Pang-Dalawampung Slice

387 28 1
                                    

Richard's POV:

"Anak, bakit tuwang tuwa ka dyan? Matulog ka na."

"Sige ho tay."

Yung ngiti sa mukha ko, wala nang paglagyan. Yung galak naman sa puso ko eh sobrang naguumapaw. Talagang tuwang tuwa si sir sa niregalo ko sa kanya.

"Napaiyak ko pa si sir." - isip ko.

Pero ang luha naman niyang iyon eh siguradong kasiyahan. Sobrang pasalamat nga sya sa akin, niyakap pa ko. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni sir. Di ako naka kilos agad. Pero siguro ay sobrang tuwa lang talaga nya. At dahil sa sobrang tuwa nya eh ako naman ay talagang masaya.

Dapat nga, sa totoo lang, di na ko maglalakas pa ng loob na ibigay sa kanya iyong ginawa ko. Pano kasi iyong mga regalo sa kanya talaga namang bigatin. Yung kuya nya lang, binigyan sya ng napaka garang sasakyan samantalang iyong sa akin ay sariling gawa ko lang.

At nga pala, iyong kanina. Unang beses ko iyon makakita ng ganoong handaan. Ang daming pagkain at yung mga bisita ang gagara ng mga suot. Halata mo talagang mayayaman ang lahat. Halos lahat sila eh kumikinang at talagang ang sarap pagmasdan. Si sir Jet, bagay na bagay sa kanya yuong suot nya. Lalo syang gumwapo. Pati rin yung mga kaibigan ni sir, nagmukhang kagalang galang. Nahihiya nga kami ni Jenny harapin iyong mga bisita eh, halos nandun lang kami sa gilid o kaya ay sa kusina. Nung matapos nalang yung handaan, tsaka kami lumabas duon para magligpit.

Pero, ang saya ko talaga. Ang saya ko na para bang kasing ganda ng mga mamahaling regalo sa kanya iyong turing ni sir sa ginawa ko. Pinaghirapan kong gawin iyon, ilang araw ko ding ginuhit ang mga pahina doon. Tapos kinukayan ko pa. Naalala ko kasing paboritong libro nga ni sir iyon kaya naman naisipan kong iyon nalang ang iregalo ko. At para lalong pang ikatuwa ni sir eh pinalitan ko yung mukha nung prinispe sa kuwento at nilagay ko ang cute na mukha ni sir.

"Naging singkit hehehehe"

Inamoy ko ang t-shirt ko, "Hmmm amoy baby."

Naiwan pa iyong amoy ni sir sa akin nuong niyakap nya ko. Si sir, di lang mabango tignan, talagang ang bago din nya. Nahawa pa nga itong suot ko sa amoy nya eh.

Inayos ko ang higa ko dahil parang may kung anong matigas sa likod ng aking unan. Di talaga ako mapakali kaya bumangon na ako at inangat ang unan ko.

"Ay dito ko pala naiwan."

Kahapon ko pa hindi makita kung saan ko naiwan itong cell phone ko, nandito lang pala sa ilalim ng unan.

"Dead bat."

Kinuha ko ang charger ko at isinaksak ang aking cellphone sa pader. Naghintay ako ng kaunti pa at nabuhay na nga syang muli. Tinignan ko ito at marami palang nag text sa akin kahapon.

TJ: Chard. Di ka na babalik?

TJ: Simula na dito tol.

Ryan: Gago manonood ka ba?

TJ: Tapos na.

Rina: Chard. Talo eh.

Sa huling text na nakita ko ay di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halos mahulog sa kamay ko iyong cell phone.

"Nak ng! Foundation day ba kahapon?"

"Pano naging foundation day eh nagklase..."

"Gago! Kaya pala half day...TSK!"

Naiinis ako sa sarili ko. Gusto kong suntukin iyong pader pero baka magising si tatay.

"Tanga mo! Tanga!"

Nahihiya ako kay Rina. "TSK!" Gusto ko syang tawagan pero dis oras na ng gabi.

"Ano bang ginawa ko?"

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon