CHAPTER 19

234 17 5
                                    


There is a huge difference between seeing someone leap over a full flight of stairs in the movies and actually doing it.

At almost midnight, napatunayan ni Ella magkaiba nga ang mga iyon pagkatapos niyang lundagin ang hagdanang tinakbuhan ng asset.

They never mention it in movies, pero sa totoo lang, sobrang sakit! Regardless of how gracefully she landed, damang-dama niya iyong impact ng sahig sa buong binti niya nang lumagabag ang kaniyang mga paa at kumaripas siya ulit ng takbo.

'I cannot allow my woman to keep playing with such dangerous things...'

She gritted her teeth upon remembering what Constantine said. Isang linggo matapos ang tagpo sa conference room ay natagpuan niya ang sariling ginagawa lahat ng pinagbabawal nito.

The moon was bright and tender as it shone over Kote Wall's bridge. Malamig ang hangin at tahimik na rin ang buong paligid. It could have been a perfect night for a date, kung hindi nga lang tumatagaktak ang mga pawis nila ni Claire.

"Ella, watch out!" Claire jumped above the trash bin that the man they were running after hurled at them. Muntik pa itong madapa nang saglit itong mawalan ng balanse.

Who said that running as fast as they could while dodging everything that was being thrown at them was easy? Daig pa nila ang nakikipaglaro ng patintero sa hinahabol nila dahil sa dami ng mga binabato nito.

Palabas na sana sila ng CCTV room ni Claire kanina nang may mapansin silang kakaiba. Hindi pa rin nila alam kung sino ang killer, pero sigurado na silang may inside job na nangyayari.

Namukhaan kasi ni Ella ang kaparehong asset na hinabol niya ilang buwan na ang nakakaraan nang mahagip ito ng camera. Someone allowed that shit inside GAIA's office at na-record iyon sa footage.

The bad part? Hindi nila nakilala ang kinausap nito. Anino lang ang nakita nila nang bigla itong umalis kasabay ng pag-ikot ng camera.

That action alone already gave it away! Alam ng kung sino mang iyon ang ginagawa nito at kabisado pati ang pag-function ng mga CCTV.

"Shit!" Another trash bin came flying in their direction. Madami pang pinaghahablot ang hinahabol nila para pigilan sila sa paghataw ng takbo.

Naiwasan ni Ella iyong wooden crate, kaso napuruhan naman ng pangatlong basurahan si Claire at plumakda ito sa sahig.

"Fuck!"

Sumabog ang nasaktang mura ng kaniyang mission partner, pero hindi man lang lumingon si Ella.

She didn't even have time to check on Claire nang lumagpas sila ng asset sa tulay at dumiretso naman sa mas makitid na kalsada.

Nang lumiko ang asset sa kanto ay halos gumasgas sa sahig ang mga paa ni Ella dahil sa sobrang bilis ng pagsunod niya rito.

Malapit na sila sa dulo ng makitid na kalsada nang bunutin naman ni Ella ang kaniyang baril mula sa suot na jacket at ikasa iyon.

The speed they were taking was insane as they approached the end of that dark alley. Halos magkasabay pa silang bumulusok palabas ng madilim na eskinita nang biglang yanigin ng dalawang ng putok ng baril ang katahimikan ng buong lugar.

"Shit!"

Hindi pa nakakabawi ng hinga si Ella nang mula sa likuran ay biglang may humablot sa hood ng suot niyang jacket.

The sudden force made her lose balance at sakto naman na may humaging na bala sa kaniyang pisngi.

She missed that bullet by less than an inch! Kung hindi siya bumulagta sa kalsada ay malamang na sa ulo niya bumaon ang balang iyon.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon