Richard's POVPinatay ko na ang alarm ng cellphone ko at tumayo na. Nag-inat ako ng kaunti at humikab.
"Sige na nak at maligo ka na. Matapos mo ay tumuloy ka na duon sa mesa sa likod at ng makakin ka na." Sabi ni tatay na mukhang kanina pa yata gising.
Naligo na ako at isinuot ko na iyong aking uniform. Unang beses kong babyahe mula dito sa mansion papuntang school namin kaya medyo inagahan ko rin ang gising. Gusto ko kasing matantya yung oras ng pagbyahe ko.
Pagdating ko sa mesa ay nanduon na rin yung mga kuyang kasama namin dito sa quarters ng mga lalaking kasambahay. Parang mga bagong gising pa nga lang dahil parang maga pa yung mga mata nila at medyo wala ring imik.
Kumain lang kami at matapos nuon ay nag prisinta na rin akong ako na iyung maglinis ng pinagkainan namin. Nakakahiya rin naman kasi, dahil papasok ako at hapon na ang balik ko para makatulong dito.
Pa alis na sana ako ng tawagin ako ni tatay.
"Nak, halika muna rito." Anyaya nya sakin at bumalik naman ako sa kinaroroonan nya.
Binunot ni tatay ang pitaka nya mula sa bulsa nya at naglabas ng limang daang piso. "Baon mo anak." At inaabot nya yung pera.
"Tay, wag na ho. Di pa naman naubos iyung huling bigay ninyo. At ang laki ho nyan tay eh, di ho ba isang daan lang naman ang baon ko sa isang araw." Pagtanggi ko.
Kinuha ni tatay iyung kamay ko at inilagay nya duon iyung pera. "Anak, pa birthday ko na rin yan sayo. Isa pa, medyo malayo itong panggagalingan mo kaya pangdagdag na rin yan sa pamasahe mo nak. Hayaan mo na si tatay mo ha, minsan lang naman. Sige na mag-ingat ka."
Wala na akong nagawa pa kung hindi tanggapin yung pera. Talagang napaka suwerte ko dito kay tatay. Napaka bait na ama nya sa akin. Kahit kailan di yan nagkulang. Kaya naman mahal na mahal ko sya.
"Salamat dito tay." Tumalikod na ako at naglakad na nang pa alis pero napabalik ang tingin ko kay tatay. "Tay, huwag kang paka pagod!" Nakita kong napangiti lang sya at tumungo. Lumingon na uli ako at pumunta na dun sa gate ng mansion.
Nung lumabas ako sa gate ay ibang guardiya yung nakita ko. Hindi yung si mang Caloy. Sabi nya sa akin ay ka relyebo daw sya ruon ni mang Caloy at naghabilin naman daw si mang Caloy na pumapasok ako kaya labas masok ako sa umaga't hapon.
Habang naglalakad ako dito sa subdivision papunta duon sa main gate eh naalala ko nanaman yung nakita ko kagabi, nuong umuulan. "Namalikmata lang kaya ako nuon? Baka naman nananaginip lang ako. Pero hindi eh, nakita ko talaga. Nakaupo sya dun sa pool at nakapayong sa gitna nung mala delubyong ulan." Pag-kausap ko sa aking sarili.
Hindi naman ako nahirapang makasakay duon sa may labas nung subdivision. Pero naisip ko na sa haba rin ng lalakarin mula sa mansion hanggang duon sa sakayan eh mapapa exercise talaga ako. Buti nalang at wala akong anghit dahil medyo pagpapawisan ka talaga. Isa pa di pa naman sumisikat ang araw ng mataas nuon kaya ayos na rin.
Pagdating ko dito sa school namin ay napagtanto ko na na tama lang yung oras ng pagbangon ko para umabot ako dito sa oras. Umakyat na ako sa room namin dahil malapit na rin mag bell.
"O eto na pala si Richard eh." Bungad sakin ni TJ na kaklase ko na nakaupo sa armchair nya at yung paa naman nya'y nanduon sa upuan nya.
"Kamusta ba." Pagbati ko sa kanya sabay alog nung upan nya. Medyo na out of balance sya at napakapit ng husto dun sa upuan. Minura nya ko at tinawanan ko lang sya. Katabi ko sya sa upuan kaya nilapag ko na yung gamit ko sa puwesto ko.
Bigla namang lumapit sa amin ang isa ko pang kaibigan na si Ryan at biglang nagsabing, "Gago, buhay ka pa? Akala ko nalunod ka na sa baha." Nakangisi pa nyang bigkas.
BINABASA MO ANG
Slice ng Life
RomanceLahat ng tao naghahanap ng love. Lahat gustong sumaya. Whether you're rich or poor, everyone needs love. Pero bakit hindi lahat nakakahanap nung love na gusto nila? Yung iba hanggang tingin nalang sa love ng iba. And sometimes when you finally get i...