Pang-apatnapu't Isang Slice

441 29 16
                                        

Richard's POV:

"Manang Alis salamat po nang marami." Sabi ko sa taong umalalay at humalili sa akin dito ng halos dalawang linggo.

Habang tuloy sya sa pagliligpit ng kanyang mga gamit ay tiningala nya ko, "Ano ka ba iho, wala iyon. Ang mabuti ay ayos ka na. Iingatan mo ang katawan mo. Mahirap ang magkasakit..."

Napakamot ako sa ulo habang nangingiti. Tila ba pinapangaralan ako ng aking lola. Hindi ko na naabutan ang mga lolo at lola ko sa ina o ama kaya naman parang nakakatuwa at kakaiba ang mga ganitong tagpo sa akin.

"Makinig kang maigi kay manang, Chard! Hehehe..." Patawa-tawang sabi ni kuya Alex matapos akong biglang akbayan. Sabi pa nya, "Dapat ikaw itong nag-aalaga kay sir Jet, pero ikaw pa ang inaalagaan, ano ba yan Chard?" 

Pabiro ang hirit ni kuya Alex pero sa totoo lang eh tinamaan ako. Tama nga naman na narito ako sa condo unit ni sir para maging katulong nya, upang alagaan at syempre protektahan sya pero mukhang bumaliktad pa ang sitwasyon. Sa naisip kong iyon ay di ko maaalis ang pagkadismaya at inis sa aking sarili.

"Magtigil ka nga Alex..." Saway ni manang. "Kagagaling lang nung bata sa operasyon eh. Mayroon bang may gusto ng nangyari?" Lumapit sya sa akin, "O pano iho, mauna na kami...baka kasi ma trapik pa kami sa daan at gabihin...alam mo naman, marami pa akong ihahanda pagbalik ko sa mansion." "Sabihan mo nalang si sir Jet na nauna na kami ha...magiingat kayo dito."

Hinatid ko sila sa elevator, "Ingat po kayo manang. Kuya Alex ingat sa pagmamaneho."

"Sige Chard, ingatan mo si sir." - kuya Alex.

Pagbalik ko sa loob ay muling naglaro sa aking isipan iyong sinabi ni kuya Alex. Muli kong nararamdaman iyong malaking pagkadismaya sa aking sarili. Sa isip ko, "Lakas ng loob mong magpresentang mag-alaga sa amo mo, tapos ikaw naging alagain...tsk!"

Pero, sabay ng malalim na pag-iisip na iyon ay ang pag-alala ko sa kung gaano ko nakita ang kabaitan ni sir Jet. Maliban sa sya na nga ang nakasalba ng buhay ko at nagasikaso ng operasyon ko eh  sya pa itong todo kung magalala sa akin. Mula sa paggising nya hanggang sa pagtulog eh, walang ibang tanong kundi kung may kumikirot daw ba sa akin o may kung ano akong nararamdaman at iniinda. Kahit nasa eskwela pa sya, panay ang text para mangamusta.

 "Hehehe, alagang alaga ako kay sir."

Sa mga nasaksihan at naranasan ko nitong mga nagdaang araw, hindi ko maiwasang lalong lumakas ang kung ano man itong masaya, mainit at masarap na pakiramdam ko sa kanya. Kaya nga mas lalo akong naging sigurado. At hindi lang sigurado, para bang lalo pa akong...

"Why the big smile?"

"Ano yun sir Jet?" Natigilan ako sa pagmumunimuni sa biglang pagsulpot nitong si sir na katatapos lang maligo. Sa pagbaba nya ay kumalat sa paligid iyong amoy ng shampoo at lotion ni sir, mabango at ang linis sa ilong.

"Laki ng smile mo, ano meron?" Sabi nya matapos umupo sa tabi ko dito sa sofa.

Tinignan ko sya, "Nakangiti ba ako sir? Hehehe, di ko namalayan...wala yun sir." Sa pagbaling ko ng aking mga mata sa kanya, binati ako ng napaka among mukha ni sir. Ano kaya ang ipinaligo nya at mukhang lalong gumanda at umaliwalas sa aking paningin ang mala anghel na nyang mukha. Sabayan pa ng maliit nyang ngiti, mga matang singkit na para bang tinatawag...

"Richard!!! Did manang go already? Hahaha, what' with you?"

"Ay Opo sir!" Napabalikwas ako ng ulo. "Umalis na sir...di na kayo nahintay at baka gabihin pa daw sila sa daan...

Biglang umusog papalapit sa akin si sir Jet, "Let me see."

 Akmang aangatin nya yung t-shirt ko kaya pinigilan ko iyong maputi nyang kamay at tinignan sya ng seryoso. "Sir...conservative ako."

Slice ng LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon