Pang-dalawampu't Isang Slice

447 29 11
                                    

Richard's POV:

"San ka sa pasko tol?" Kalabit sa akin ni Aldrin.

"Di ko nga alam eh. Siguro doon kami ni tatay sa tita ko. Sa atin lang."

Bigla naman kaming inakbayan ni Ryan mula sa likod, "Mga gago daan kayo sa amin sa pasko ha. Inuman tayo."

"Sige ba!" Sigaw ni TJ.

"Tukmol! Di ka kasama. Doon ka sa computer mo! Gago!" Patawa-tawang bulyaw sa kanya ni Ryan.

Huling araw na ng klase namen ngayon, Christmas break na kasi. Napaisip tuloy ako, "Ang bilis talaga ng mga araw. Ilang buwan na ako sa mansion. Inabutan na ako ng pasko."

Pagbalik ko sa mansion, agad akong nagtungo sa kuwarto namin ni tatay. Naabutan ko naman sya doon at nagbabasa ng dyaryo. Nang mapansin niyang nakapasok na ako sa loob ay ibinaba nya ang kanyang basahin.

"Andyan ka na pala nak."

Ibinaba ko ang gamit ko at naupo sa kama habang nagtatanggal ng uniform. "Nga pala tay. Saan pala tayo sa pasko?"

"Uwi tayo doon sa tita mo nak. Alis tayo dito ng abente-kuwatro."

Nang makabihis na ako ng pamabahay ay nagpaalam ako kay tatay, "Ahh ganun po ba. Sige tay, labas muna ako. Magwawalis ako dyan malapit sa court."

Hindi ko alam kung ano ba ang nakain ko ng hapon na iyon at para bang sipag na sipag ako sa pagbabanat ng aking buto. Kaya naman pagsapit ng gabi ay parang nanakit ang katawan ko. Maaga sana akong mahihiga pero di ko naman mapakali ang katawan ko, bawat palit ko ng posisyon eh medyo nangangalay talaga ako. Kaya naman nagpasya na akong bumangon at magpahangin sa labas.

Di pa ako nakalalayo sa tinutuluyan namin ay biglang may tumawag sa akin.

"Richard!"

Nilingon ko iyong may ari ng boses na iyon na may kasamang ngiti.

"O sir. Good evening." Bati ko kay sir Jet. "Sir puwede isa pa?"

Bigla namang kumunot ang mukha ni sir, "Huh?"

"Isa pa sir. Tawagin nyo ulit yung pangalan ko. Parang ngayon ko lang kasi narinig sa inyo. Ang sarap pakinggan, parang pang mayaman." Natatawa kong biro sa kanya. Pero sa totoo lang eh ngayon ko nga lang narinig na tawagin nya ako sa pangalan ko at iyong pagbigkas nya ay ang sarap sa tenga.

"Crazy!" Tinawanan lang din nya ko.

Naupo kami ni sir sa damo malapit sa gilid nuong sapa na may mga isda. Sabi ko nga sa upuan nalang kami at baka mangati sya, pero mas gusto nya raw sa ganoong ayos.

"Break nyo na?" Tanong sa akin ni sir habang pinagmamasdan ang mga isda.

Ako naman ay nakatingin sa kanya. "Huling klase namin kanina sir."

Ngumiti lang si sir, nakatingin pa rin sa tubig. "Anong ginagawa nyo every Christmas?"

Napatingala naman ako, "Ano ba???? Hmmm...ngayon sir, kainan lang madalas. Kainan sa bahay, sa mga kaibigan at kung ano ano ring kalokohan." Tinuloy ko lang ang kuwento, lalo na nuong bata pa ako, yung mga pag carolling sa bahay bahay at mga kalokohang karanasan namin ng mga kaibigan ko.

"Tapos nga sir, nako! Pinahabol kami sa aso. Yung kaibigan ko ayun, nasakmal sa puwet nya." - kuwento ko ng buong gana, may mga actions pa.

Tawa lang naman ng tawa si sir. Parang tuwang tuwa sya sa mga kuwento ko. Tuwing pinagmamasdan ko syang ganyan, namumula sa katatawa, ewan pero napaka saya ko rin. Huminto na si sir sa pagtawa at ako naman ay tumingin na rin sa mga isda.

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon