CHAPTER 58

134 13 12
                                    

Binibiyak. Iyon ang pakiramdam ng ulo ni Ella nang unti-unti siyang magmulat ng mga mata. Everything was blurry to her. Na para bang hindi pa handa ang kanyang utak na kilalanin ang lugar na kanyang kinaroroonan.

Maaliwalas ang buong silid, pero parang napakabagal ng oras sa lugar na 'yon. Makaluma ang disenyo. Gawa sa kahoy ang mga muebles pati na rin ang sahig. Malalaki rin ang mga bintanang may nakabit na kurtinang nilalaro ng pang-umagang hangin.

Tahimik...

Sobra...

Ella couldn't exactly tell how long she stayed just feeling numb in there. For a stretch, she felt like floating in nothingness. Na para bang nawalan na ng kabuluhan ang lahat.

'Constantine...' Her lips quivered when his name crossed her mind. Then slowly, her hand moved on its own to feel her tummy—gently and tentatively, as if trying to check signs of the tiny 'imaginary life' in there.

'Noah...' Her eyes heated up as her fingertips continued to glide over the smooth fabric covering her body. Bakit ba pakiramdam niya ay napakahalagang bagay na nawala sa kanya? She couldn't even tell why she was crying or when her fingers clutched at her blanket.

Bakit ba parang nagsisisi siyang nagising pa siya?

Bakit ba parang mali na sumisikat pa ang araw?

The sun shouldn't be shining at all! Who the hell gave it the right to occupy that place with its mild light? Who in this freaking world told the birds that they could sing that peaceful morning? Sino ang walang-pusong nagsabi sa mga dahon na may karapatan ang mga itong gumawa ng mabining tunog at magsayaw sa pagkakasabit nito sa mga puno?

Ella wanted to know because, seriously, she couldn't even tell why she was hurting as much.

"Baby Noah..." naibulong niya ang pangalang napili ni Constantine para sa sanggol na nabuo sa imahinasyon nito. Then, just like a huge effing joke, parang pelikulang nakita niya sa kanyang isip ang ang araw na 'yon.

Magkatabi sila sa couch, pero hindi sila nagkikibuan. She was too busy planning her escape from him. Gustong-gusto niya itong iwan, habang ito naman... tahimik lang na nagbabasa ng libro, binabalewala ang paulit-ulit niyang pagtataboy dito, kahit ang totoo ay may kinikimkim na pala ito.

How could she be so cruel to him? Anong klase ba siyang tao para hindi makita kung paano siya minahal nito... nang paulit-ulit?

'Jesus...' She shut her eyes tight when tears warned to fall again. 'Anong nagawa ko? Why didn't I know--'

"Umh? Gising ka na pala."

It was the sound of the door opening, followed by that sweet voice, that made Ella cover her mouth. Muntik na kasing may hikbing kumawala roon. Still feeling like the whole world was pressed down on her, she languidly turned in the direction of the sound. "Claire."

Hindi agad sumagot ang dalagang pumasok sa kwarto. Bagkus ay pilit itong ngumiti bago lumapit sa silyang katabi ng kanyang kama at umupo roon. With worry clearly plastered on her co-agent's beautiful face, Claire then said, "Buti naman at nagising ka na."

"Nasaan ako? Anong nangyari?"

"Nawalan ka ng malay malapit sa Kote Wall Bridge. Nakita kita. Dinala kita rito sa bahay ko para makapagpahinga ka naman nang kaunti."

'Nawalan ng malay? Pahinga?' Ella's eyes widened when panic immediately rose. Anxiously, she sat and gave the whole place a quick once-over before looking back at the woman."Gaano na ako katagal dito?"

"Two days and a half."

"Ano?"

"Nagdelikado ka..." Again, Claire forced a sad smile for her. Bumaba ang nag-aalalang tingin nito sa kanyang tiyan na natatakpan pa rin ng kanyang kumot. "Hindi lang ikaw, pati siya. Buti na lang hindi nagtuloy-tuloy ang pagdurugo. You were spotting when I-- "

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon