryoso.
"Yoon Kenneth," Sambit ng isa at tumango lamang. Parang kandidato, ah?
"Uh, I'll celebrate my birthday next week and lahat kayo invited. I'll give invites soon," Ani Knight Gabrielle. Ang haba ng pangalan niya. Nang marinig ito ng mga kaklaae ay naghiyawan ang mga ito at excited. Pinaupo ni Ma'am ang apat sa kahit saang silya. Hindi nalalayo ang mga ito sa'ming pwesto. Mukha namang mabilis ang mga itong naging kumportable sa klase dahil nagagawa na nilang makipag-usap agad.
"I don't like them," Napalingon ako kay Charles na tinitignan ang apat habang nakapalumbaba. Kumunot ang noo ko.
"Wala namang ginagawa sa'yo. Pero opinion mo 'yan at ire-respeto ko na lang. Sana, irespeto mo rin sila." Sambit ko kaya napatingin ito sa'kin at pinagmasdan ako na para bang may nababasa siya sa'kin.
"Are you serious?" Aniya at naningkit ang mga mata, "Iyan na ang pinakamahaba mong sinabi sa'kin dahil lang sa kanila? May gusto ka ba sa isa sa kanila?" Tanong niya na para bang hindi makapaniwala. Tumaas ang isa kong kilay sa kanyang tanong.
"Kung 'yan ang gusto mong paniwalaan," Sagot ko at ibinaling na ang atensyon na harap. Narinig ko itong napasinghap ngunit hindi ko na pinansin.
Nang mag lunch break na ay biglaan kaming pinaiwan nila Trix kasama ang apat na baguhan. Naatasan kaming i-tour sa kanila ang buong campus.
BINABASA MO ANG
Damsel in Disguise
FanfictionIf you realized that your world isn't like any other and that the way people walk and move into their lives wasn't the same way as yours, what would you like to do? To finally open our own eyes and see what reality is, just made us do something we...