Richard's POV:
Maganda ang sikat ng araw ngayong umaga at mula sa malaking salamin ay pinagliliwanag nito ang aming paligid. Napakaaliwalas ng lugar, nakagagaan ng pakiramdam. Ito marahil ang dahilan kung bakit naisipan ni sir Jet na dito magbasa ng kanyang leksyon, sa may sala, imbes na sa kuwarto nya.
Katatapos lang naming mag almusal at heto, si sir, abala sa pagbabasa ng mga papel na may kung anu-anong litrato ng iba't ibang bahagi ng katawan. Sinabi ko sa kanya na sasamahan ko sya dito sa sala para magbasa rin ng sarili kong mga aralin, pero kanina pa ko dito at hanggang ngayon, hindi ko pa nabubuklat ang aking libro.
Hindi ko maalis ang tuon ng aking atensyon sa mukha ni sir. Ngayong nasisinagan ng araw ang kanyang mukha, para bang nagliliwanag ito. Nang magsabog siguro ang Diyos ng kakinisan, kaputian, at pagiging cute; nasalo lahat ni sir. Sa totoo lang sa sobrang puti at kinis ni sir, parang mas akma kung "maganda" ang itawag sa mukha nya kaysa guwapo. Pinagpala sya ng mukhang kahit ang mga babae ay kaiinggitan.
Tahimik lang kaming dalawa, sya sa pagbabasa, ako sa pagtitig sa kanya. Nakagagaan kasi ng loob ko ang makita si sir. Parang napakasaya ng buhay at wala kang maisip na masama. Tapos, iyong ngiti nya, nakakapawi ng pagod at lungkot. Puwede kong gawin to maghapon, hindi ako mapapagod o magsasawa.
"Sir..." - ako.
"Hmmm?" Ika nya habang abala sa binabasa.
"Bakit hindi na kayo nagsuswimming?"
Naitanong ko iyon dahil mula nang dumating si sir ay di ko na sya muling nakita pang lumangoy. May malaki at magandang swimming pool dito sa condominium pero ni minsan, di ito dinalaw ni sir Jet.
Hindi nya maalis ang tingin sa papel na tangan, "Busy sa studies eh."
Inilapag ko ang aking libro sa tabi at nagsimulang magkuwento kay sir Jet. "Alam nyo sir, nakaka miss rin pala iyong maglinis ng swimming pool. Nung umalis ka, araw-araw kong sinisiguro na malinis iyong pool. Baka kasi bumalik kang bigla, para laging ready."
Tinignan ko ang reaksyon ni sir sa pagkuwento ko, kahit di sya nakatingin sa akin ay nakangiti sya. Itinuloy ko, "Pero sir...ang mas nakaka-miss eh iyong makita kang lumangoy."
Natawang bahagya si sir.
"Oo nga sir...hehehe. Minsan nga kinakausap ko pa iyong swimming pool habang nililinis. Iniisip ko na andun ka at lumalangoy..."
Tuluyan nang natawa si sir, "Hahahaha! That's weird. Hahaha!"
"Sir, sabado naman...swimming kayo dyan sa baba. Para ma-relax ka. Ang ganda nung pool dyan sir," pag-anyaya ko kay sir Jet na muling ibinalik ang kanyang atensyon sa pagbabasa.
"Hmmm..." - sir.
Tumabi ako sa kanya, "Sir, alam nyo parang di na kayo nag eexercise...Huwag mong pabayaan yang katawan mo sir. Bilin nga sa akin ng mama mo diba? Lagi ko daw siguruhing kumakain ka ng tama at malusog ka. Edi sir kailangan din mag exerci..."
Hahabaan ko pa sana ang litanya sa pagkumbinsi kay sir Jet pero pinutol nya ito. Tinignan nya ko nang nakangiti, "You won't stop even if I say no right?"
"Hehehe...di nga sir...hehehe," pa-tawa tawang sambit ko habang nagkakamot ng ulo.
"Get ready." - sir Jet.
"Sir?" Naguguluhang sabi ko.
Tumayo si sir, "Get ready Richard, we'll go somewhere." Naglakad sya patungo sa hagdanan. Paakyat na si sir nang lingunin nya ko, "Bring a change of clothes okay." At tuluyan na syang umakyat.
Tatanungin ko pa sana si sir Jet kung saan nya balak pumunta at kailangan ko pang magdala ng pamalit pero mabilis syang nakaakyat. Kahit naguguluhan ay sinunod ko nalang ang bilin nya na maghanda at magdala ng damit.
BINABASA MO ANG
Slice ng Life
RomanceLahat ng tao naghahanap ng love. Lahat gustong sumaya. Whether you're rich or poor, everyone needs love. Pero bakit hindi lahat nakakahanap nung love na gusto nila? Yung iba hanggang tingin nalang sa love ng iba. And sometimes when you finally get i...