Richard's POV:
"Patay!" Natulalang sabi ko ng marinig ko ang bnalita sa akin ni kuya Miguel.
"Ano yun Richard?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Ayyy wala kuya. Sige bumalik ka na sa pagpapahinga." At umalis na nga si kuya Miguel.
Sa loob loob ko ay talagang nag-aalala ako na kinakabahan. Nakararamdam din ako ng pagka guilty. Malakas kasi ang kutob ko na ikinasama ni sir iyong pag-inom nya kanina nuong gulaman sa school.
"Eh bakit ako? Uminom din naman ako. At yung kaibigan din ni sir uminom." Pagkausap ko sa aking sarili.
"Pero ang dami nya kasing ininom. Isa pa, maselan siguro ang tiyan ni sir." Sagot ko sa naguguluhan at kinakabahan kong pag-iisip.
Pero bakit nga ba ako kailangang mag-alala. Naisip ko na hindi ko naman kasalanan na uminom sya ng pagka rami raming gulaman. Hindi ko naman sya pinilit. Pero sa totoo lang di maalis ang pagka bagabag sa akin.
Nahiga na ako sa aking kama. Ang aking isip magulo pa rin at nag-aalala. Bago ko tuluyang tunguin ang pag tulog ay napasambit ako, "sorry sir."
Kinaumagahan sa lamesa, habang nag-aalmusal ay kasama na namin sina kuya Alex at iyong iba pang napa sugod kagabi sa ospital.
"Antok na antok pa ko." Sabi ni kuya Alex na nangangalumata pa habang nagkakape.
"Ano ba ang nangyari kay sir Jet, ha Alex?" Tanong ni tatay.
"Nako mang Carding eh ang nangyari, nuong pauwi na sana kami galing iskwela nya, napansin kong namumutla. Tapos iyon na nga di na tumigil sa pagsusuka. Kaya naman sinugod ko na sa emergency." Pagpapaliwanag ni kuya Alex.
"Eh ano daw ba ang sabi ng duktor?" Nag-aalalang tanong ni tatay.
"Sabi ano daw eh. Yung ano...yung food poisoning." - kuya Alex
Nang marinig ko iyon ay talagang lumakas ang kabog ng aking dibdib at talaga namang parang nanlumo ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pagka balisa ko pero para kasing sinasabi ng isipan ko na may pagkakamali ako. Parang may sinasabi sa aking sana ay di ko pinainom kay sir iyong gulaman at sana ay di na sila nagpunta pa sa school.
"Nak, ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik dyan." Pansin sa akin ni tatay.
Napatingin naman ako sa kanya bigla at napa ayos ng upo, "Ayos lang tay."
Si kuya Miguel naman ang nagtanong habang kumakain ng pandesal, "Eh ano na? Kamusta na si sir?"
Tumayo naman na si kuya Alex at inililigpit ang pinagkainan nya, "Okay na. Binigyan lang ng gamot kagabi at pinaubos lang sa kanya iyong isang bote sa swero tapos pinauwi na rin kami."
Sumali na sa usapan si mang Ben, "Laking alala nga nila ma'am at sir Toni kagabi. Akala inatake nanaman ng asthma ang bunso nila."
"Natural na mag-alala iyon. Magulang iyon eh. Isa pa, iyong bunso pa ang nasugod sa ospital. Likas na sakitin pa man din ang isang iyon." - mang Gary.
Lumipas ang magdamag at parang wala talaga ako sa aking sarili. Di ko maalis ang pagkabagabag ng aking isipan. Sabado nuong araw na iyon kaya naman sa mansion lang ako. Sinisilip silip ko nga si sir habang nagtatabas ng damo sa hardin pero hindi ko naman sya makita. Kung puwede lang ay akyatin ko na sa kuwarto nya para kamustahin at humingi na rin ng tawad.
"Uy lalim ng iniisip natin ha." Bulaga sa akin nitong tuwang tuwa na si Jenny.
"Umusog ka nga diyan, baka matabas ko iyang paa mo. Sige ka." Pasaring ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Slice ng Life
RomanceLahat ng tao naghahanap ng love. Lahat gustong sumaya. Whether you're rich or poor, everyone needs love. Pero bakit hindi lahat nakakahanap nung love na gusto nila? Yung iba hanggang tingin nalang sa love ng iba. And sometimes when you finally get i...