Richard's POV:
"Paki tawag na lang ako kuya after you're done." Sabi ni sir Jet na ngayon ay naglalakad nang pabalik sa loob ng bahay.
Ako naman ay nandito pa rin sa kinatatayuan ko. Nanigas at inugat na nga yata ako dito. Hanggang ngayon ang lakas talaga ng dagundong ng dibdib ko at tagaktak ang pawis ko . Ewan ko ba kung anong naisip ko nang pakawalan ko yung kung ano mang linyang yun sa bibig ko. Kasi yung utak ko talaga namang na blanko.
"Whooooo." Mahabang palabas ko ng hininga matapos kong maupo. Parang natutulala pa rin ako.
"Ano ba yung sinabi ko?" "Takte ang tanga mo." Talagang naiinis ako sa sarili ko at hiyang hiya. Hiyang hiya ako kay sir Jet. Kung pwede lang eh sana kinain na ko ng lupa kanina.
"Nagtatagalog naman yun, pinipilit mo pa kasing mag English." Sabi ko sa sarili ko habang tinutuktok ko ang batok ko. "Tsk! Kahiya talaga!!! BWISET!!!" Ramdam na ramdam ko talaga yung init sa buong mukha ko sa kahihiyan.
Pinakalma ko ang sarili ko ng ilang saglit pa at tinuloy ko ang paglilinis. Iniisip ko kung bakit ba nangyari yun, bakit ba ganuon nalang ang pagkakautal at pagkaka nerbyos ko nung lumapit sakin si sir Jet.
"Siguro kasi alam ko yung agwat namin sa buhay?"
"Kasi mukhang matalino talaga si sir at talagang mukhang di nagtatagalog?"
"Baka kasi maliitin nya ko at tignan ng mababa?"
Mga sambit ko sa sarili ko.
Natapos ko na ang paglilinis nitong pool at naisip ko na sinabi ni sir Jet ay tawagin ko sya kung matapos na akong maglinis. Pinasok nanaman ng kaba at hiya itong pag-iisip ko.
"Nako, ito nanaman eh. Pano ko kakasuapin yun?" Tanong ko sa sarili ko.
"Pero nagtatagalog nga si sir." "Marunong ka rin naman mag english ha." Palakad lakad lang ako dito sa kaiiisip. "Bahala na." Naisip ko na mukhang di naman nangmamata yang si sir Jet. Isa pa kung tutuosin eh mas matanda ako sa kanya, kasi nga sabi ni tatay eh sixteen lang yun.
Tinungo ko na yung bahay. Ang gusto ko sana eh sabihin nalang sa kung kanino mang katulong sa loob na tawagin na si sir Jet at malinis na yung pool. Eh ang kaso mukhang abala lahat sa kung ano mang ginagawa nila. Kanina ko pa nga sinisipat si Jenny pero wala. Hanggang sa nakita ko si manang Alice sa may pintuan.
"Manang, pwede ho bang paki sabi kay sir Jet na malinis na yung pool. Gusto nya ho kasi yatang mag swimming." Pakiusap ko kay manang Alice.
"Ayy iho puwede bang ikaw na. May nakasalang ako sa kusina eh. Yung kuwarto nya, dyan lang sa taas, yung unang pinto sa kaliwang pasilyo. O sya, balik na ko sa kusina." At tuluyan na nga nya kong iniwan.
Mukhang wala na kong magagawa kung hindi ang tunguin na nga ang kuwarto ni sir Jet. Napaka dalang kong makapasok dito sa mismong bahay ng mansion. At yung mga madalang na araw na yun eh lahat dito lang sa baba, kung hindi sa kusina eh sa storage area.
Nilakad ko na ang pasilyo mula dito sa pintuan sa hardin papasok sa bahay. Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng tunog. Ang gandang tunog nang naririnig ko, musika. May nag papiano. Makalipas ang ilang paglalakad ay bumungad na nga sa akin yung living room nitong bahay. Napaka lawak at laki, ang liwanag at maaliwalas. Yung mga kasangkapan halatang halata mo talagang mamahalin, napaka elegante ng mga disenyo. Hindi ko maiwasang pansinin yung ilaw sa taas na napaka laking akala mo ay dyamante. Tapos may TV din na tinalo pa yata ang sinehan sa laki. At duon ko rin nakita yung malaking piano kung saan tumutugtog si ma'am Ruth.
Ang galing tumugtog ni ma'am Ruth ng klasikong musika sa piano. Nakaka kalma yung tunog, nakaka ganda ng takbo ng isip. Mahilig din talaga ako sa musika at kantahan, pero gitara ang kaya kong tugtugin. Di ko naman maiwasang tignan si maam Ruth mula sa kinatatayuan ko. Mukha talagang artista itong si maam, napaka ganda at napaka kinis ng mukha. Naka tali ang mahaba nyang buhok at sya'y nakasuot ng mukhang pormal, galing siguro syang opisina.
![](https://img.wattpad.com/cover/42400513-288-k124434.jpg)
BINABASA MO ANG
Slice ng Life
RomanceLahat ng tao naghahanap ng love. Lahat gustong sumaya. Whether you're rich or poor, everyone needs love. Pero bakit hindi lahat nakakahanap nung love na gusto nila? Yung iba hanggang tingin nalang sa love ng iba. And sometimes when you finally get i...