Richard's POV:
"Hanep ka Chard! Pa inom ka naman!" Biglang kusot sa ulo ko ni Aldrin.
Dinamba ko naman sya ng bahagya sa tagiliran, "Inom nanaman? Laki na ng tyan mo loko!"
Matapos lang ang ilang segundo ay inakbayan kaming dalawa ni Ryan, "Gago, yan yata nagagawa ng break-up eh?"
Sa biro nyang iyon ay mahinang suntok ang iginanti ko, "Hayop!"
Umiral nanaman ang pagka makulit at palabiro ng mga mapang-asar kong kaibigan. Kanina kasi, sinabi na sa amin ng teacher namin yung mga may award at honor sa graduation. Gulat na gulat nga silang lahat, maging ako rin, dahil nagka award ako. Hindi lang isa, tatlo pa. Nakuha ko ang most improved, best in art at best in math. Sabi pa nga sa akin ng teacher ko ay kung inagahan ko lang sana ang pagbubuti sa eskwela eh sigurado daw sya na makakapasok pa ako sa top 10.
Hindi naman ako nanghihinayang na hindi ako nakapasok sa top 10. Sa katunayan nyan eh sobra sobra na ang saya ko. Hindi ko kasi talaga akalain na kaya ko pala. Meron pala akong maibubuga kung magsisipag ako.
"Tama nga si sir Jet."
Sumakay na ako ng jeep pabalik sa mansion. Inisip ko na sa mismong graduation ko nalang sasabihin kay tatay iyong award ko para ma surpresa sya. Kagagaling ko lang sa kanila kahapon at ayos naman si tatay kay tita.
"Para ngang di nagkasakit."
Pero maliban kay tatay, ang gusto ko talagang sabihan nito ay iyong taong nagbigay sa akin ng inspirasyong pagbutihin ang pag-aaral ko. Ang taong nagturo sa aking mangarap. At sigurado akong ikatutuwa nya ito.
Sinalat ko ang bulsa ko para kumuha ng baryang maibabayad pero wala yata sa bulsa ang aking maliit na pitaka. Binuksan ko ang aking bag at nandoon nga ito.
"Manong, bayad ho. Sa may subdivision."
Isasara ko na sana ang aking bag ng makita ko itong bagay na ito, ang bracelet na regalo sa akin ni Rina.
"Hayyy..." Buntong hininga ko.
Wala na kami ni Rina. Nakipag hiwalay sya nung JS Prom namin. Sabi nya sa relasyon daw kailangan ng oras sa isa't isa. Sa totoo nyan eh naiintindihan ko sya. Napaka limitado lang naman kasi ng oras naming magkasama. Nasaktan ako sa hiwalayan namin pero kailangan ko na ring kalimutan iyon.
"Oo nga pala."
Tinitignan-tignan ko itong bigay nyang bracelet. Naalala ko kasi nung tapos nung JS eh nakipag inuman ako sa tropa. Parang nung pag-uwi ko sa mansion eh di ko lubos maalala kung nakita ko ba si sir Jet noon o hindi. Parang may naaalala akong nag-usap kami pero baka nananaginip lang ako.
Napasabi tuloy ako sa isip, "Kung totoo man eh sana wala akong nasabing mali."
Mukhang wala naman, ganun pa rin naman kami sa isa't isa nung huli kaming makapag-usap. Naalala ko nga, may sumundo kay sir na naka motor at sumama sya kahit gabi na. Doon ko rin naalala iyong mukha nung kaibigan nyang iyon.
"Iyon yung kasama ni sir sa swimming."
Pagbalik ko sa mansion ay tumungo agad ako sa aking kuwarto. Gusto kong magligpit dahil medyo magulo ang ayos. Nasubsob kasi ako sa pag-aaral nitong mga nakaraang araw, exams kasi namin.
Naalala ko rin, nitong mga nakaraang araw, hindi ko na nakikita si sir Jet sa hardin tuwing gabi. Di ko naman sila naaabutan ni kuya Alex sa umaga. Marahil ay abala rin si sir kasi graduating din iyon.
Matapos kong magligpit at maglinis sa kuwarto ko ay nagtungo na ako sa hardin para magtabas naman ng damo. Ginamit ko iyong makina para mabilis ang trabaho ko, mukha namang wala ang mga amo namin kaya di sila maiingayan.
BINABASA MO ANG
Slice ng Life
Storie d'amoreLahat ng tao naghahanap ng love. Lahat gustong sumaya. Whether you're rich or poor, everyone needs love. Pero bakit hindi lahat nakakahanap nung love na gusto nila? Yung iba hanggang tingin nalang sa love ng iba. And sometimes when you finally get i...
