Gamit ang speedboat ay nakarating sila Ella sa karatig na isla. It was already past midnight, pero hindi talaga nila matagpuan si Constantine.
Naabutan nilang may tatlong bangkang kahoy na nakadaong sa dock bago pa man sila dumating. Worse? The boats were abandoned. Palutang-lutang lang ang mga ito habang nakatali sa daungan.
'Damn it!'
Her footsteps were strong against the sand. Kanina pa siya nilulukob ng pag-aalala. Oo nga't hired siya bilang assistant ni Constantine, pero may tatlumpu't isang modelo siyang naiwan sa villa. Ni-hindi nga niya alam kung si Constantine nga ba ang target ng killer o hindi.
To be honest, hindi rin niya alam kung bakit si Constantine ang naging entry point niya sa GAIA ganoong marami namang pagpipilian. Ang usapan at plano ay pasukin nila ang GAIA dahil ayon sa management nito ay nasa delikadong sitwasyon ang mga modelo nito-in general.
Base sa huling clue na natanggap nila ay crime of passion ang pattern ng killer. Just that, wala pa ring nakakaalam ng iba pang detalye sa kung paano ba ito kumilos.
Kung ang pag-uugali ang pagbabasehan, malabong magustuhan ng killer si Constantine. Siya nga mismong protector ng mga ito ay ayaw dito! But when it came to looks, panalo talaga ang mokong. The brute exudes an overwhelming sensuality that only demigods were allowed to have.
'Okay... So posible ngang si Constantine ang target? Shit!'
Hindi pa rin siya tumitigil sa pagmumura hanggang makarating sila sa mas masukal na parte ng isla. Unlike the fully developed island they were from, mas basal ang kinaroroonan nila ngayon. Malalaki ang mga puno, may mga baging, at matataas ang mga ligaw na halaman na kailangan pang hawiin para lang makaraan sila.
Malayo-layo na rin ang kanilang nalalakad nang magdesisyon silang maghiwa-hiwalay. A few more minutes, and Terrence was already screaming the model's name from afar.
'Ako na lang kaya ang pumatay kay Constantine para hindi nakaka-stress-Damn!' She was about to walk further through the woods when she heard dried leaves snapping under somebody else's feet.
Agad na lumagabog ang kaniyang dibdib. Something inside her seemed to know the person behind her, even without looking.
"Hinahanap mo ba 'ko?"
A gust of hot breath fanned the base of Ella's neck. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay kasabay nang marahas na pagharap dito. Pagkatapos, bago pa man lumapat ang mga labi ni Constantine sa mukha niya ay binigwasan niya na agad ng suntok ang binatang kanina pa nagpapasakit sa ulo nilang lahat.
Buwisit kasi. Hindi ba nito alam na halos sumabog ang kokote niya kakaisip dito?
As always, mabilis pa ring naiwasan ni Constantine ang suntok niya. One thing that amazed her about the guy was how agile he was. Although natamaan na niya ito ng suntok minsan ay hindi naman maitatagong praktisado rin ang loko sa self-defense.
She continued attacking him. For a while there, puro salag at iwas lang ang ginagawa ng binata sa kaniyang mga kamao. He didn't even look scared. Nakikipagsabayan talaga sa kaniya ang mga kilos ng loko.
Until she released that last punch, that just like the others, he effortlessly dodged. Iyon nga lang hindi napansin ni Constantine na medyo palihis na pala ang bahaging inaatrasan nito. Bago pa niya masundan ulit ang huling bigwas niya ay na-out of balance na ang binata.
"Holy shit-Argh!" Ella wasn't ready when Constantine grabbed on her arm just a split second before his fall. Worse, he pulled her so fast, locked one of his arms around her waist, at bago pa siya nakahuma ay gumugulong na sila pababa sa pasadsad na lupang natatabunan ng mga sukal.
BINABASA MO ANG
Buy Me
General FictionNews Flash: The country's second top model Constantine Alandy is in danger! Another News Flash: Kasabay nito ay ang pagdedelikado rin ng "virginity" ng undercover agent na si Ella Oberoi. A serial-killer had been having holiday for the past few mo...