Pang-labing Limang Slice

393 27 4
                                    

Richard's POV:

"Dito tol!" Sabay senyas ko kay Ryan para ipasa nya sa aking yung bola. Konting dribble at exhibition, tapos...shoot sa ring, "3 points!"

"Mamaya na ulit tol. Upo muna tayo." Sabi ng pawisang si Ryan sa akin. Pagkaupo namin sa may gilid nitong quadrangle eh sabay sabi naman ng duoy naka tambay lang na si TJ, "Hoy Ryan, ang aga aga amoy jabar ka na! Baho mo!"

Bigla naman syang inipit ni Ryan sa kanyang mga braso at iningungudngod iyung ulo ni TJ sa kili kili nya, "Baho? Sino ma baho? Ito ba, ito ba gago ka!"

Kumawala naman si TJ at hinabol ang hininga nya pero sabay binatukan naman sya ni Ryan, "Palibhasa kasi lampa kang gunggong ka. Puro ka lang computer!"

"Loko ka! Maligo ka nga. Tindi mo Ryan. Tindi ng anghit mo!" - TJ

Kaya kami nandito pa laro laro lang ng basketball at patambay tambay eh pano ba naman, sinabi sa amin kanina na may biglaang meeting daw iyong mga teacher namin. Sa totoo lang gusto na sana naming magsiuwian pero ayaw naman kaming payagan. Kukunin pa rin daw yung attendance hanggang sa huling klase kahit wala namang guro.

"Huwaaayyyyy Sarap ng Buhay." Hikab ni Aldrin habang nakasandal ang likod sa may pader. Hindi naman ang buong iskwela ang walang klase, klase lang nung mga teacher na kasama sa meeting, kaya kaunti lang ang tao dito sa quadrangle ng school.

"🎶DING🎶" Tinignan ko naman kung sino ang nag text sa akin. Si kuya Alex pala. Tinatanong itong address ng school namin. Sinagot ko naman sya at di na nagtaka kung bakit bigla syang naging interesado sa school ko.

"🎶DING🎶" Si kuya Alex ulit. Nagtatanong naman ngayon kung saan daw ako tatambay mamayang lunch.

"Anong problema nito?" Pagiisip ko sa aking sarili. Nakakapagtaka na kasi yung mga tanong nya. Pero sinagot ko na rin. Sinabi ko na malamang sa canteen lang ako.

"🎶DING🎶" "Tsk. Nang-aasar ba itong si kuya Alex?" Binuksan ko ulit yung cell phone ko pero si Rina pala yung nag text. Gusto nyang makipag kita sa canteen.

"Yun oh! Oy oy oy. Sino yan?" Ngiting asong tanong ni TJ na nakaka-asar talaga yung tono. "Si Rina yan noh?"

Pinahid ko naman ang palad ko sa mukha ng chismisong kaibigan kong ito, "Chismosong ito. Computer ka nalang loko!" Sabay tawa ng mga kasama namin.

"Mga tol, punta muna ako sa canteen ha. Lam nyo na, nagmamahal!" Paalam ko sa kanila ng ngiting nang-aasar at nangiinggit. Sa amin kasing apat eh ako pa lang ang may nobya.

"Gago! Huwag ka nang bumalik hayup ka!" Bulyaw ni TJ. Matapos nun ay sinuot ko na ulit ang polo ko at dumiretso na sa canteen.

Pagpasok ko palang sa canteen ay nakita ko na agad na nakaupo si Rina sa upuan dun sa may malaking lamesa sa gitna, nag-iisa.

"Oh, bakit ka nag text?" Tanong ko.

"Kain na tayo. May gagawin kasi kami mamayang lunch ng mga kaklase ko eh, baka hindi kita masabayan." Paganyaya nya sa akin ng nakangiti.

"Oo naman. Sige, upo ka lang dyan bibili na ako." At bumili nga ako ng mga makakain namin at maiinom. May baon naman sya kaya dagdag nalang itong binili ko.

Habang kami ay kumakain, tumigil naman si Rina at tinignan ako ng diretso. "Richard, nga pala...sumali ako dun sa singing contest para dun sa foundation day."

"Talaga? Wow naman. Panalo ka na duon. Tsk! Nako walang wala sila sa iyo." Pa kwela kong pagsabi kay Rina na sinabayan ko ng malaking ngiti at matamis na kindat.

"Ito naman eh...binibiro mo ko." Parang nagpapa-cute na sabi ni Rina sa akin, iniiwas iwas pa nya yung mga tingin nya. Matapos ang ilang sandali ay umayos na uli sya ng tingin sa akin. "Di nga Chard. Seryoso, sasali nga ako."

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon