Pang-tatlumpu't Pitong Slice

491 30 19
                                        

Richard's POV:

Si sir Jet, nakatayo sa bungad ng isang pasilyo na mukhanag palabas nitong pool area. Nakasandal lang ang likod nya sa pader at tahimik na nakatingin sa sahig.

"Where have you been?" Unang banggit nya nang makalapit ako.

Napakamot ako ng ulo habang nangingiti, "Nag CR lang sir. Sensya na sir, natagalan ka yata."

Ngumiti sya, "That's fine. Let's eat."

Talagang pinilit kong umakto nang normal at maayos sa harapan ni sir. Kumalma naman na ako mula sa nakakapanginig ng laman na tagpo kanina sa steam room. Pero kahit ayos na ako, kung minan eh sumasagi muli sa isip ko iyong nangyari at talagang kumukulo ang dugo ko.

Dumaan kami ni sir sa isang pasilyo at natunton namin ang isang restaurant dito sa loob mismo ng water spa. Pagpasok dito ay may waiter na nag-abot sa amin ng bath robe. Sinuot agad namin ang mga ito, at pumwesto na kami sa isang mesa.

"What do you want?" Sabi ni sir habang tinatanggal nya iyong cap sa ulo nya.

Tinanggal ko na rin iyong cap na suot ko at sumagot kay sir, "Kayo na bahala sir."

Tinawag ni sir Jet iyong waiter at umorder na sya. Ako naman ay inililibot ang aking paningin sa paligid. Tinitignan ko kasi kung nandito iyong baliw na manyakis kaninang sinuntok ko. Sa isip ko, "Subukan mo lang magpakita sakin hayop ka..." Muling nagbabalik iyong inis ko. Mabuti nalang din at wala ang lokong iyon dito.

"You had fun?" Tanong ni sir nang nakangiti.

"Oo naman sir. Nakaka relax nga dito." Kung tutuosin naman talaga eh na relax ako sa mga ginawa namin ni sir. Kung hindi nga lang dumating iyong gagong manyak na iyon ay sobrang okay na nitong araw namin dito. Ang lakas nyang makasira ng araw.

Sa pag-iisip ay naiinis nanaman ako. Kaya para maiba ang laman ng isip ko ay tumingin nalang ako kay sir. Lalong naging maaliwalas ang mukha nya. Talaga sigurong na relax sya dito. Isa pa, di maalis sa mukha nya ang napakaganda nyang ngiti. Kung may pampalubag ng loob akong natanggap sa kabila ng nangyari kanina, iyon ay ang makita ang ngiti ni sir Jet. Kahit iyan nalang eh, siguradong tanggal lahat ng stress sa katawan ko.

"Kayo sir? Enjoy ba?" - ako.

Ngumiti syang lalo, "So much. I feel much lighter."

Dumating ang aming order at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay nagtanong ako, "Sir, madalas ba kayo dito?"

Tapos nyang lumunok ay nagpunas sya ng bibig at tumingin sa akin, "Not really. Third time ko lang yata dito."

"Mag-isa lang kayong pumupunta sir?"

Sabi ni sir, "No." "My friends were with me then." Uminom sya ng tubig bago nagpatuloy,  "I won't go here alone."

Sa loob ko ay para bang nakahinga ako ng maluwag. Dahil doon sa nangyari kanina eh naisip ko na delikado si sir kung mag-isa lang syang pupunta dito. Sigurado kasi akong magiging punterya sya ng mga hayok sa paligid. Si sir pa naman eh iyong tipong walang pakialam sa mga tao at nangyayari sa paligid nya. Naisip ko nga, "Kahit siguro halos kainin na nila si sir sa tingin eh hindi nya mamamalayan iyon."

"Sir...kung babalik kayo dito, lagi kayong magsama ha. Kahit ako, lagi ko kayong sasamahan." - ako.

Nginitian ako ni sir, "Seems like you really enjoyed it."

Alam ko na ang parang naging dating ng aking sinabi eh, "Isama nya uli ako para mag-enjoy". Malayo iyon sa aking tunay na intensyon pero mabuti nang nasabi ko. Ang sa aking lang, basta masabi ko na kailangang lagi syang may kasama dito. Ayoko kasing maisip ang mga maaaring mangyari kung mag-isa sya. Lalo pa at alam ko na ngayon na may mga demonyong umaaligid dito.

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon