Pang-apat na Slice

552 30 6
                                    


Richard's POV

Nandito ako at nakasilip sa pader at nakatingin dun sa mga taong nag-uusap at naka upo dun sa napaka habang mesa dito sa dining area. Hindi ko lubos na marinig yung pinaguusapan nila pero alam ko na English sila magusap at ang sarap pakinggan. Iba yung pagsasabi nila ng english napaka ganda sa tenga, yung parang pang amerikano, yung malinaw na malinaw sa pagbigkas. Iba talaga, mas magaling pa nga sila dun sa English teacher namin sa school eh.

Habang nakikinig ay di ko namang maiwasang obserbahan sila. Para na kong chismoso nito pero di ko talagang maiwasang tignan sila. Tutal naman sila ang mga amo ko kaya mabuti na ring alam ko yung itsura nila.

Nandun sila dun sa dulo nung mesa malapit sa napaka laking bintana kung san tanaw ang pool. Sa gitna ay si sir Toni. Naka bihis pormal na si sir, naka kurbata pa at suot ang salamin nya. Pansin ko yung buhok nya, ayos na ayos tulad nung nakita namin sya kagabi. Sa tabi naman nya sa kaliwa ay isang babae na parang kaedaran ni sir. Yung alam mong may edad na pero di mukhang may asawa'at anak na. Maganda yung babae at sya nga siguro yung asawa ni sir. Tulad ni sir ay maputi rin ito at singkit, pero iba yung pagka singkit nya. Medyo bilugan naman yung sa mata pero tumulis sa gilid. Yung singkit na di singkit na singkit tulad ni sir Toni. Matangos ang ilong nya at napaka ganda rin ng kutis. Naka tali yung buhok nya na umaabot sa batok nya. Naka bihis rin ito na parang pormal. Napansin ko rin na kumikinang yung leeg nya at tenga nya, may mga alahas kasing mukha talagang mamahalin. Sya rin yung madalas na nagsasalita at laging naka ngiti.

Katabi naman nung mukhang asawa ni sir ay isa ring babae. Naka head band ito at ang buhok naman ay medyo lampas sa balikat nya. Ang puti nya, talagang parang porselana ang kutis. Yung mukha nya talagang mukhang artista. Di yung tipikal mo lang na makikita. Sobrang kinis ng mukha at ang ganda ng ilong, matangos at tama lang ang laki. Singkit din ito na bagay na bagay naman sa mukha nya. Parang naka pang tulog pa sya, yung pajamas. Sya rin ay masalita, parang yung katabi nya. Tumatawa tawa rin sya at minsay napapahalakhak pa.

Dun naman sa kanan ni sir ay lalaki. Siguro sya yung panganay na anak, na sinabi sakin ni tatay. Ang laking tao. Naka upo sya pero halata mong mataas at ang laki ng katawan. Naka bihis pormal rin to parang si sir Toni, naka kurbata din. Malaking bulas ba. Malinis yung gupit nya, parang sa akin rin. Maputi rin ang isang to kaso yung kilay nya medyo magkasalubong. Yung mukhang galit kahit di naman. Yung mata nya gaya dun sa mama nya siguro yun, yung di masyadong kasingkitan pero alam mong chinoy parin. Makinis rin ang mukha nya at matangos ang ilong. Di naman sya masyadong nagsasalita at pa ngiti ngiti lang dun sa dalawang kaharap nya.

Yung katabi naman nung lalaki ay lalaki rin. Halata mong sya yung pinaka bata sa kanila. Medyo mahaba yung buhok nya, yung di papayagan sa skul at talagang tatabasin ng teacher mo. Pansin kong matangkad sya kahit naka upo. Di naman sya payat na payat, parang tamang laman lang para sa tangkad nya. Malayo dun sa katabi nyang talagang ang laki ng katawan. Yung taong ito, napansin ko na sa kanilang lahat sya ang pinaka maputi. Parang nakakasilaw nga sa puti sa totoo lang. Napaisip tuloy ako kung naaarawan pa ang isang to. Naka uniform sya nun na pang school kaya nakasiguro ako na sya yung bunsong anak. Yung mukha nya talagang ubod ng kinis. Parang di na nga mukha ng lalaki, ang kinis at ang linis. Yung mata nya parang pinag halo nung sa papa at mama nya, yung singkit na tama lang, hindi sobra at maganda ang korte. Ang ganda ng hubog ng ilong at ang pula nung labi. Inisip ko nga kung nag lipstick ba yun, o dahil kasi sobrang puti lang ng mukha nya. Tahimik lang sya at ngumingiti ngiti rin pa minsan.

Ang isa pang napansin ko sa kanila ay talagang sopistikado silang gumalaw. Yung pagkain nila iba sa pagkain namin. Para bang pinong pino yung mga galaw nila. At ang aayos umupo, tuwid na tuwid. Talagang kakaiba ang mga mayayaman, naisip ko. Alam na alam mo yung pagkakaiba nyo sa kilos pa lamang.

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon