It's just twenty, remember?
Kinailangang kalmutin ni Ella ang sarili nang muling maalala ang sinabi ni Constanine. Kahit napakaraming bagay na gumugulo sa kaniya ay hindi niya maalis sa isip ang mga naganap bago siya pumasok sa banyo.
The cold water hitting her skin wasn't enough to lessen the heat settling between her thighs. If she would close her eyes and listen closely, she could even hear the drops of water coming from the shower head sizzling against her skin.
Napakaraming bagay na kailangan niyang intindihin. Paniguradong lagot na naman siya bukas, pero wala naman siyang magawa.
Una sa lahat ng problema ang pagsunod ni Constantine, kahit saan siya magpunta. It was strange, but then, considering that he had been tailing her around for a while, it didn't really shock her much earlier.
Hindi niya alam ang rason nito. Ganoon pa man, kahit wala siyang maramdamang takot ay kinakabahan naman siya sa binata. She had never felt so exposed to anyone until he came! Darn! Walang kagatol-gatol na nahuhukay nito ang pagkatao niya.
Pangalawa si Rabago sa nagpapasakit ng kaniyang ulo. She was on the brink of losing AXIS and what happened earlier wasn't exactly the best way to rebuild herself for her boss. Paniguradong makakaapekto 'yon sa paghahanap niya kay Hamin. Masasayang lahat ng pinagpaguran niya ng mahabang panahon kung saka-sakali.
Lastly, ni hindi niya masabi kung bakit nagpakaladkad siya kay Constantine sa lugar na iyon. Hindi ba dapat ay binalikan niya si Claire dahil naiwan niya itong nakabulagta sa kalye? Ano bang nangyari sa kaniya at nakalimutan niya ito nang dumating ang binata? Was she losing her mind?
"Pea, are you alright?"
Napapikit si Ella nang biglang may kumatok sa pintuan. For a while there, nanigas siya sa ilalim ng shower habang pinipigil ang sariling pagbuksan ito. Pati pagtawag kasi nito nang ganoon sa kaniya ay may hatid na kiliti sa kaniyang pagkababae.
"Pea, kalahating oras ka na diyan." She heard the brute sighed. "You just have to tell me, kung diyan ba tayo matutulog sa loob ng bathroom o gagamitin natin 'yong kama."
Napakagat siya sa labi kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata.
Was Constantine really implying na magtatabi sila sa pagtulog sa iisang kama?
Damn him. Alam ba nito kung paano magpigil?
Ang hirap kaya.
***
On the other hand, Constantine let out a huge sigh after Ella didn't reply.
Sandali niya pang pinakiramdaman ang ginagawa ng dalaga bago siya napapailing na bumalik sa kama.
His peacock had been inside that bathroom for more than half an hour, and he was already back to wearing his jeans.
Mentras lumalalim ang gabi ay mas gumugulo naman ang kinakaharap niyang sitwasyon. Ni hindi niya na nga rin alam kung tama ba ang desisyon niyang doon itago si Ella sa mga oras na iyon.
It was he who told Ella not to play with dangerous things, but then look at what he has done! Ano pa bang karapatan niyang pagbawalan ito kung siya nga mismo mas pinili na ring makipaglaro kay Kamatayan?
Matagal na niyang alam na hindi lang basta simpleng assistant ang dalaga. It was her tracker that gave her away. He wasn't born an army general's son for nothing, at alam na alam niya kung saan ginagamit ang gadget na iyon.
His father's ultimate dream was to make him a part of the government's intelligence team. Kaso rebelde siya, kaya ang half-Indian niyang pinsan na si Fahad ang sumalo ng binakante niyang posisyon.
BINABASA MO ANG
Buy Me
General FictionNews Flash: The country's second top model Constantine Alandy is in danger! Another News Flash: Kasabay nito ay ang pagdedelikado rin ng "virginity" ng undercover agent na si Ella Oberoi. A serial-killer had been having holiday for the past few mo...