"Are you still with me?"
Napaangat ang mga mata ni Ella mula sa hawak na goblet. Ilang minuto pagkatapos ng mainit na eksena sa stockroom ay natagpuan niya ang sariling kaharap si Aron, ang kaniyang so-called 'date'.
Squaring her shoulders, pilit niyang nginitian ang kasama bago sumimsim ng wine. Damn it! Kahit yata ubusin niya ang laman ng wine bottle sa lamesa nila ay hindi na maalis sa kaniyang bibig ang lasa ni Constantine. The hot make-out they had inside the stockroom was insane. Pakiramdam niya ay magkalapat pa rin ang kanilang mga bibig, kahit pa ibang lalaki na ang kaniyang kausap.
"What's wrong?"
'Maraming-marami...' she wanted to say. Pero kaysa isaboses 'yon ay iba ang kaniyang sinabi. "Wala. Ayos lang ako."
That was an outright lie. Una sa lahat ay tuloy-tuloy pa rin ang pagre-report nila Macky at Giovane sa suot niyang lapel mic, which meant naka-active duty pa rin ang buong AXIS at may posibilidad pa ring umatake ang serial killer.
Pangalawa. Nawawala pa rin ang abnormal niyang mission partner na si Claire pagkatapos nitong painitin ang ulo niya. Could Claire be surveying the place? She couldn't even tell. Sabi nito mag-relax daw siya, but then how could she even do that kung ni hindi nga siya mapalagay sa kalibre nito? Goodness! Claire was even talking about her marrying either Constantine or Aron. Mukha ba siyang atat mag-asawa? And what's with needing to choose wisely between the two?
Pangatlo. Nahihirapan siyang magpanggap na masaya habang kasama si Aron. Guilty as charged, siya talaga ang nag-aya rito na mag-date sila. However, the only reason she did that was because malakas talaga ang kutob niyang ito ang target ng serial killer. Why would the killer settle for anything less when it can grab the unbeatable number one, right?
Pang-apat. Kaya naman tuluyan na niyang hindi nakita si Claire hanggang matapos ang show ay dahil may isang Constantine Alandy na parang kabuteng sumusulpot sa kung saan-saan at nag-iiwan ng... "Hickey?"
"H-Ha?"
"Umh... there." Kunot-noong may tinuro si Aron sa kaniyang mukha. Nang hindi pa ito makuntento ay pinasingkit pa nito ang mga mata at yumukod palapit sa kaniya. Mayamaya ay tinapik nito ang sariling panga para imuwestra sa kaniya kung saan siya minarkahan ng gagong si Constantine. "Left jaw, Ella. It's red and—"
"Kagat ng langgam," putol niya agad sa kung ano pang sasabihin ng binata. Then, to support her lie, kinamot niya pa kuno ang panga bago tumawa. "Ang kati nga, eh."
"Gagong langgam 'yan, ah." Aron smirked knowingly before pulling away. Mabagal itong umiling nang sa wakas ay makasandal sa silya at bumulong, "Hindi man lang pumili ng mas tagong parte 'no? Nakikipag-agawan talaga para sa 'yo."
Nagpanting ang tainga niya, pero nagkunwari siyang hindi narinig ang komento ng kaharap. Thus, when Aron motioned his goblet for a cheer, she lifted hers too and accepted it.
"This one's for my beautiful date," sabi ni Aron habang nakatitig sa kaniya.
"Thanks," sagot naman ni Ella bago matamis na ngumiti rito. "And this is for you too. Congratulations on being the top model again, Aro—"
"Good evening, lovers!" Then there was that overly cheerful voice that made both of them freeze.
Nanlaki ang mga mata ni Ella nang biglang may umagaw sa hawak niyang goblet at kaswal na inisang lagok laman niyon. Wala man lang pangingimi na bumakas sa mukha ng bagong dating nang ibalik naman nito ang goblet sa kamay niya at mag-utos, "Salinan mo ulit, pea—"
"Oh, look who's gracing our table! If it isn't the ever-playful Constantine!" Kahit nakangisi si Aron ay halata ang inis nito nang batiin ang lalaki. Saglit pa ay lumipat naman ang tingin nito sa babaeng nakaabresyete kay Constantine at tumango. "And of course, with the very elegant and stunning Stacy Moran."
BINABASA MO ANG
Buy Me
General FictionNews Flash: The country's second top model Constantine Alandy is in danger! Another News Flash: Kasabay nito ay ang pagdedelikado rin ng "virginity" ng undercover agent na si Ella Oberoi. A serial-killer had been having holiday for the past few mo...