Pang-dalawampu't Walong Slice

460 35 18
                                    

Richard's POV:

Tuwing araw ng biyernes ay halos hanggang ala-sais na ng gabi ang tapos ng aking huling klase. Kaya naman paglabas ko ng class room ay sinalubong ako ng papadilim nang langit.

Matapos magpaalam sa aking mga kaklase ay tinungo ko iyong waiting shed dito sa aming building. Hindi ako dito nag-aabang ng masasakyan pero sa gabing ito, dito ako maghihintay. Sinabi kasi ni sir na dadaanan nya daw ako matapos ang klase ko.

Sinabi ko kasi kay sir na sa gaganaping kasal ng kapatid nyang si ma'am Ruth bukas, ay pupunta lang ako doon sa paggaganapan para lamang tumulong. Hindi ko naman kasi talagang balak pumunta at manatili sa mismong kasal. Sa totoo lang ay wala naman akong lugar doon. Pero sabi nya ay pumunta daw ako at sya na ang bahala sa lahat. Nahihiya nga ako pero mas nakakahiya naman syang tanggihan.

Sa paghihintay ay naupo na muna ako dito sa bakal na upuan sa shed. Tinitignan ko ang mga estudyanteng nag-uuwian na rin. Lahat mukhang masaya at natapos na ang mga klase nila. Hindi ko naman maikakaila na masaya ako na inaya ako ni sir na lumabas ngayon at inanyanyahan nya pa ako sa kasal ng ate nya. Di ko maiwasang isipin na talagang parang kaibigan na rin ang turing sa akin ni sir, malapit na kaibigan.

"Nakakataba ng puso." Ngiting sambit ko.

Pero napapaisip din ako sa kung sino ba naman ako para kaibiganin nya. Malamang sa malamang ay natutuwa lang sya sa akin, sabi nga nya ay nakakatawa raw ako. Kaya di ko rin maiwasang makaramdam ng hiya kay sir. Pero kung titimbangin ko, mas nangingibabaw iyong saya at pagkasabik.

"BEEP!"

Pagkarinig ko ng busina ay napalingon agad ako sa kung saan iyon nanggaling. At iyon nga, andito na iyong malaking sasakyan ni sir Jet. Binaba pa ni kuya Alex iyong bintana nya para kawayan ako. Agad akong lumapit at sumakay na sa harapan.

"Good evening sir, kuya Alex." Bati ko sa kanila. Tinanguhan at nginitian naman ako ni kuya Alex habang abala sa pagmamaneho.

"Did you wait for long?" Tanong sa akin ni sir. Nilingon ko sya at nakatingin lang sya sa bintana nya.

Sa pagkakalingon ko ay sinagot ko sya, "Hindi naman sir. Sakto lang din kayo."

Ibinalik ko sa pagkakaayos ang aking upo at tumingin nalang din sa aking binatana. Madilim na at nababalot na ng ilaw ang paligid. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at nahihiya naman akong magtanong kaya tahimik lang ako, pero sa loob ko ay masaya at excited ako.

Ilang minuto lang ang lumipas sa pagmamaneho, at kami ay pumasok sa parking area ng isang malaki at napaka modernong mall. Ngayon ko lang ito nakita at napuntahan.

"Kuya Alex, sasama ka ba?" Tanong ni sir.

Nilingon sya ni kuya Alex, "Sir dito nalang ho ako sa driver's lounge. Manonood ako ng TV sir."

Bumaba kami ni sir Jet sa kanyang sasakyan pero bago pa kami tuluyang pumasok sa loob ay lumapit sya sa nakabukas na bintana ni kuya Alex.

"Kuya, for your dinner." Nag-abot si sir kay kuya Alex ng nakatuping pera na di ko alam kung magkano, pero sa kulay ay mukhang libo. Nahihiya naman itong tinanggap ni kuya Alex.

"Let's go." Sabi nya sa akin.

Pagpasok namin sa mall ay namangha at ikinagulat ko ang lugar. Ibang-iba ito sa mall na lagi kong pinapasyalan. Maliwanag, maluwag, malinis at napaka laki. Ang daming tindahan ng kung ano-ano at mukhang mamahalin ang mga ito. Talagang inililibot ko ang aking paningin sa kapaligiran nitong mall na ito. Napaka moderno, ang ganda ng designs.

"Wow sir. Ang ganda dito." - ako.

Nginitian ako ni sir habang naglalakad sa tabi ko, "Yeah. Bago lang to. First time ko rin."

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon