Pang-labing Isang Slice

418 29 9
                                        

Richard's POV:

Talaga namang kay bilis ng panahon. At sa mga nagdaang araw ay parang naging paulit ulit lang ang mga pangyayari sa aking buhay. Iskwela, balik sa mansion para kumatulong, at kung minsa'y lumalabas din para naman gumala lalo na pag linggo. Biruin mo, halos buwan na rin ako sa ganitong sistema. Yung mga amo ko, dumalang ko nanamang makita. Sila sir David, maam Ruth at sir Jet, parang di ko nanaman maramdaman. Sa minsang makikita ko sila eh dadaanan lang ako o di kaya'y ngingitian lang.

Araw ng linggo at narito ako sa labas, sa isang park, kasama si Rina. Nakaupo lang kami sa lilim ng mga puno.

"Sarap ba?" Tanong ko sa kanya habang kumakain ng ice cream na binili namin.

"Oo naman. O tikman mo rin." Nilapit nya yung ice cream sa bibig ko at tinikman ko na rin.

"Ayos. Sarap nga!" Sabi ko ng buong pag ngiti.

Tumingin lang sa akin si Rina at naka ngiti.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko.

Bigla naman niyang inilapit ang mukha nya at hinalikan ako sa pisngi. "Na miss lang kita." Sabi nya.

Sobrang ikinatuwa ko naman ang ginawa nyang iyon kaya't niyakap ko sya at hinalikan ko sa kanyang noo, "Ako rin na miss kita."

Pag balik niya sa kanyang puwesto ay nagsabi sya, "Richard, di ka ba nahihirapan dyan sa sitwasyon mo? Para kasing masyadong mahigpit yung oras mo?"

"Hmmm hindi naman gaano. Medyo nakasanayan ko na rin. Isa pa Rina, wala rin naman akong magagawa. Kailangan eh, si tatay kasi tumatanda na rin yun." Ika ko sa kanya.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso, "Ang tanong Rina eh, ayos lang ba sa iyo. Iyong ganito tayo, parang limitado din sa oras para sa isat-isa."

Lumingon sa akin si Rina at hinawakan ang dalawa kong kamay, "Naiintindihan ko Chard. Ayos lang."

Sa sinabi nyang iyon ay hinalikan ko ang mga kamay nya at nagsabing, "Salamat."

Isang hapon, matapos ang aking gawain sa garahe ay nagligpit ako ng gamit sa kuwarto namin ni tatay. Habang nagliligpit ako ay nakita ko iyung gitara kong naitabi ko pala sa ilalim ng kama. Hilig ko ang pag gigitara, natutunan ko kay tatay. Kaya naman naisipan kong kuhanin ito sa kanyang lalagyanan.

Lumabas ako sa kuwarto at nagtungo sa gilid ng pool at duon ay naupo. Wala namang tao at tapos na ako sa gawain kaya marahil ay okay lang. Nangapa ngapa ako ng konting tunog sa aking gitara na para bang humahanap ng tyempo. Hanggang sa naisip ko na iyung gusto kong tugtugin. Yung unang tinuro sa akin ni tatay sa gitara. Sinimulan ko na ang pag gigitara sa tugtog ng "Kahit Maputi na ang Buhok ko."

Habang ako ay dalang dala sa pag gigitara ay laking gulat ko naman ng may biglang ulong lumutang mula sa tubig ng pool.

"HUWAA!!!" Gulat ko at napatigil ako sa pag tugtog.

"Bakit ka tumigil? Tuloy mo." Si sir Jet. Nakatingin lang sa langit habang yung ulo nya lang yung nakalutang sa pool.

Medyo umayos naman ako ng pagkakaupo at hinimas ko ang aking kaliwang dibdib. Tinignan ko sya at di sya umaalis sa puwesto nya, nakatingin lang talaga sa langit. Inayos ko naman ang hawak sa gitara at nagsimula na uling tumugtog.

Habang tumutugtog ako ay di ko talaga maiwasang magawi ang tingin ko kay sir. Para bang ang lalaim ng iniisip nya o masyadong dinadama yung pag tugtog ko. Pano kasi di talaga sya nag-iiba ng puwesto. Nakatingala lang. Nang matapos ko ang pagtugtog ay sya namang pag-ahon ni sir mula sa tubig at bumalik na sa loob ng bahay. Naiwan lang akong nakaupo sa puwesto ko at napasabing, "Ano yun?"

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon