CHAPTER 6

286 16 0
                                    

The sun was setting as it cast shadows on Constantine's bronze skin. Nasa upper deck sila ng yate habang panay ang mando ni Terrence. Everything was set up—the props, the Jacuzzi, and even that female model who was chosen to pose with her client.

Tinikom ni Ella ang kaniyang bibig kasabay ng pag-iwas ng tingin. Then, silently, she clasped her hands above her lap and acted unaffected by how handsome the man before her was.

Iyon nga lang, parang imposible ang gusto niyang mangyari. Wala pa kasi siyang isang minutong umiiwas dito ay natagpuan na lang niya ang sariling nakatitig na naman sa binata.

'Pambihira!' Napahilamos siya ng mukha sa sobrang irita.

Ngayon pa lang siya nakakita ng lalaking katulad ni Constantine. The brute looked both divine and sinful at the same time. Sinong babae ba naman ang hindi mapapatingin sa lalaki kung napakakisig nito habang nakakababad sa bumubulang Jacuzzi at may babaeng pumapapak sa leeg nito?

Tsk! Ang sarap sapakin ng female model na kaeksena ng binata. Kanina pa nanggigil si Ella; hindi nga lang siya makapagsalita. She knew that she had to control her patience better. Modelo si Constantine, kaya normal lang dito ang mga eksenang ganito.

Ella's mind was already wandering somewhere else nang sa wakas ay sumigaw si Terrence. The photoshoot director ordered the models to exchange places, kaya saglit na huminto ang dalawa para magbago ng posisyon. Once they got the pose that the brand they were endorsing requested, unti-unting bumaba ang mukha ni Constantine sa kaparehang modelo.

Gracious! Her client was about to give the witch an open-mouth kiss!

Doon na nanlaki ang mga mata ni Ella. Hindi niya na alam ang kaniyang ginagawa nang bigla niyang damputin ang megaphone sa katabing lamesa at sumigaw nang malakas na, "Cut!"

She had no clue what made her do that. Nagulat pa siya nang nagtatakang mapatingin sa kaniyang direksyon ang lahat tao sa set.

She blinks out of her trance. Litong-lito siya nang isa-isa niyang tingnan ang mga kasama kasabay ng pag-iinit ng mukha.

She was caught in a dilemma of needing to explain her action and wanting to jump off the yacht nang tumunog naman ang kaniyang cell phone.

Bigla siyang nakahinga nang maluwag. Isang simpleng tango sa lahat ang ginawa niya bago kumaripas ng takbo palayo para tingnan ang kaniyang gadget.

***

From: 09*******

To: 09*******

CONFIRMED. TARGET. GAIA.

"Fuck!" Hindi napigil ni Ella ang mapabuga nang mabasa ang text. Although her cover-up job was to be Constantine's assistant, may tatlumpu't dalawang modelo ang GAIA at assignment niyang i-identify kung sino ang susunod na target ng gumagalang serial killer.

For the past few months, sunod-sunod ang mga nawawalang sikat na personalidad sa buong bansa. The list ranges from business people to government officials, then to people who work in the entertainment industry.

Napakarami pang kulang na datos para malutas ang kaso. For a start, ni hindi nila alam ang motibo ng mga biglaang pagkawala ng mga sikat na personalidad. Was it their influence? Their power over the masses? Or was it something else?

Ella didn't have a single clue.

More so, hindi niya rin sigurado kung kakayanin ba niyang mag-isang protektahan ang buong GAIA kung kay Constantine Alandy pa lang ay said na kaniyang oras at pasyensya?

She will need a field partner soon. This mission was obviously far from being easy.

Sinadya niyang manatili sa pinakadulong parte ng yate nang mag-isa. Umaasa siya na sana, sapat na ang oras na ginugol niyang nagtatago roon para makalimutan ng mga tao sa set ang nakakahiyang nagawa niya.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon