Pang-dalawampu't Siyam na Slice

502 29 20
                                    

Richard's POV:

Hindi pa sumisilip ang araw sa kalangitan nang umalis ako, si kuya Mando at kuya Miguel sa mansion upang magtungo sa gaganapan ng kasal ni ma'am Ruth. Ang lugar na ito ay isang engrande at eksklusibong hotel. Dito gagawin ang kasal pati na rin ang reception.

Pagpasok ko sa lugar kung saan gagawin iyong kasal ay mayroon nang mga taong abala sa pag-aayos doon. May mga binayaran kasi sila para lang mismo sa pag-aasikaso nitong kasal kaya hindi ko rin alam kung ano ang maitutulong namin dito.

Ang lawak nitong lugar. Nakaayos na ang mga upuan at may parang entablado din. Ang paligid ay may mga palamuti at pagkarami-raming bulaklak. Sinabi nga sa akin ni kuya Mando na libo daw ang halaga ng bawat bugkos nito.

May mga tela na sinasabit kasabay ng mga kung anong kinakabit sa mga dingding. Napansin ko sa mga pader na mayrong mga pulang bilog na parang ilaw o lampara na patuloy na sinasabit ng mga tao. Nagpapaskil rin sa paligid ng mga kataga na nakasulat sa Chinese. Sa isip ko ay, "Siguro ganito ang tradisyon nila sa kasal."

Kung ano anong paggawa ang inatupag naming mga galing sa mansion. Minsan ay magbuhat ng kung ano, magkabit ng mga kung ano at magtakbo takbo kung saan para sa mga bagay na kinakailangan nuong mga punong abala dito.

Ilang oras ang lumipas at natapos na ang lahat. Marami kasi talaga iyong mga naka toka dito kaya di rin kami nahirapan nang gaano. Handa na ang lahat at hihintayin nalang ang ikakasal pati mga bisista nila.

Nagtanghalian kaming sama sama sa isang lugar duon mismo sa hotel na iyon. Ang saya nga dahil lahat ay nagtatawanan at nagkukwentuhan. Parang ang tagal na naming kakilala ang mga gumagawa dito eh samantalang ngayon lang namin sila nakita.

Matapos ang tanghalian ay nagpaalam na sina kuya Mando at Miguel na babalik daw ng mansion. Baka daw kasi kailanganin naman sila doon. Malapit na kasing magsimula ang kasal.

Ako naman ay nagtungo sa banyo. Naghilamos ako, nagpunas ng pawis at nagpunas na rin ng katawan. Gusto ko nga sanang maligo pero di ko naman magagawa iyon dito kaya nakuntento nalang ako sa pagpunas.

"Di naman ako mabaho. Ayos na ito."

Daladala ko iyong biniling damit at sapatos sa akin ni sir Jet at dito ko na balak magpalit. Nang ilabas ko ang mga ito ay di ko maiwasang mangiti. May kung anong ligaya akong naramdaman nang maalala ko ang mga nangyari noong binibili pa namin ang mga ito. Pagkasuot ko sa lahat ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Ayos. Pogi na."

Binasa ko ang aking kamay at inayos ayos ang aking buhok.

"Hey handsome." Sabay kindat ko sa sarili ko. "Naks!"

Lumabas ako at tinungo ang malaking bulwagan na gaganapan nuong kasal. Mayroon nang mga bisitang naghihintay sa labas nuong mismong darausan ng seremonyas. Narito lang muna sa may labas ang lahat dahil para kasing may pader na pansamantalang hinarang doon.

"Mukhang mayayaman, ang gagara ng suot."

Karamihan sa mga lalaki ay naka suit din gaya ko at may mangilan na naka barong. Lahat nagkukwentuhan, nagkakamustahan at nagtatawanan.

Sa paglipas lang ng ilang oras ay dumami na ang mga bisita dito. Ngayon nga ay may mga waiter na lumilibot para magalok ng mga inumin at kung anong mga maliliit na pagkain. Maging ako na nananahimik sa isang sulok ay inalok ng isang waiter. Ang nakakatuwa pa ay tinawag nya akong sir.

"Sir, may I interest you to some refreshments?" Sabi sa akin nuong waiter na may dalang tray na may mga kung anong inumin.

Umiral ang pagkapilyo ko sa sitwasyon, "Ohh yes...uhmm..you know. I want juice." Ako man ay natatawa nuong banggitin ko iyan.

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon