~~~ Chapter 4 ~~~

8.8K 154 8
                                    

FOUR

Naglalakad na kami sa hallway ngayon at hindi naman na bago ang tinginan nila sa'min na akala mo'y maling-mali na nabuhay kami. Napaisip tuloy ako. Kung ganitong tao talaga ako, at kung may tao talagang ganito, ito ang trato nila? Ang maitsura irerespeto at ang hindi kagandahan ay lalaitin? Ibang-iba talaga ang kinalakihan na'min.

Nang nasa tapat na kami ng room ay agad na pinihit ni Harley ang door knob.  Ngunit huminto ito at sinenyasan kaming tumigil muna at saka ibinuka ng malawak ang pinto. Kumunot ang noo ko nang bumagsak ang tubig mula sa pinto.

"That was close," Bulong ni Belle.

"Yeah, sayang." Sambit ng isang kaklase. Katabi nito ang dalawa pang babaeng nakahalukipkip. Napangiwi ako nang makita ang mga itsura nito.

"Tatawag muna akong janitor," Sambit ni Trix at naglakad palayo. Dumiretso na kami sa upuan na'min at umaktong walang nangyari. Maya-maya ay dumating ang janitor kasabay ni Trix na dumiretso na sa kanyang upuan. Nag-iisip ako kung dapat bang isuggest ko kay Belle na maghigpit sila ng rules o baka nag-iisip na nga rin siya ngayon. Napakurap ako bigla nang may bumati sa'kin.

"Good morning!" Napa-lingon ako kay Chris na naupo na sa tabi ko. Tinapunan ko siya ng tingin saka inilipat ito sa bintana.

"Morning." Walang ganang sagot ko.

"What happened? Bakit naglilinis ang janitor?" Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.

"Gawain ng janitor 'yan, anong gusto mo lumangoy sila?" Sarcastic kong sagot.

"Pwede naman, janitor fish." Kibit-balikat niyang sagot. "But I don't care about the janitor, ang tinatanong ko kung ano ang nangyari." Pag-ulit niya. Nairita na ako kaya para tumugil siya ay sinabi ko na ang sagot.

"May natapong tubig," Mahinang sagot ko.

"Then?" Tanong niya na hindi ko na sinagot. "Are you okay?" Tanong niyang muli. Tinignan ko siya at kumunot ang noo ko nang makitang nakatitig siya sa'kin. Nag-iwas na lamang ako ng tingin marahil dumating na ang guro.

Pagkatapos ng ilang klase ay tumunho na kami sa dressing room para magpalit ng type B uniform which is for physical education. Ang suot lang na'min ngayon ay shirt at maikling short para sa girls. White and pink ang kulay ng uniform na'min.

"Gosh, parang may binihisang basura. Looks ugly," Utas ng isang kaklase pagkalabas ko ng cubicle at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo ko at hinagod rin siya ng tingin. Hinawi niya ang kanyang buhok bago umikot at umalis. Hindi ko masabi na mukha siyang lumpia na kinulayan sa kanyang suot.

"Gosh, looks ugly." Paggaya ko sa kanya. Nakakapagod ang ganito palagi ang hinaharap. Umalis kami ng dressing room ngunit pagpunta na'min sa field ay agad kaming pinatawag ng principal. Wala naman kami ginawa doon dahil kinausap lamang kami kung maayos ba ang pakikitungo ng mga estudyante dahil kung hindi ay gagawan niya ng paraan. But we want it our way kaya tumanggi kami.

Nang bumalik kami sa field ay nagtuturo na ng touch football ang intructor na'min. Nalaro na na'min ito sa Korea kaya alam na'min 'yon. Girls ang nauna at saktong hinati kami. Nagtoss ng coing para malaman kung depensa o opensa ang mauuna. Pero dahil sa kalaban ang pabor ay naging opensa kami. Naging madali at mabilis ito para sa'min. Kahit sanay kami nina Trix sa mahinahong galawan ay maliksi kami pagdating sa sports. Lalo na't mahinhin pa ang mga kalaban na'min kaya naman agad na'min silang nai-touch. Hindi sila makalma kaya naman halos ibato na nila ito sa mga kagrupo at tumama sa kani-kanilang mukha. Scenes like these weren't funny to me. Kahit na hindi mabait sa'min ang tatlo ay nakakaawang tignan na mataam sila ng bola, sunod-sunod. But the good thing is kahit mga nag-iinarte na sila at minumura ang kagrupo ay hindi sila sumuko.

Damsel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon