Pasado alas-kuwartro ng hapon nang magising ulit si Ella. Unlike the first time she woke up, she was feeling a lot better this time. Sensitibo pa rin ang buong katawan niya, pero hindi na ganoon kasakit iyon. Gumana na kasi ang gamot na pinainom sa kaniya ni Constantine bago siya nakatulog ulit.
Malamyos na gumulong siya paalis ng kama. Tulad kanina ay wala pa rin sa kaniyang tabi ang binata. Ano naman ba kasing dapat niyang asahan kay Constantine? They weren't even an item. By the end of the day, they were just two horny people who enjoy sexing each other.
Iinot-inot pa rin siya nang patamad na lakarin ang pintuan ng bathroom. Her eyes went straight to the pile of towels neatly arranged on the counter, and she heavily took one of those to get ready for a quick shower.
Napahikab siya ulit. Hindi niya maintindihan kung bakit ang bigat ng katawan niya ganoong buong buhay niya mula nang mawala si Hamin ay kinailangan na niyang kumayod araw-araw. Her laziness felt so new.
Akmang aalis na siya nang mapatingin siya sa malaking salamin sa ibabaw ng bathroom counter. Dagling kumunot ang kaniyang noo nang may mapansin doon. Curiously, she bent down to observe her reflection more.
Her heart went into haywire upon recognizing the red patches scattered all over her neck and breasts. Still shocked, mas yumukod pa siya sa counter para titigan ang sarili.
Goodness! Talaga bang wala sa bokabularyo ni Constantine ang mga salitang 'sekreto', 'kaunti', at 'tira'? Pati sa ibabaw ng kaniyang singit ay may chikinini siya!
Her original plan was to report to AXIS as soon as she recovered. Pero paano niya naman gagawin 'yon kung kuko lang yata ang hindi minarkahan ng loko? The brute deliberately treated her skin like his canvas! Kulang na lang ipa-tarpaulin ni Constantine na may nangyari sa kanila.
"Bwisit." Her nose flared when she anxiously reached for the medicine cabinet nearby. Mabilis ang mga kilos niya nang halughugin iyon. Nagbagsakan sa marmol ang mga laman ng cabinet. Bukod sa mga gamot na binili ng binata kanina para sa kaniya ay wala na siyang magagamit na iba para takpan ang mga marka.
That made her lips twist distastefully. 'Band-aid! Plaster! Medical tape! Kahit ano--'
"Hindi ganiyan ang tamang pagsira sa cabinet."
Her hand instantly froze when another reflection appeared in the mirror before her. Sa sobrang taranta niya sa paghahanap ni hindi niya napansing may pumasok na pala sa banyo. Humigpit ang hawak niya sa bote ng alcohol. Damn it. Para kasing ang sarap batuhin ni Constantine habang ngiting-ngiti itong palapit sa kaniya.
'Oh Lord...' Bigla siyang napalunok nang walang kaabog-abog na maghubad ito sa likuran niya. Pamayamaya ay ang suot na boxer naman ang hinubad nito at parang wala lang na ihagis 'yon sa laundry hamper. He was moving so nonchalantly—na para bang natural na lang dito na ipakita sa kaniya ang lahat.
"Are you going to take a shower?" He even innocently asked, throwing her a casual glimpse. Nang hindi siya makasagot ay balewalang tinukod nito ang mga braso sa counter at kinulong siya sa pagitan ng mga iyon.
Her body felt so fragile against him as they both stared at their reflections in the mirror. She could feel every hard muscle he had, at bawat pagdikit ng mga balat nila ay nagpapakaba sa kaniya. "Great. Sabay na tayo."
She choked when Constantine reached for her right hand from the back and, to her shock, lifted it to his face. Naging seryoso ang mukha nito habang tila pinag-aaralan ang kaniyang kamay. His eyebrows were even furrowed as he examined her ring finger. Na tila ba tinatantiya nito ang sukat ng palasingsingan niya bago iyon mabilis na hinalikan. "Darating si Attorney mamaya. Gandahan mo pirma. Permanent contract 'yon--"
BINABASA MO ANG
Buy Me
General FictionNews Flash: The country's second top model Constantine Alandy is in danger! Another News Flash: Kasabay nito ay ang pagdedelikado rin ng "virginity" ng undercover agent na si Ella Oberoi. A serial-killer had been having holiday for the past few mo...