Pang-labing Walong Slice

426 25 4
                                    

Richard's POV:

"Wala parang malungkot lang ako." Sabi ko kay Rina na ngayon ay kausap ko sa cell phone dito sa labas ng kuwarto namin ni tatay. Hindi kasi ako makatulog.

"Kantahan kita..." At kinantahan niya nga ako. Sabi niya iyon daw iyung ipanglalaban nya sa contest sa foundation day namin sa school.

"Sabi ko sa iyo eh. Panalo ka na talaga. Ganda ng boses." Masayang bati ko sa kanya.

Matapos ang ilan pang mga minuto ay tinigil na namin ang tawag. Wala kaming pasok ng isang linggo, sem-break kasi. Pero ako, trabaho ako dito sa mansion. Pero may nagbago. Nagbubuklat na ako ng libro para magbasa basa para sa pasukan.

Simula nuong unang mag-usap kami ni sir Jet, ilang gabi na rin ang nakalipas, ay talagang sineryoso ko iyong naramdaman kong parang gusto kong galingan sa pag-aaral. Sa totoo nga niyan eh, parang nagaambisyon pa akong magka award sa graduation. Hindi ko nga lang sigurado kung makakakuha. Pero iba talaga eh, naging ganado ako. Ang isa pang napansin ko ay para bang nag-iisip na ako matapos ang high school sa kung anong gusto kong maging. Di ko iniisip iyan dati pero parang sa mga kuwentuhan namin ni sir eh napapa sagi sa isip ko na mangarap.

"Sabi ni sir magaling daw ako at talented. Talented. Talented. Hehehe."

Hindi ako sigurado kung makakapag kolehiyo ako pero wala naman sigurong masama kung isip-isipin ko rin. Inaalala ko kasi si tatay. Ayoko na sana siyang magtrabaho pa matapos akong mag high school. Pero para ngang nagsimula na akong tumingin sa hinaharap ko.

"Malay natin." - buntong hininga ako.

Nitong nagdaang mga gabi ay madalas ko nang nakikita si sir Jet. Nakakatuwa nga eh kasi kinakausap na niya ko. Ako ang lumalapit sa kanya, madalas kasing nakaupo lang mag-isa sa hardin o di kaya'y lumalangoy. Sobrang saya ko nga na natutuwa siya sa akin. Sabi niya napapatawa ko raw sya sa mga kuwento at banat ko. Totoo naman, minsan nga pulang pula sya sa katatawa, naluluha pa.

Madalas ko syang kuwentuhan nung mga nangyayari at kalokohan namin ng tropa ko sa iskwela. Sabi nya pa nga mukhang ang saya saya daw sa public school. Pag nakikita ko naman siyang tuwang tuwa eh ang gaan ng pakiramdam ko. Ang saya niyang pasayahin. At parang sa sarili ko rin, natutuwa ako na nagkaka silbi ako sa idol ko, kahit patawanin lang sya.

"Hayyy." Malalim kong buntong hininga. Naisip ko ulit kasi iyong nangyari kanina. Iyong dahilan kung bakit ako nanlulumo. Muntik ko na palang mapatay si sir. "Tsk! Bobo mo!"

Hindi ko talaga alam na bawal pala sa kanya iyong nilagay nuong isang katulong sa kakainin sana nila ng mga kaibigan niya. Katangahan ko rin naman, kasi ang sabi ko lang eh kung puwedeng gumawa siya ng miryenda. Di ko sinabi kung para kanino.

Sobrang galit nga sa akin nuong babaeng kasama ni sir eh. Halos gusto akong ibaon sa lupa nung sinisigawan nya ko. Di ko siya masisi, kahit ako naman kung nasa lugar niya eh magagalit din ng todo, buhay yun eh.

Ako naman, talagang hiyang hiya at talagang guilty na guilty. Galit na galit din ako sa sarili ko. Naisip ko rin na baka palayasin na kami ni tatay dito kung malaman nila sir Toni iyong nangyari. Pero di na nabanggit pa iyon, wala rin yung mga magulang ni sir Jet. At kinonswelo naman ni sir iyong pakiramdam ko, sabi nga niya huwag ko daw sisihin ang sarili ko. Nakakatuwa nga eh, pinapa ngiti niya pa ko kanina.

"Hahahaha. Si sir talaga." At di ko mapigilang ngumiti. Tinignan ko ang sarili ko sa cell phone ko at nilakihan pa ang ngiti ko. Sabi kasi sa akin ni sir, cute daw yung dimple ko.

"Cute ko talaga. Hahahahaha." Sa mga ganoong pagkakataon eh di ko maiwasan na talagang pakiramdamang magkaibigan na kami ni sir. Na para bang ang tagal na naming magkakilala. Pero ibinabalik ko pa rin sa isip ko iyong katotohanan na amo ko sya at marahil ay natutuwa lang talaga sya sa akin.

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon