CHAPTER 40

195 11 2
                                    

The air inside that room was heavy. Not because it was dark, but because of the dead souls that had been lurking all over the place. Just like every other part of that dark and empty house, every corner of the dining room was screaming luxury—mula sa napakalaking chandelier na nakasabit sa napakataas na kisame, sa mga mamahaling kurbyertos na manakanaka ay gumagawa ng mahihinang kalansing, pati na rin sa mga napaka mamahal na alahas na suot ng babeng kumakain.

[Iyon ang nangyari--]

"Mierda." That curse came out low and sweet when it slipped the elegant woman's lips. Nagkaroon ng lambing iyon, kahit hindi dapat. The way she spoke was in total contradiction to how she was really feeling. Galit na galit siya, lalo pa nang idagdag niyang, "Apat na buwan ko na siyang nabili. Hindi ninyo pa rin siya maihatid?"

She stabbed the cake on her plate with her fork. Paulit-ulit niya pang dinudurog 'yon. Her knuckles were turning white with anger, but then you wouldn't hear it in her voice.

Napakabini pa rin ng boses niya nang muling murahin ang kausap. "Hostia pendejo. Kailan ninyo siya madadala?"

[Hindi ganoon kadali.] The person she was talking to sounded unsure. Pamayamaya ay desperadong bumuntong-hininga ito. [Bigyan mo pa ako ng oras para maihiwalay siya kay--]

"HIJO DE PUTA!" Doon napigtas ang pasensya ng magandang babae kasabay ng tuluyang pagkabasag ng pinggan sa kaniyang harapan. She stabbed it so hard with her fork, kaya bumaon ang hawak niya sa lamesa.

She was breathing heavily. Nagdidilim ang paningin niya. A part of her wanted to kill the man on the phone. At ang totoo, napakadali lang para sa kaniyang gawin iyon.

She was already frantic when she started turning left and right. Malikot ang mga mata niya habang hinahanap ang espesyal na teleponong ginagamit niya para tawagan ang organisasyon.

'Joder!' Gigil na siya nang sa mahablot ang maliit na aparato kasabay ng pag-angat ng tingin. Gusto na niyang ipapatay ang inutil na asset niya. Ganoon pa man, bigla siyang natigilan nang mag-angat siya ulit ng tingin at makasalubong ang malamig na mga matang nakatitig sa kaniya.

Recognizing those perfect gray eyes, her face immediately softened. Kumalma siya at binitiwan ang ikalawang telepono bago inayos ang pagkakaupo at nagsalita nang mas mahinahon. "Matagal ka nang bayad, 'di ba?"

[Hindi ko 'yon nakakalimutan--]

"Ako ang bumuo sa mukhang suot mo ngayon, tama? Pinakopya mo ang mukha niya," paalala niya sa asset bago muling ngumiti. It felt good to remind someone about what he owed her. It makes her feel like a god. "Utang mo sa akin ang ang buong buhay mo."

[Alam ko 'yon.]

She tilted her head. Nawala ang kaniyang atensyon sa kausap nang mas tumagal pa ang kanyang pagtitig sa imaheng kaharap. Then, as if completely possessed by the beauty before her, she smiled.

'Constantino. ' She breathed his name. Sa lahat ng kaniyang mga laruan ay ito ang kanyang pinakapaborito.

It was a bolted wax doll she had paid hefty for. Hindi lang ito basta simpleng manika kung hindi isang pinasadyang artikulo.

It was a masterpiece, just like the man himself. Gayang-gaya nito ang lahat sa binata—mula sa matangos na ilong, sa maninipis na mga labi, hanggang sa kaliit-liitang detalye ng mahahabang pilik-mata nito habang walang-kurap na nakatitig sa kaniya.

'Ang aking Constantino.'

Even more adoration flooded her when her eyes slowly crept the wax doll's face and settled on its moist lips. Napakalambot tingnan ng bibig ng kaniyang manika, buhay na buhay.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon