Richard's POV:
"Sir Jet?"
Lumakad ako pa abante at humarap sa kanya. Hindi nga ako nagkamali. Si sir Jet nga itong kaharap ko ngayon. Tumingin sya sa akin at nginitian ako.
"Sir!"
Labis ang tuwang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Para bang hindi ako makapaniwalang nandito na sa harapan ko iyong matagal ko nang hinihintay. Sobrang nasabik akong makita syang muli. Tumabi ako kay sir. Sa totoo nyan ay gustong gusto ko sana syang yakapin pero pinigilan ko na rin ang aking sarili.
Nakatingin lang ako kay sir at di ko mapigilan ang napaka laking ngiti sa aking mukha. Ang mukha nya, para bang lalo syang bumata. Dagdagan pa ng naka t-shirt at shorts lang sya. Napaka puti, kinis, at maamo pa rin ng mukha ni sir. Nakangiti rin sya sa akin, iyong mga mata nya, ang sarap tignan. Parang gusto ko ngang lumuha sa kaligayahan.
Tinanong ko sya, "Sir kailan ka pa dumating?"
Nakangiti lang si sir sa akin, kahit mga mata nya ay ngumingiti rin, "Kanina lang. How are you?"
Tumayo ako sa pagkakaupo. Hindi talaga ako mapakali. Parang may kung anong masaya sa dibdib ko na gustong pumakawala.
"SIR! Ikaw na ba talaga iyan? Wohooo!!!"
Napalakas ang hiyaw ko kaya sinenyasan ako ni sir na huwag daw akong maingay. Nawala sa isip ko na malalim na ang gabi. Hindi kasi talaga ako makapaniwala sa nangyayari. At si sir, tumatawa, na miss kong makita syang ganyan. Ang marinig ko ang halakhak nya.
Kinurot-kurot ko ang aking pisngi, "Di naman ako nananaginip no?"
Lalong tumawa si sir, medyo namumula na nga sya, "Hahahahaha. Ang kulit mo talaga Richard. Hahaha."
Umupo ako pabalik sa bench, sa tabi ni sir. Tinignan ko sya, "Sir, isa pa nga."
"Huh?" Nagtatakang tanong nya sa akin.
"Sir, tawagin nyo ko. Isa pa." Sabi ko sa kanya.
Nangiti talaga si sir at natawa sa sinabi ko, napakamot pa nga ng ilong, "You're really funny Richard. Hahahaha."
Biglang tayo naman ako at nagtatatalon, "Yun O! Si sir ka nga! Wohoo! Ikaw lang sir iyong ganyan bumigkas sa pangalan ko eh. Tunog mayaman talaga! Sarap pakinggan!"
Sa ginawa kong iyon ay lalo nang namula si sir sa katatawa. Inayos ko ang aking sarili, pero talagang napaka ligalig ko sa oras na ito dahil sa labis na kasiyahan. Tumabi muli ako kay sir Jet.
Matapos nyang tumawa ay tumingin sya sa akin, "You know. I really had the feeling na I'll see you tonight. Hahahaha. Di nga ako nagkamali."
Nginitian ko naman sya at inartehan ang aking mukha, "Of course sir! This is our spot. Isn't it?"
Bigla namang humalakhak ng sobra si sir sa pag-eenglish ko. Ayan ang gusto ko talagang mangyari kaya nga ginawa ko iyon. "Hahahahahahaha! Grabe ka Richard! Hahahahaha. You're too much! Hahaha!"
"Okay ba sir? I'm now english spokening..." Maarteng sabi ko sabay kindat kay sir Jet.
"Hahahaha. Good for you. At least you're trying." Ika sa akin ni sir matapos nyang habulin ang hininga nya mula sa pagtawa.
Bigla namang may pumasok sa isip ko. May bigla akong naalala. "Sir! Sandali lang ha. Dyan ka muna, may kukunin lang ako."
Dali-dali kong tinakbo ang kuwarto ko at binuksan ang aking aparador. Kinuha ko iyong mga gusto kong ipakita kay sir. Nang makuha ko ito ay mabilis akong bumalik sa kinauupuan nya at tinabihan sya.
BINABASA MO ANG
Slice ng Life
RomanceLahat ng tao naghahanap ng love. Lahat gustong sumaya. Whether you're rich or poor, everyone needs love. Pero bakit hindi lahat nakakahanap nung love na gusto nila? Yung iba hanggang tingin nalang sa love ng iba. And sometimes when you finally get i...