Richard's POV:
"Richard! Bro, wait up!"
Napakainit ng tirik ng araw. Walang ka hangin-hangin. Kaya naman dire-diretso lang ako sa paglakad at nagmamadaling makapunta sa may sakayan.
Biglang akbay naman sa akin ng taong mukhang kanina pa pala akong sinusundan, "Ang bilis mo maglakad bro."
Sinagot ko sya, "Ang init kasi."
Ilang sandali lang ay naka-para na kami ng jeep. Walang masyadong tao, mabuti na rin, dahil medyo naging presko sa pakiramdam.
Naglabas ng pambayad si Charles at inabot nya sa akin, "Bayad po kuya." Kinuha ko ang inabot nyang barya at sinabay ko na rin iyong bayad ko.
"So hot man." Ika nya habang pinapaypay ang kanyang notebook sa sarili.
Nilingon ko sya, "Diba may kotse ka? Bakit ka kasi nagje-jeep?"
Tuloy lang si Charles sa pagpaypay at pagpunas ng tumatagaktak nyang pawis, "Hassle mag drive, hirap na sa parking, lagi pang traffic. Mas okay nga mag commute eh."
Kung sa bagay may punto sya. Kadalasan nga naman ay traffic dito sa university namin. At hindi lang sya ang kilala kong may mga sasakyan naman pero mas ginugusto pa ang mag commute. Naisip ko, "kahit mayayaman ay praktikal din."
"Hey, man. Ayaw mo ba talaga mag try-outs? Nakita ka ni coach and sabi nya, you got the height. Sabi ko din na okay ka pag naglalaro tayo." - Charles.
Pinunasan ko naman ang mukha kong namamawis na rin bago sya sinagot, "Wala talagang time eh. Isa pa, baka malaos ka," sabi ko sabay ngisi.
"Gago! Di nga...ayos mag varsity, may scholarship kaya yun. O edi, no need na for you to work."
Totoo ang sinabi ni Charles, kung sasali ako sa varsity ay siguradong sagot na ang tuition ko, pero mayroon nang nagpapaaral sa akin at iyong trabaho ko naman ay bayad ko sa kabaitan nila sa amin ng tatay ko.
Sinagot ko sya, "Di na pre. Ayos na sa akin yung natatalo kita sa laro. Hahahaha..balato ko na sa iyo yang varsity."
"Asa ka! Uy Chard, next week daw yung practice for humanities ha. Sige na bro...kuya para po." Tinanguhan ko lang si Charles at bumaba na nga sya sa jeep. Ilang mintuo lang din naman ang lumipas at ako ay pumara na rin.
Pagdating ko sa hardin ng mansion ay bumungad agad sa akin ang nakaupong si Jenny sa lilim ng puno, mukhang malalim ang iniisip.
"Tabi-tabi po!" Sabay bato ko ng bag ko sa mga binti nya at pagtabi na rin sa pag-upo nitong si Jenny.
Binato nya naman agad pabalik sa akin iyong bag, "Ay BASTOS!"
"Ang init! Sobra! Pero lalo kang gumaganda." Tinignan ko sya nang may panunukso sa huling sinabi ko. Hindi kasi bagay kay Jenny ang mukhang seryoso kaya inaasar ko sya. "Hiyang ka yata sa pawis at libag Jenny."
Inirapan nya lang ko habang pigil na tumatawa, "Loko ka talaga!"
Kinindatan ko naman sya, "Lokong loko sa iyo Jenny." At sabay naming pinagtawanan ang kalokohan namin sa napaka-init na tanghali.
Umayos ng upo si Jenny at tumingin sa akin, "Richard, di ba mahirap sa college?"
Napaseryoso na rin ng kaunti ang mukha ko, umayos din ng upo at humarap sa kanya, "Medyo. Minsan sabay-sabay ang gagawin. Pero lahat naman napagtatyagaan."
Umirap muli si Jenny, "Sus. Matalino ka naman kasi. Ano ngang tawag sa iyo? Yung dean...dean ano yun?"
"Dean's lister. Di rin Jenny, basta mag-aral ka lang. Napaghahandaan naman yun." Sagot ko sa kanya. Bigla namang tumayo itong si Jenny at nagsimulang umarte, "Humanda kayo, ako rin! Ako rin magiging DEAN LITTER! Bow, thank you."
BINABASA MO ANG
Slice ng Life
RomanceLahat ng tao naghahanap ng love. Lahat gustong sumaya. Whether you're rich or poor, everyone needs love. Pero bakit hindi lahat nakakahanap nung love na gusto nila? Yung iba hanggang tingin nalang sa love ng iba. And sometimes when you finally get i...
