Unang Slice

1.7K 46 6
                                    

Richard's POV:

Ang lakas ng buhos ng ulan. Grabe, buti nalang at dala ko itong payong ko kung hindi siguradong pati brip ko maliligo. Naka tsinelas na nga lang ako ngayon kasi naman yung nagiisa kong balat eh baka tuluyan nang mamahinga kung ilalaban ko pa.

Pagtapat ko sa pinto nitong apartment na tinutuluyan namin eh napansin kong bukas ang pinto at saktong papalabas ang tiyahin kong tumitingin sa akin ngayon.

"Tita, dito na ko. Lakas ng ulan!"

Tumingin sa akin ang tita ko at ibinaba na nya yung payong na sana'y gagamitin nya.

"O eh andyan ka na pala. Lalabas sana ako't susunduin kita dyan sa babaan eh. Lika na Chard pasok na!" Nakangiting sabi ni tita.

Ewan ko pero parang may kakaiba sa ngiti nya. Yung ngiti na parang may kung anong masayang mangyayari. Hahaha, ito talagang si tita, Pero sa totoo lang parang alam ko na kung ano yung ibig sabihin nung ngiti nya. Pano naman kasi, birthday ko ngayon. August 10. At taun taon eh pinaghahanda nya ko, lalo na nung paborito kong pansit. Para long life, ika nga.

"Chard ano't nakatulala ka pa dyan. Halika na rito sa loob at baka trangkasuhin ka pa dyan." Naka kunot na yung noo nya pero naka smile parin.

Agad naman akong pumasok sa loob at nagpunas ng paa sa basahan. Sabay namang itsa ni tita ng tuwalyang ipinamunas ko sa ulo, mukha at braso ko.

Hindi ko pa nga itinataas ang ulo ka sa pag yuko habang pinupunasan ko iyung mga binti ko eh bigla nalang may boses na kumanta.

"Happy Birthday to you. Happy Birthday to You..."

Kilala ko ang boses na iyon at grabe, talagang natuwa ako. Napangiti na nga ako kahit di pa ko tumitingin dun sa kumakanta eh. Sobrang na miss ko ang taong ito ha, na surpresa nga ako.

"Happy birthday Richard. Happy birthday to you." Pagtapos nung kanta.

Di ko na napigilan at niyakap ko yung kumakanta ng mahigpit.

"Tay! Sabi nyo sakin di nanaman kayo makakapunta ngayon kasi may importante kayong lakad nung mga amo nyo." Ngiting ngiti kong sabi sa tatay ko habang nakayakap sa kanya.

"Hahaha. Ikaw naman anak, di ka pa matuwang nandito ang tatay." Sabi nya habang niyayapos nya yung tuktok ng ulo ko.

Sumingit naman si Tiita na halos nagpipigil mapaluha. "Tama na yan kuya, kumain na tayo habang mainit yung pansit. Paborito mo ito Chard diba?"

"Oo naman tita. Salamat ha. Ang saya ko talaga. Kain na tayo tay! Tita upo ka na rito sa mesa at baka magtampo pa sa atin ang grasya." Anyaya ko sa kanila.

Ang saya ko sa 18th birthday ko. Pano kasi yang si Tatay eh minsanan lang mauwi rito sa tinutuluyan namin ni tita. All around helper kasi sya ng isang napaka yamang pamilya. Duon sya nakatira at pa minsan minsay dumadalaw rito.

"Anak kamusta ang pag-aaral mo? Makaka marcha ka ba sa marso? Sasabitan ba kita ng medalya anak? Tanong sakin ni tatay habang kumakain kami.

"Ayos naman tay. Di ko naman ho pinababayaan ang pag iskwela. Pero yung sa medalya, utang nalang muna hahaha." Pabiro kong sagot kay tatay.

"Nako kuya, iyang si Richard responsable naman yan. Nag-aaral at tinutulungan pa ko rito sa bahay. Kahit wala man syang medalya eh sigurado naman akong makakatapos yan. At isa pa kuya, proud na proud na nga ako dyan kasi sya lang sa ating tatlo ang makakatapos ng high school. Pagmamalaki sa akin ni Tita Anna.

Totoo ang sinabing iyan ni tita. Palibhasa'y laki sa hirap ang tatay ko at si tita kaya't di na sila naka tapos pa ng elementarya. At dahil nga ganun eh si Tatay ay nagtatrabahong katulong samantalang si tita ko naman ay nagtitinda dito sa harap ng apartment namin. Pero kahit pa sabihin na medyo salat kami sa buhay, eh di ko naman kinahihiya ang buhay namin dahil marangal ang pinagkaka kitaan ng mga nag-aalaga sa akin. Isa pa iyun din ang dahilan kung bakit ko talaga tinatyaga ang pag-aaral. Sa totoo nyan di naman ako matalino o yung honor student pero nakakasabay naman ako sa mga leksyon at di ako bumabagsak.

"Oo naman sobrang proud na proud ako dito sa anak kong ito. Kung makikita ka nga lang sana ng mama mo eh, sigurado ako matutuwa iyon ng husto." Medyo nakita kong parang maluluha yata si tatay.

"Kuya, alam ko namang masaya si Ate Linda kay Chard san man sya naroon. Ito talagang si kuya ma drama. Sabi ko dapat masaya ngayon eh." Sinasabi ni tita na nakangiting pilit at medyo namumula na rin ang mata.

Sa sinabi nilang iyon, di ko naman maiwasang malungkot. Hindi ko kasi nakita ang mama ko. Namatay sya nung ako'y 2 years old pa lang. Ang kuwento eh naputukan nga raw ng ugat sa ulo dahil sa high blood. Pero kahit ganoon ay di naman kulang ang naging pag-aalaga at aruga sa akin ni Tatay at tita. Kumpleto naman ang tingin ko sa pamilya ko.

"Tay naman, minsan ka nalang mapunta rito mag dadrama ka pa. Kain nalang ng kain tay." Sabi ko kay tatay para naman maiba ang mood sa mesa.

"Pasensya ka na nak, tumatanda na siguro tatay mo kaya nagiging madrama na." Sabi nya sa akin ng nakatawa na.

Ayokong nakikitang nalulungkot si tatay. Sobra kong mahal yan. Napaka sipag nyang magtrabaho para may makain kami ni tita at makapag-aral ako kaya nga halos di na yan umuwi dito. At kaya nga sa tuwing uuwi sya eh gusto ko napapahinga sya at masaya sya.

Tinapos na namin ang pagkain at inililigpit na ni tita ang mesa. Si tatay naman ay inaya akong maupo sa sala at may pag-uusapan raw kami. Nagtaka naman ako kung ano iyon, baka naman mangangamusta lamang sya sa mga nangyayari sa buhay ko.

"Anak upo ka dyan." "Nak, kamusta ka ba?" Tanong sa akin ni tatay habang nakaupo sa isang silya at nakaharap sa akin na pinaupo nya sa sofa.

"Ayos naman tay. Eto askwela sa umaga tapos bahay na. Basket ball din pala tay, dyan sa mga kaibigan ko sa kanto o kaya sa school. Pa minsan minsan lumalabas din kami ng mga kaibigan ko para mamasyal dyan sa mall, kahit magpalamig lang tay." Kuwento ko sa kanya.

"Wala ka pang girl friend?" Parang natatawang tanong sa akin ng tatay ko.

Medyo nagulat naman ako sa sinabing iyon ni tatay. Sa totoo nyan kasi eh meron at kailan lang nangyari iyon. Nakakatawa lang kasi hindi ko alam kung sya ba ang sumagot sa akin o ako ang sumagot sa kanya. Nakakatuwa lang dahil katuksuhan ko lang naman sa biruan ang kaklase kong iyon at naging totoo na nga.

"Sa ganda mong lalaking iyan nak, imposible namang walang nagkakagusto sa iyo? Eh manag mana ka sa napaka guwapo at macho mong tatay." Sabi nya.

"Meron tay, hehehe." Parang nahihiya kong sabi sa kanya. Napakamot nga ako sa ulo eh at sa baba lang nakatingin.

"Yun. Iba talaga ang dating ng lahi natin nak! Kaya nga Richard ang ipinangalan ko sayo kasi para kang si Richard Gomez, habulin!" Pagmamabayang na sabi ni tatay na lalo ko naman ikinahiya.

Sa totoo nyan, hindi naman sa pagmamayabang, eh maraming bumabati sa itsura ko. Matangos na ilong, mapungay na mga mata, yung mapuputi kong mga ngipin na alaga talaga sa sipilyo, at syempre yung cute kong dimple sa kanang pisngi ko.Matangkad ako, siguro mga 5'10 ang taas ko. Ang kulay ko naman ay light brown na saktong sakto sa mga Pinoy. Mahubog na rin ang katawan ko, araw arawin mo ba namang buhating ang mga balde mula igiban, maglinis ng bahay, magbuhat ng mga paninda, at syempre ang basket ball. Marami na ring babaeng nag sabi sa akin na kung puwede raw ay maging kami, pero syempre umiiwas ako kasi nga gusto ko mag focus sa pag-aaral. Pero dahil last year ko na rin eh pumayag na ko dun sa girfriend ko nga ngayon na si Rina.

"Basta nak ha, ang gusto ko huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo at ang mga gawain mo dito sa tiyahin mo." Paalala nya sa akin.

"Oo naman tay. Eh kayo nga pala, kamusta kayo sa trabaho nyo dun sa mga amo nyo?" Ako naman ang nangamusta.

"Buti at naitanong mo nak. Isa nga iyan sa gusto kong sabihin sa iyo." Umayos sya ng upo at diretsong tumingin sa akin.

"Nak, alam mo namang medyo tumatanda na si tatay. Nakakaramdam na ng mga kung ano anong ngalay at manhid. Kaya sana eh, kung maari lang naman, ay tulungan mo ako sa gawain ko duon sa tinutuluyan ko."

Hindi ko agad naintindihan ang gustong sabihin sa akin ni tatay. Kung ang gusto nya ba ay palitan ko sya o kung may isang gawain na kailangan ko lang talaga syang tulungan.

"Tay di ko kayo maintindihan. Ano ho ang gusto nyong mangyari?" Naguguluhang tanong ko.

"Nak samahan mo na ako dun sa bahay ng mga amo ko at tulungan mo ako sa mga gawain ko doon. Bale duon na muna ikaw." Marahan nyang pagsabi sa akin.

Naisip ko naman na syempre tutulungan ko ang tatay ko at ayokong sumama ang kung ano mang kalagayan nya pero di ko maalis sa isip ko kung kailangan ko na bang huminto sa pag-aaral ko at mamasukan nalang, at pano si tita Anna, mag-isa sya rito?

"Eh tay, paano ang iskwela? At si tita? Tanong ko habang naka kunot ang mga kilay kong patanong.

"Di mo naman kailangan tumigil sa iskwela anak. Ilang buwan nalang tapos ka na, ngayon pa ba kita pahihintuin. Mag-aaral ka parin pero dun ka na tutuloy at tutulong sa mga gawain. Nakausap ko naman na si tita mo. Naiintindihan nya ang sitwasyon at ayos naman sa kanya iyon."

Nakahinga ako ng malalim ng marinig ko iyon. Akala ko kasi baka pahintuin ako ni tatay sa pag-aaral.

Nagpatuloy si tatay sa pagsasalita at ngayon ay hawak hawak nya ang noo nya na parang nag-iisip.

"Sa totoo nga nyan, eh pwede naman akong umalis nalang o paalisin sa serbisyo ko. Nakakahiya nga sa kanila na parang bumabagal na ko sa trabaho. Kaya lang, masyadong malaki ang utang na loob ko sa kanila. Hindi ko sila kayang talikuran nalang kaya nga kakatulungin kita anak. Para naman di sayang ang sinasahod ko sa kanila. Huwag kang mag-alala dahil nagpaalam na ko kay sir at alam nyang kasama na kita sa pagbalik ko sa kanila."

Matagal ng nagtatrabaho si tatay sa mga amo nya. Bago pa nga ako ipinanganak eh nanduon na sya. At kahit kailan ay di na sya naghanap pa ng ibang trabaho. Puro mabubuting salita lang ang bukang bibig nya sa mga amo nya na kahit kailan ay di ko pa nakita. Alam ko lang na ubod ng yaman ang pamilyang iyon at mga chinoy sila. Kung di ako nagkakamali ay Lim ang apelyido, dahil pa minsan ay kausap ni tatay sa telpono kaya narinig ko. At mabait nga naman sila, tuwing pasko, bagong taon, at marami pang okasyon eh nakakapaguwi si tatay ng mga pasalubong na galing daw sa mga amo nya. Karaniwan sa mga iyon ay groceries - pamigay daw sa mga kasambahay. Pero maliban duon ay talagang wala na kong alam pa.

"Tay, baka naman nahihirapan na talaga kayo. Kung gusto nyo magpahinga nalang kayo at ako na ang magtatrabaho." Di ko alam kung saan ko hinugot yang mga salitang iyan, kung handa nga ba kong pasanin na ang respinsibilidad na yan. Pero kasi nag-aalala naman ako kay tatay at baka kung mapano sya.

"Ano ka ba nak. Malakas pa ang tuhod ko at kayang kaya ko pang makipagsabayan sa marami dyan yun nga lang eh talagang medyo nahihirapan at nababagalan na ako sa katawan ko." Sabi nya habang nagboksing boksing pa habang nakaupo.

"Sige tay, naiintindihan ko. Kahit saan tay tulungan ko kayo." Sabi ko ng nakangiti. Hinanda ko na kasi ang isip ko na di na ito maiiwasan. Ayoko sanang umalis kasi dito na ako lumaki sa lugar na ito at mahirap yung manibago. Kailangan kong tulungan si tatay pero parang di ko rin maiwasan na magkaroon ng mga alinlangan sa kung anong sasalubong sa akin sa lugar na iyon. Pero kung mga gawaing bahay naman ay sanay na ko doon at kaya ko namang pagsabayin iyon sa pag-aaral ko.

Biyernes iyon ng dinalaw kami ni tatay at nag celebrate ng birthday ko. Sa linggo ng gabi naman ang takdang pagpunta namin dun sa bahay ng mga amo nya. Nung sabado ay nasa bahay lang kami at nagkukwentuhan nila tita. Ayaw sana naming maiwan si tita dahil mag- isa lang pero wala naman kaming magawa kundi ang pagbilinan nalang din ang ilang kapit bahay. Sabi naman ni tita na kayang kaya nya raw ang sarili at kung minsan ay dalawin nalang namin sya. Sa totoo nga nyan eh nagkaiyakan pa kami.

Linggo na ng alas sais ng gabi at empake na ang lahat ng gamit ko. Nasa sala na ako at nagpapaalam kay tita. Si tatay naman ay lumabas na. Niyakap ko ng mahigpit si tita at humarap na sa pinto. Huminga ako ng malalim at nagsalita sa isisp ko, "ito na ito."

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon