Pang tatlumpu't Apat na Slice

469 39 14
                                    

Richard's POV:

"Haaaay..."

Hindi ko maiwasang mag buntong hininga sa harap ng tambak na paper works dito sa aking mesa.

"TSK!"

Nakapanghihinayang lang dahil ang aking buong akala ay narito ako sa training para matuto sa mismong gawain ng isang arkitekto. Pero sa tatlong linggo ko dito, eh isang beses palang ako nabigyan ng pagkakataong mag design. Ni ang tumulong man lang sa paggawa ng plano ay napaka bihira.

"Para saan pa at nakapasok ako dito sa architectural firm ng uncle ni sir Jet?"

Napaka laking kumpanya nito at isa sa pinaka maganda sa Asya. Mainit sa mata ng mga mag-OJT, bagong graduate, at mga lisensyadong arkitekto - kaya naman napakahirap makapasok dito. Suwerte nalang at tinulungan ako ni sir Toni.

Pero iyon nga, ibang-iba pala ang magiging trabaho ko. Kadalasan ay paper works ang binubuhos sa akin, maliban sa mag xerox, timpla ng kape, at sumagot ng mga tawag. Ang masaklap pa, mainit ang dugo sa akin ng supervisor ko.

"Hayyy...Palibhasa estudyante."

Abala ako sa harap ng computer nang sumulpot si Charles sa aking cubicle. Kaklase ko parin sya at kasama rito para sa aming OJT.

"Bro, tawag ka ng girlfriend mo," sabi nya habang nakangisi.

Tuon lang ang aking mga mata sa computer at sige parin sa trabaho, "Ano nanamang reklamo ni miss beautiful?"

"Hahaha!" "Kulang yata sa lambing eh...Ilabas mo kasi bro," mapang-asar na sagot ni Charles.

Itinigil ko ang aking ginagawa at tumayo. Hinawi-hawi ang aking buhok matapos ayusin ang suot kong polo, "Pogi na ba?" "Baka sakaling tablan..."

"Hahaha!" "Good luck bro." "Hahaha!" Tawang tawa si charles habang tinatapik ang aking balikat.

Sinimulan ko nang tunguin ang opisina ni Miss Maria Rosario, ang aking supervisor. Kung gaano kabanal ang pangalan nya eh ganun naman kabagsik ang kanyang ugali. Laging naninigaw yang si miss, biruan na ngang background music namin sya dito sa opisina. At iyon pa, gusto nya na "miss" ang tanging tawag sa kanya. Subukan mong magkamali at dobleng sigaw ang aabutin mo, "Nasampolan na ko."

Isip ko nga na marahil, dahil sa sya ay isang matandang dalaga kaya ganyan nalang kapangit ang turing sa mga tao, lalong lalo na sa akin. Pero sa kabila ng mahigpit at masungit na trato nya, puro ngiti at kabaitan lang ang tanging tugon ko - respeto parin.

"TOK TOK TOK..." Marahang pagkatok ko sa pintuan.

"Come in." - miss.

Pagpasok, isang malaking ngiti ang agad kong ibinungad sa kanya, "Good afternoon miss."

Nakaupo si miss Rosario sa likod ng kanyang mesa, nakatitig sa akin habang inaayos ang kanyang salamin sa mata. Para bang tinitignan ako mula ulo hanggang paa nang pagka taray-taray. Iyong tipong nais nyang manliit ka na sa pagkakatitig pa lamang.

"Is this your design?" Tanong nya sabay lapag sa mesa ng gawa ko.

Lumapit ako sa mesa, "Yes miss. That's mine."

Sa reaksyon nya, pakiramdam ko ay parang iyon ang hudyat na kanina pa hinihintay ni miss para magsimula. Tumayo sya at pinanlisikan ako ng mga mata. Ilang sandali pa at iyon na nga, inumpisahan na nya ang pagtadtad sa akin ng mga bulyaw at sigaw.

"Mr. Santos! What would be the use of a design if you're not following the client's instructions?"

"Do you think you're in a poster making contest? Huh?"

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon