Richard's POV
Halos pa wala na ang araw sa langit habang nakatingin lang ako dito at nagbabyahe kami ni tatay. Kanina ipinapaliwanag nya sakin ang mga dapat kong malaman pag dating namin sa bahay.
Sabi ni tatay ang mga kasambahay daw ay dapat gising na ng alas sais ng umaga para pagsilbihan at asikasuhin ang mga amo namin. Pero sabi ni tatay na kahit wag na daw akong gumising ng ganoon ka aga dahil nga papasok pa ako sa eskwela na nagsisimula ng 7 am. Kahit pag uwi ko nalang daw syang tulungan at magtrabaho doon at sa mga araw na walang pasok.
Tinanong ko si tatay kung ano ba talaga ang mga dapat na ginagawa namin at ang sabi naman nya ay maglinis ng mga sasakyan, maglinis at imentina ang hardin, linising ang swimming pool, magkumpuni minsan at kung ano ano pa. Karamihan nga raw ng magiging trabaho namin ay sa labas naman ng pinaka bahay kaya wag daw akong masyadong kabahan.
"Nak, ayos ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ni tatay.
"Di po tay, ayos lang ako." Sagot ko habang nakatingin lang sa labas nitong jeep na sinasakyan namin. Medyo malayo na rin ang nabyahe namin, halos mag iisang oras na nga kami dito. Naisip ko tuloy na mukhang mahihirapan ako sa pag commute, bale maaga rin akong gigising kung gusto kong umabot sa klase ko.
"Boss sa tabi nalang." Pagpara ni tatay.
Bumaba na kami ng jeep at napansin kong ibang iba na ang lugar kung san kami nanggaling. Maraming puno sa paligid at parang napaka lawak ng lugar. Hindi rin masyadong matao dito.
"Nak, dun tayo sa gate. Maglalakad tayo hanggang dun sa bahay ng mga amo natin." Pagtawag sakin ni tatay at naglakad na nga kami.
Nang makarating kami sa parang napaka laking daanan na may harang, sabi ni tatay ay ito na raw ang gate ng exclusive subdivision. Sa totoo lang namamangha na ko rito, may isang guard house dun sa pasukan at may 4 na bantay. Yung gate palang mismo nung subdivision eh talagang malaki na at ang taas, siguro hanggang mga second floor na iyon ng regular na bahay. Tapos yung mga poste ng ilaw ay kay tataas din at kay liliwanag. Naisip ko lang, di yan kakayanin ng magnanakaw, parang tore sa taas. Di tulad nung mga poste ng ilaw sa amin na ang daling nakawin.
BEEP!!!
"Tabi ka nak." Sabi sakin ni tatay dahil may papasok na sasakyan dun sa gate. Tumabi naman ako bigla at talagang namangha ako dun sa sasakyan. Kung di ako nagkakamali ay yun yung mercedez kasi parang nakita ko sa magazine yung symbol nun sa harapan.
Lumapit kami sa guard house at binati ni tatay yung mga guardya.
"Mga Boss magandang gabi." Bati ng tatay ko na sumaludo pa.
"O mang Carding babalik na ba kayo?" Tanong nung isa sa kanila na parang bata pa, siguro nasa bente singko anyos lang iyon.
"Oo, balik trabaho na." "Nga pala, anak ko, si Richard." Pagpapakilala nya sa akin.
Tumango naman ako dun sa mga guardya at binati rin sila ng magandang gabi.
"Kasing gwapo at gandang lalaki ko noh?" Pabirong sabi ni tatay at talaga namang medyo nakaramdam ako ng hiya noon kaya napangiti nalang ako at kumamot sa ulo ko.
"Talaga tong si mang Carding oh, kaya kayo napapagod ng bigla nyan eh, masyado kayong kumedyante." Sabi nung isa pa sa mga guardya na medyo may edad na, sya nga ang mukhang pinaka matanda sa apat.
"O mga boss, bilin ko lang ha. Itong anak ko eh pumapasok kaya, sa umaga at sa hapon eh makikita nyo syang lalabas at papasok. Pagbilinan nyo nalang yung iba nyo pang kasamahan kasi kasama ko na tong anak ko dyan sa loob." Pagpapaliwanag ni tatay.
"Lang problema mang Carding. Sige pasok na kayo." Sabi nung unang kausap nitatay na bata bata pa. Sabay nun ay bumukas yung parte nung gate na para na sa tao, yung medyo mababa at gilid na parte.
BINABASA MO ANG
Slice ng Life
RomanceLahat ng tao naghahanap ng love. Lahat gustong sumaya. Whether you're rich or poor, everyone needs love. Pero bakit hindi lahat nakakahanap nung love na gusto nila? Yung iba hanggang tingin nalang sa love ng iba. And sometimes when you finally get i...