CHAPTER 2

390 22 1
                                    

Pasimpleng kumuha ng wet tissue si Ella mula sa kaniyang bag at tiningnan ang katabing lalaki.

Matangkad ito. Actually, hanggang leeg lang siya, pero sobra itong ma-drama. Nakasuot ito ng turtleneck na panloob na sadyang itinaas hanggang baba ang kwelyo. Pagkatapos, pinatungan nito iyon ng black jacket na may hood. Naka face mask din ito at black sunglasses.

There was not even a single feature of him exposed at all! Nagmukha tuloy itong holdaper.

On the other hand, pasimpleng hinagod din ng tingin ni Constantine ang babaeng kasabay niya. Sa tantiya niya ay nasa 5'5" ang height nito. Nakasuot ito ng yellow fishnet na long-sleeves at naka-tucked in 'yon sa napakaigsing pink balloon skirt nito. To complete her look, she wore a pair of...

'Green high heels?' Constantine didn't mean to be rude, but he ended up smirking behind his mask. The heck! Parang abstract na painting iyong babae. Wala siyang naintindihan sa nakita niya, except for the fact that she was colorful... like a peacock!

Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kaniya pero namalayan nalang niya ang sariling tinititigan ang babae. She had generous boobs which were probably cup c, a small waist he could span with his two hands, and a messy hair bun on top of her head. Maganda ito, period. Not as stunning as her colors, pero masarap sa mata.

His eyes traveled lower. Satisfied, he then casually cocked his head. 'Shapely legs, not bad.'

It was weird to him how time ticked so slowly at that moment. Ni hindi niya nga masabi kung iyong katabi niya ba ang mabagal kumilos o siya? Pakiramdam niya may kaibang nagaganap, pero hindi niya naman maintindihan kung ano.

Hindi pa sila lubusang nakakapasok sa elevator nang may limang humabol sa pagsara ng pinto. Apat na matataba; dalawang lalaki, dalawang babae, at isa pang payat na lalaki.

That was the only time Constantine felt his whole world moving again.

Iyong makulay na babae ang pumindot sa button para tuluyang magsara ang pintuan. Pagkatapos, napatingin siya sa nakasulat sa dingding na katabi mismo nito, 'seven people only'.

That gave him a bad feeling. Pito nga sila, kaso iyong apat naman na kasama nila doble ang laki.

Akmang aabutin niya na sana iyong button para lumabas nang maramdaman naman niyang humarap sa kaniya iyong babaeng gumugulo sa sistema niya.

Immediately, his arm dropped to his side, and he remained quiet. Nagustuhan niya, kasi nang inosente itong gumigit sa dibdib niya. Buti nalang mukhang ayaw nito roon sa payat na lalaking nasa unahan nila.

Again, he smirked behind his mask.

***

SHE DIDN'T LIKE HOW THE THIN GUY SMELLED.

Iyon lang ang rason ni Ella kung bakit siya napaatras at tumalikod dito. Kipkip niya ang mga folders sa dibdib nang magsimulang umandar ang sinasakyan. They were able to reach as far as the tenth floor when the ride suddenly stopped with a thud.

Surprised by the mild impact and power interruption, nasiko ng payat na lalaki ang kaniyang baywang at dumulas sa kamay niya ang mga hawak na folders.

She drew an irritated sigh before lowering herself slowly. Then, looking up, she blindly searched for the folders on the floor.

Nahirapan siya kasi siksikan at sobrang dilim sa elevator. She felt shoes. It was embarrassing and, at the same time, gross. Kaso alam niya rin na mahalaga ang dokumentong 'yon kaya hindi siya tumigil hanggang makapa niya ito.

Akmang tatayo na siya nang biglang umigkas ulit ang sinasakyan nila. Iyong payat na lalaki, napaurong sa likod niya, at naitulak siya. Nasubsob tuloy siya sa naka-mask na lalaki.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon