Richard's POV:
Lunes nanaman, simula ng panibagong linggo. Tulad ng aking madalas na gawain sa umaga, abala ako ngayon sa pagluluto. Hinahanda ko ang magiging agahan namin ni sir Jet.
Isa sa mga paborito ni sir sa agahan ay itong piniprito kong scrambled eggs na nilagyan ng kamatis. Nuong una'y sya lang ang kumakain nito. Di naman sa ayaw ko ng kamatis, marahil ay di lang ako sanay na ihalo ito sa itlog. Ang gusto ko kasi ay iyong simpleng scrambled o pritong itlog lang. Pero kinalaunan ay nakasanayan ko na rin itong kainin tuwing umaga.
"Minsan nga, hinahanap hanap ko pa."
Inilalatag ko sa mesa ang mga kakainin namin ngayong umaga nang biglang tumawag si sir.
"Richard.......!" "Richard....!" Sigaw nya mula sa itaas.
Isinantabi ko na muna ang agahan at dali-daling inakyat ang second floor. Pagdating ko rito ay bukas ang pintuan ng kuwarto ni sir kaya minabuti ko nang pumasok. Inilibot ko ang aking mga mata pero wala si sir Jet.
"Richard?" "Are you there?"
Nang muli syang magsalita ay natunton ko na ang pinanggagalingan ng boses ni sir. Lumapit ako sa pintuan ng kanyang banyo at kumatok, "Sir may kailangan kayo?"
"Richard, yung uniform ko please. I forgot to bring it in," sabi ni sir mula sa loob.
"Sige sir," sagot ko sa kanya.
Agad akong nagtungo duon sa closet area ni sir. Sa isa sa mga aparador ay mabilis kong hinablot ang nakahanger nyang uniporme at nagbalik sa pintuan ng banyo.
Marahan akong kumatok, "Sir, heto na po."
"Bring it here. Open yang door."
Sabay ng pananalita ni sir ay biglang nagbago ang tibok ng puso ko.
"🎶LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB....🎶"
Lumakas bigla ang kabog ng aking dibdib. Tila ba hindi ako mapakali. Umiinit ang aking mukha at parang pumipintig ang mga ugat ko sa ulo.
"Nak ng! Heto nanaman..." - sigaw ng isip ko.
"🎶LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB....🎶" Habang nag-iisp ay lalong bumibilis ang tibok ng aking puso.
"TSK! Bakit kasi?"
Napalunok ako sa aking kinatatayuan, pinipilit kong alamin ang dahilan ng ganito kong pakiramdam. Tinanong ko sa aking sarili kung dahil ba ito sa papasok ako sa banyo at baka makita ko ang katawan ni sir?
"Gago! Anong katarantaduhan yang iniisip mo Chard?"
"🎶LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB....🎶"
"Eh bakit nga? Takte naman oh..."
Minuto rin siguro akong nakikipagtalo sa aking isip at nadarama bago muling tumawag si sir mula sa banyo,
"Richard?"
Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko sya. Bigla akong nahimasmasan. Buti nalang, dahil nawaglit na nga sa akin kung bakit ba ako nasa labas ng banyo ni sir Jet. Mukha lang akong tangang na estatwa dito sa aking kinatatayuan.
Binuksan ko ang pintuan at isinilip ang aking ulo sa loob. Maluwag at napakalinis ng banyo ni sir, syempre panay ang punas ko dito. May malaking bath tub, lababo, toilet at shower area dito sa loob. At doon nga sa shower area, nakita ko si sir Jet. Glass ang harang at pinto ng shower area, kahit hindi malinaw ay aninag ko ang hubad na katawan ni sir sa likod ng salamin.
"🎶LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB LUB DUB....🎶"
Nagbalik ang kabog ng dibdib ko, lalo pang lumakas.
BINABASA MO ANG
Slice ng Life
RomanceLahat ng tao naghahanap ng love. Lahat gustong sumaya. Whether you're rich or poor, everyone needs love. Pero bakit hindi lahat nakakahanap nung love na gusto nila? Yung iba hanggang tingin nalang sa love ng iba. And sometimes when you finally get i...