CHAPTER 65

222 13 9
                                    

Napakalaking gulo.

Hindi lang AXIS ang nasa lokasyon. May isa pang grupo ng mga lalaking sumali sa barilan. Mga militar? Parang... pero hindi masabi ni Claire kung sino ang nagpadala.

Well, it didn't really matter at that time. Bagsak si Constantine at ang lalaking tinadhana sa kanya. Both of the men are bloody, with one of them cradled on her lap—si Benjamin.

She couldn't exactly tell what happened next when the chaos reached its peak. Umulan ng bala at kung ano-ano. May tumulong sa kanya na mailayo ang dalawang binata sa lugar. AXIS? Iba pang grupo? She wouldn't know.

Parang pinipiga ang kanyang puso habang sinasabayan ng takbo ang mga ito papunta sa ambulansyang nakahimpil sa dulo ng back door ng hotel. Kaninong ambulansya? Hindi niya rin alam, pero roon pinadala ng nagpakilalang tauhan ni Benjamin si Ella para malapatan agad ng paunang lunas kanina.

How did that ambulance end up there? Hindi kaya planado na lalaking nakalupaypay sa kanyang balikat ang lahat? But...

'Demonyo ang lalaking ito... Demonyo ito pero siya ang ama ng magiging mga anak ko--'

"Hoy..."

'Benjamin?' Bumagal ang pagtakbo ni Claire nang marinig ang hirap na hirap na bulong na 'yon kasabay ng pagbaon kung anong malamig sa kanyang tagiliran. Nakaabot na sila sa likurang parte ng hotel, higit na mas tahimik doon kaysa sa patuloy na putukan ng baril sa loob.

'What the fck?'

"H-Huwag mo kong i-isasama sa gagong kliyente ko..." Kinasa nito ang kung ano mang tinutok sa tagiliran niya. Is he about to kill her too? Ito na ba ang dahilan kung bakit hindi siya mamahalin nito?

"S-si Alandy?"

"Dalawang minuto..." The evil man coughed. May tumulong dugo sa kanyang balikat at nanghina ang kanyang mga tuhod nang mas bumigat ang timbang na nakaangkla sa kanya. "G-Gigising siya sa loob ng dalawang minuto--"

"Ano?"

"Buhay si Alandy."

Claire couldn't tell what type of emotion grabbed her chest when the man, whose face was buried on the side of her neck, shook his head. She could feel his breath faltering against her skin. It was moist and smelled like blood, but...

"Benjamin, nakita kitang binaril mo siya! You shot the man straight in the chest!"

The evil genius just chuckled at her. Iyong sobrang hirap na, pero nang-aalaska pa. Then, with a wobbly hand, he pulled the thing buried on her side and lifted it onto her face. It dangled on his blood-soaked hands.

"Ito ba?"

Napakunot ang noo ni Claire habang pinanonood ang pagbitin ng sinasabi nitong gamit sa kamay nito.

"Sana nga totoong baril na lang 'yong dinala ko eh..."

"What the fuck is running in your head?!" Nanlaki ang mga mata ni Claire nang mapagtantong tranquilizer gun ang hawak nito. Was her destiny really this crazy? Giyera ang sinuong nila, pero ni hindi ito nagdala ng armas? "You're impossible--"

"Tsk! Ingay mo. Basta ayokong kasama si Alandy s-sa..." He coughed blood again. "...ambulansya. M-May pupuntahan pa ang mga 'yan."

She felt him push away and tried to stand up. She heard him grumble in pain, kaya agad naman siyang napayakap dito.

"Benjamin--"

"Iuwi mo ko."

"Ha?"

"Pagod na ko." The man grinned amid the pain in his face. "I-iuwi mo ko sa bahay mo. Gusto ko roon..."

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon