CHAPTER 18

232 17 8
                                    

"So you think showing those could save your ass?"

Pilit ang ngiting sumungaw sa mga labi ni Ella nang tumingin sa kaharap. It was a pleasant morning in GAIA's building, and everything around them was pretty.

There were birds chirping just outside the office window. The sun was mild as it shone over the metro. Pati ang hangin na tumatagos sa blinds ng bintana, sariwa rin. Kasalukyang may pictorial ang ilan sa mga piling modelo ng GAIA para sa isang clothing brand at nakabawi na rin si Constantine sa pagkakasakit nito.

Ella couldn't tell what happened that night in his penthouse, but she honestly found him hotter after that. Isang sikat na brand ng jeans ang minomodelo nito, kasama ang apat pang napili para maging endorser ng company. He was simply oozing with appeal. More so, when everyone went for their topless shots, she ended up discreetly holding her jaw closed.

She took a deep breath upon remembering how he looked sitting on that couch with the other models. Did he even know that he looked like a Greek god surrounded by poor mortals back then? Bukod kasi kay Aron na kayang makipagsabayan kay Constantine ay nagmukhang utusan ang mga katabi ng dalawa. More so, when he looked at her and gave her that lopsided grin, then the camera flashed.

'Perfect shot na naman siguro 'yon....' Napabuntong-hininga siya ulit. 'God. Ang ganda talaga ng ngiti ng loko parang ang sarap halikan—'

"Ella, uulitin ko ang tanong, ha?" Boses ni Rabago ang nagpakurap sa kaniya mula sa pagmumuni-muni. Nang ibalik niya ang atensyon dito ay halos lamutakin na nito ang sariling mukha habang nakatatingin sa dalawang bagay na inilapag niya sa lamesa. "Sa tingin mo ba maliligtas ng mga 'yan ang mga modelong naka-assign sa 'yo? You're an agent! Gaano ka kaburara para mababad sa tubig ang mga 'yan?!"

"H-Hindi, Rabago. It's just that..."

"... it's just that nasira mo iyong mismong device na ginagamit ninyo para magbantay sa mga modelo?" Bumagsak ang nakakuyom na kamao ni Rabago sa lamesa kaya napag-igtad siya.

Gusto niya sanang sabihin dito kung ano ang totoong nangyari dalawang gabi na ang nakakaraan, kaso alam niya rin naman na mawawalan lang ng saysay 'yon.

Sa ilang taong pagsisilbi niya sa AXIS ay kilalang-kilala na niya si Rabago. She was a power woman at nadama ng ilang tao sa set kanina ang bagsik ng aura nito.

Ella was helping with the photo shoot earlier nang biglang bumalibag ang pintuan. Kahit nakasuot ng corporate suit si Rabago ay nagmukha itong susugod ng boxing nang walang-sabing lapitan siya at kaladkarin palabas.

Nakita niya pa nang agad mabura ang ngiti ni Constantine habang nasa gitna ng photo shoot. Akmang tatayo ito at susundan sila nang pasimple naman siyang sumenyas rito na okay lang siya.

Funny, but something seemed to have changed after they spent a full night together. Katunayan, hindi na siya masyadong naiinis dito, at si Constantine naman, sa mismong parking lot na siya inaabangan at hindi lang sa elevator. Daig niya pa ang may private bodyguard nang makababa siya ng kaniyang motor at pumasok sa building. The brute literally remained beside her the whole time, although he was not talking much.

"Mahal mo pa ba ang kapatid mo, Ella?"

Nanuyo ang kaniyang bibig nang marinig ang malamig na boses ni Rabago. Of course, she loved Hamin. Hindi niya naman ilalagay sa alanganin ang kaniyang buhay kung hindi.

"I hope you understand that everyone is replaceable in this business. Agents come and go... minsan natatanggal at minsan naman namamatay...." Her boss tilted her head before looking back at the phone and tracker on the desk. "Kumpletuhin mo ang report mo hanggang mamayang hapon. Uutusan ko sila Macky na ihinto muna ang paghahanap sa kapatid mo hanggat hindi mo napapalitan ang mga iyan—"

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon