CHAPTER 3

377 14 1
                                    

Napangiwi si Ella sa sobrang pagkapahiya. Paanong sa laki ng mundo ay sa zipper pa ni Constantine Alandy sumabit ang long sleeves niya?

Ilang segundo pa ang lumipas bago tinanggal ng kaniyang kaharap ang suot nitong mask at salamin. At ang masama? Kahit ayaw na niya itong makita ay kusa naman siyang napatingala.

'Putya!' She cursed inside her head when their eyes met for the first time. Sanay siyang makita ang mukha nito sa mga billboards, pero hindi siya handang makaharap ito nang ganito kalapit.

The model instantly stole her breath away! Ni wala pa nga itong ginagawa kung hindi tumayo roon na tila hindi alam ang sasabihin.

"I guess it's nice to meet you...umh... Ella, right?"

Napakagat-labi siya nang wala siyang mapapuhap na sagot.

Tumawa naman si Constantine dahil halatang natuliro siya sa napakasimpleng tanong nito. "I heard them call you Ella. Siguro Ella pangalan mo."

Paano ba siya makakapag-isip nang matino kung pati pagkalukot ng mukha nito habang tinatawanan siya ay sobrang guwapo? She was guilty as charged! Nakalimutan niya talaga pati pangalan niya.

The brute possessed a magnetic personality that could draw both men and women to him. No wonder that fans were surrounding him like bees to honey. Wickedly attractive, kasi ang loko.

Hindi masabi ni Ella kung gaano pa siya katagal natulala lang dito. Napaigtad pa siya nang biglang yumukod si Constantine, at sa gulat niya' ay pag pantayin ang kanilang mga tingin. Then, as if their closeness still wasn't enough for him, mas inilapit pa nito ang sarili sa kaniya hanggang magkadikit ang kanilang mga noo.

They looked so intimate as their eyes welded with each other. Tuloy, ni hindi niya napansin nang walang pagmamadaling tanggalin ni Constantine ang manggas niya sa zipper nito, bago ito unti-unting tumuwid ulit ng tayo.

"There. Off you go." Magaan ang boses ni Constantine nang pakawalan ang sleeves niya. Umangat pa ang isang kamay nito at saka siya tinapik tapik sa ibabaw ng ulo. "Peacock, next time you want to touch my dick, you ask for permission, okay? Hindi naman ako madamot."

Doon nagising sa tila panaginip si Ella. Immediately, nanlaki ang mga mata niya kasabay ng paglaglag ng panga.

Excuse her? Just to set the record straight, she didn't grab him there—she punched his crotch! Ang lakas naman ng loob nitong sabihin na humingi siya ng permission kung gusto niya itong hawakan doon?

Nang makabawi ay dismayadong napahilamos nalang si Ella.

The heck! Their new client has air! Halatang hindi nito alam ang totoong dahilan kung bakit siya napadpad doon bilang new assistant nito. Ano kayang magiging reaksyon nito oras na malamang nasa binggit silang lahat ng kamatayan ngayon?

"I'm sorry for being late." Balewalang tinalikuran na ni Ella si Constantine at lumakad siya palapit sa kaniyang boss.

"Ito na po ang documents na kailangan ninyo," she then said before handing the folder that had the list of suspects she gathered to none other than Head Agent Leticia Rabago.

***

Sa conference room sila napadpad pagkatapos silang ayain ni Ivano. The middle-aged man discussed Ella's responsibility and all the other things she needed to know para magawa niya ang kaniyang trabaho bilang assistant.

Iniwasan ni Ella na mapagawi ang kaniyang tingin kay Constantine sa kabuuan ng meeting. The truth was, ni hindi nga siya nakinig sa topic nila dahil malayo roon ang totoong papel niya rito.

Nakahinga lang siya nang maluwag nang sa wakas ay matapos ang diskusyon tungkol sa mga aktibidades ni Constantine araw-araw. She was already on the brink of exploding at that time, dahil kahit anong iwas niya sa binata ay ito naman ang gumagawa ng paraan para kunin ang atensyon niya.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon