Richard's POV
Ang bilis din talaga ng mga araw. Biruin mo sabado na ngayon, halos mag-iisang linggo na pala ako dito sa mansion. At halos magiisang linggo ko na ring pinagsasabay ang iskwela at trabaho. Sa katunayan nga eh parang nakahanap na ko ng sarili kong mga diskarte at schedule ng mga dapat kong gawin. Medyo kaunting alalay nalang sa mga bagay bagay ang binibigay sa akin ni tatay at nung iba ko pang mga kasama rito.
Nakilala ko na rin tong mga kuya na kasama namin sa quarters ni tatay. Yung mga driver at bantay ng mga amo namin. Si mang Ben at mang Gary yung naka toka kila sir Toni at sa asawa nya. Si Kuya Mando naman kay sir David, yung panganay na anak, at si Kuya Miguel kay maam Ruth. Sa kanilang lahat ang pinaka bata ay si kuya Alex at parang bumagay naman sa natoka sa kanya, dahil duon sya sa bunso, si sir Jet.
Masarap kasama itong mga kuyang ito, mga pala biro. Lagi pang handang tumulong sa akin kung kinakailangan at nangangapa ako. Sa mga babaeng kasambahay naman eh si Jennie at manang Alice lang ang kilala kong talaga. Bihira naman kaming pumasok sa loob nung pinaka bahay kung saan naman nandun karamihan gumagawa yung mga babae.
Kinagabihan na at nag-aayos na kami ni tatay ng mga higaan namin. Nagsalita ang tatay ko, "Nak, linggo naman bukas. Kung gusto mo pwede kang lumabas."
Napatingin naman ako kay tatay at sumagot, "Tay akala ko ba kahit sabado o linggo eh tuloy lang tayo sa trabaho dito?"
Lumingon sa akin si tatay at naupo duon sa kama nya. "Ganuon nga talaga. Pero yung sa atin naman eh dalawa tayo. Kung gusto mong lumabas eh ayos lang at ako naman ay dito lamang."
Napaisip tuloy ako. Wala kasi talaga akong plano kinabukasan dahil nga ang alam ko eh stay-in kami. Inisip ko, saan naman kaya ako pupunta?
"Tignan natin tay. Wala kasi talaga akong plano." Sagot ko sa kanya at nahiga na ako.
Nag-iisip pa rin ako. Hanggang sa naisip ko si Rina. Ito na marahil ang pagkakataon na makalabas naman kami at makabawi ako sa kanya kahit papano. Puro nalang kasi sa vacant lang kami nagkakasama. Kaya naman tinext ko sya:
Ako: Rina, libre ka bukas?
Rina: Oo Chard, bkit?
Ako: Libre din kasi pala ako eh. Labas tayo?
Rina: Wala kang trabaho? Sige kung ayos sayo.
Ako: Wala. Sunduin kita sa inyo, umaga. Kita tayo bukas. Love you. Sweet dreams.
Rina: Sige. See you. Luv u so much. Tulog na ikaw.
Naisip ko rin na pagkatapos namin ni Rina ay baka puwedeng sumaglit ako sa amin at madalaw rin si tita. Malapit lang naman sila Rina sa amin. Sumagi rin sa isip ko na baka makalaro din ako ng basketball. Ang dami ko lang gustong gawin ngayong nalaman kong pwede pala akong lumabas kinabukasan.
Kinaumagahan, nagpaalam na ako kay tatay at tinungo na nga ang bahay nila Rina. Pagdating ko sa kanila ay pinagpaalam ko naman sya duon sa nanay nya. Alam naman ng pamilya ni Rina na magkasintahan kami, pero madalang ko talaga silang makasalamuha. Tiwala sila sakin, mukha naman daw akong responsableng tao.
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko kay Rina. Ngayong tinignan ko sya, napansin kong bihis na bihis sya. Naka bistida. Talagang pinaghandaan nya tong lakad namin. Ikinagalak ko naman iyon dahil nga sa dumalang na pagkakataon para sa amin.
"Bawal yung kahit saan." Pinangunahan ko na sya ng nakangiti sa kanya. Tumawa naman sya at inayos yung mahaba nyang buhok sa may tenga nya.
"Dyan nalang sa malapit na mall. Kain tayo." Nginitian nya rin ako.
Kitang kita ko na masaya itong si Rina. Minsan nga napapaisip ako na, tignan mo nga naman, kakatukso sa amin eh naging kami rin. Masaya ako kay Rina at masaya rin naman sya sa akin.
BINABASA MO ANG
Slice ng Life
RomanceLahat ng tao naghahanap ng love. Lahat gustong sumaya. Whether you're rich or poor, everyone needs love. Pero bakit hindi lahat nakakahanap nung love na gusto nila? Yung iba hanggang tingin nalang sa love ng iba. And sometimes when you finally get i...